Buy Mon Datol
P58-B yaman ni Cong. Leandro Leviste pina-freeze ng korte; Marcoleta, Defensor ekis sa hirit na piyansa; Ang Paglilitis kay Duterte; 3 senador napipisil kapalit ni VP Sara; Impeachment trial ‘wag madaliin – SP Win; May 30-40 maletang pera si VP Sara
———————————————————————
Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na i-freeze ang 46 bank and securities accounts, kasama mga joint accounts at 8 ari-arian sa Makati at Batangas na iniuugnay kay Batangas Rep. Leandro Leviste matapos madiskubre ng AMLC ang halos P58 bilyong transaksiyon sa kanyang mga account.
Huwaw! Gayuon baga kayaman Anak ni Sen. Loren, eyh?
********
Ayon sa resolusyon ng CA na nakuha ng Bilyonaryo, may P28.07B pumasok at P29.82B lumabas sa 4,463 malalaking transaksiyon mula Oktubre 2005 hanggang Abril 2026, na layon umano ng Korte na pigilan ang paglipat o pagbebenta ng mga ari-arian na pinaghihinalaang galing sa ilegal na gawain.
Kaya kaya nag-abroad ang mag-ina para iwas-kalaboso?
********
Pero, actually, hindi naman sinabi sa CA resolusyon kung magkano ang laman ng mga account nang i-freeze ang mga ito at ang halos P58 bilyon ay kabuuang galaw ng pera sa loob ng mahigit dalawang dekada, hindi ang halagang na-freeze o napatunayang ilegal.
Pero, P28.07B is P28.07B na pumasok sa kaban ni Leviste.
********
Syempre, pumalag si Leviste at, tinawag na “lawful transactions in the ordinary course of business” ang lahat ng nasabing transaksiyon at dahil daw sa pag-iimbento ng mga paratang sa kanya ay nabawasan ang investment at trabaho sa Pinas.
Ewan ko lang, Tol Reyfort, bi-bilib ka ba sa taong nagtatago?
********
Nakita raw kasi ng AMLC ang pagbilis ng galaw ng pera sa mga account ni Leviste habang lumalaki ang kanyang mga solar company at nasilip ng ahensya na may “possible commingling” o posibleng paghahalo ng pera ni Leviste at ng kanyang mga kompanya.
Uwi na kasi Sen. Loren at Cong. Leviste para harapin ‘kaso’ nyo.
********
Tinanggihan ng Sandiganbayan 3rd Division nitong Nobyembre 23, ang petition for bail nina Sen. Rodante Marcoleta, dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray kaugnay ng P75 milyong plunder case dahil malakas umano ang ebidensiya laban sa kanila.
Sa Oblo na magnu-New Year sina Ka DanteM at MikeD.
********
Sa Lunes na, Nobyembre 30, 2026 magsisimula ang paglilitis kay dating Pres. Digong Duterte sa ICC sa The Hague, sa tatlong counts ng crimes against humanity ng murder at attempted murder na iniuugnay sa kanyang kampanya kontra droga.
Buong mundo tututok sa ‘Trial of the Century’ ng ICC ke DU30.
********
Magdadalawang taon nang nakakulong sa The Hague Headquarters si Duterte makaraang arestuhin sa bisa ng ICC warrant sa NAIA makaraang manggaling sa Hong Kong. Inabot ng ilang oras bago naisakay si Duterre sa eroplano na nagdala sa kanya sa The Hague. Walang nagawa si VP Sara Duterte para pigilang dahil sa ICC HQ ang ama.
Si dating PNP chief Nicolas Torre ang umaresto kay Duterte.
********
Kasalukuyang nagtatago pa hanggang ngayon si Sen. Bato dela Rosa na inisyuhan na rin ng warrant of arrest ng ICC dahil co-conspirator siya, kasama ang ilan pang dating opisyal ng DU30 government, sa EJK ng dating pangulo. At dahil sa…
P50M bounty ke Bato, panigurado me Hudas lalabas. Pronto.
********
Sa paglilitis kay DU30, isang mahalagang yugto ito para sa mga pamilyang matagal nang naghahanap ng katarungan, at, hindi dapat sa ICC lamang nakasalalay ang paghahanap ng hustisya dahil may sariling obligasyon ang Pilipinas. Kung may mga pulis, commanders o iba pang opisyal na maaaring lumabag sa batas, dapat din silang imbestigahan ng ating sariling mga institusyon batay sa ebidensiya. Dahil di ba…
‘No one is above the law’ sa Pinas, rayt Ante Kler at Mike Cerbera?!?!
********
Solo ang pangalan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa Lower House sa maaaring maging kapalit ni VP Sara Duterte kung ito ay tuluyan ng ma-impeach, pero, 3 Senador naman umano ang maaaring pagpiliang irekomenda na susunod na VP. So, ang tanong ay…
Sinong ‘mamanukin‘ ni PBBM na VP kapag na-impeach si Sara.
********
Bukod ke Sen. Lito Lapid ay lumutang din ang mga pangalan nina Sen. Erwin Tulfo, at Senate President Sherwin Gatchalian at kayat
umusbong ang pangalan ng mga ipapalit kay VP Sara ay dahil sa mahina umano ang mga testigong isinalang ng depensa at mahirap na malusutan pa ang mga alegasyon ng prosekusyon. Kung ganuon naman pala, e…
Huwag ng paabutin pa ng simbang gabi hatol ke Sara. Upak na.
********
Well, sina Lapid at Tulfo ay nanalo noong 2025 midterm elections kaya ang kanilang termino bilang senador ay hanggang 2031 pa samantalang si Gatchalian ay hanggang 2028 na lamang, kaya medyo lamang…
Si SP Win ang maging VP ni PBBM sa 2027.
********
Bagama’t umaasa si SP Win Gatchalian na matatapos bago mag-Pasko ang impeachment trial laban kay VP Sara, iginiit nitong hindi dapat isakripisyo ang maayos na proseso alang-alang lamang sa deadline. At tsaka ….
Sa 2027 na lang susumpang VP si SP Win G, Mr. PBBM.
********
Hindi pa nga makausad nang maayos ang depensa ni VP Sara sa impeachment trial kung saan tambak ang ebidensyang hindi nila masagot nang diretso, heto at may 2 bagong testigo ang lumitaw at nagsalaysay tungkol sa umano’y pagdadala ng 35 hanggang 40 maleta ng pera para kay Sara sa isang property na pag-aari ng pamilya Duterte sa Davao noong 2021 at 2022.
Nakngdragon! Kaya naman pala di mauubusan ng pera si Sara!
********
Ang mga salaysay na ito ay dagdag sa naunang pahayag ni Rodulfo Gracioso, dating security aide umano ni former House Speaker Lord Allan Velasco, na bukod sa diumano’y undeclared wealth ni Sara na umaabot sa lagpas P800 milyon, aba’y may 35-40 maleta pang tinanggap umano ang bise presidente.
May undeclared wealth na, may unexplained suitcases pa!
********
Mabilis naman ang sagot ng kampo ni Sara hinggil sa mga salaysay na ito. Parte raw ito ng political persecution laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Weh! Lahat na lang political persecution! La ng ibang alibi, Day?
********
Kaya pala eksperto ang kampo ni Sara sa pagkukuwento tungkol sa mga “maleta boys,” eh, sila-sila rin pala ay may sariling kuwento ng mga maleta at sa rami ng kontrobersiyang kinakaharap ng bise, parang hindi na mga maleta ang kailangan niya kundi isang buong bodega para itambak mga eskandalong patuloy na dumidikit sa kanya.
Abangan, ilang tulog na lang may bagong Bise na.
********
SHORT ORDER: Happy heavenly 76th birthday to our eldest sister Ateng Gertie Datol-Bongcarawan (RIP) – (Nov. 16), lovable mum to children Monette d. Bongcarawan- Garcia and family of USA & Francis ‘Koiks’ D. Bongcarawan & Wifey Len & son, sister Baby Datol-Lei & Vic Lei, sister Mila D. Tucker, hubby Martin Tucker & Family, sister Flora Datol-Quinto & hubby Guy Quinto & Family, sister-in-law Norma Rodriguez-Datol & Family, sister-in-law Emily Hernandez-Datol & Family of NJ, USA…. Happiest birthday (November 23) to my nephew TonyBoy Esquivel, hubby to former Cong. Megan Antonino of Jaen, NE, greetings, too, from former Jaen Mayor Dad Tony Esquivel, former Vice Mayor Kuya Eboy Esquivel, Pempe Cullado, Esquivel, Datol, Gamboa, Cullado Families..Shout to my kumpadre Romy Patricio, Romeo Paas of Surrey, BC & Pao 2nd, Camiling, Tarlac…. Congrats to Brgy. Pao 2nd, Camiling, Tarlac, Philippines for being awarded one of the Best Barangays in Tarlac… God Bless.
– 30 –











Leave a Reply