Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: November 1-15


By Mon Datol Democrats tinapos kontrol ng Republicans sa US Congress; Hindi tatakbong presidente si Leni Robredo; Rodil Zalameda bagong Supreme Court Chief Justice; Ralph Recto, 9 Gabinete muling nanumpa kay PBBM; Trump inalok UFC boss Dana White maging White House press secretary; NCSC, anong nangyari sa P10K cash gift ng mga lolo at lola?…

By Mon Datol

Democrats tinapos kontrol ng Republicans sa US Congress; Hindi tatakbong presidente si Leni Robredo; Rodil Zalameda bagong Supreme Court Chief Justice; Ralph Recto, 9 Gabinete muling nanumpa kay PBBM; Trump inalok UFC boss Dana White maging White House press secretary; NCSC, anong nangyari sa P10K cash gift ng mga lolo at lola? ; Eala talo kay Liu; PNP nakatanggap ng 500 impormasyon sa manhunt kay Bato

                            ———————————-

Nabawi ng Democrats ang kontrol sa US Congress na may 3 Dekada na umano kontrolado ng Republians sa pamumuno ngayon ni Pres. Donald Trump, matapos ang landslide victory ng Blue Wave sa katatapos na midterm election na ginanap last week, kayat, namimiligrong…

    Mai-impeach si Trump sa 2027? Abangan.

                                              ********

Tinuldukan na ng dating Bise Presidente at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo ang mga espekulasyon na tatakbo siyang Pangulo sa 2028 presidential elections sa pagsasabing “sarado” na ang isyung ito, at, hindi na magbabago ang kanyang pasya.

    Okidoki. Tama na. Ayaw e. Huwag ng pilitin. Next year na lang.                                             

                                              ********

Tulad ng inaasahan, si Associate Justice Rodil Zalameda ang pinili ni PBBM bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema kapalit ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nagretiro November 6, araw ng kanyang ika-70 kaarawan, at hindi ang pinaka-Senior Associate Justice Marvic Leonen. Bakit???

    Simple lang, Tol Reyfort: ‘Batang-SocraM’ si Zalameda.

                                              ********

Ang tagal na binebengga ni Leonen si PBBM, at, di ba ito rin ang sumalungat sa apela ni BBM para buksan ulit ang ‘recount’ ng boto nuong 2016 Vice Presdential race na jung saan tinalo nga ni Leni Robredo si BBM. Samantalang ‘ponente‘…

  Si Zalameda sa SC acquittal ni Imelda Marcos sa 7 kaso ng graft.

                                              ********

Pana-panahon lang naman yan sa pulitika sa Pinas, sabi nga ni ERAP nuon, eh, weder-weder lang. Nuong presidente si DU30 ay 13 yatang Justices sa Korte Suprema ang na-appoint niya sa loob ng 6 na taong siya ang nakatira sa Malakanyang kaya nga sa mga kaso umano sa SC ay…

Protektado Duterte dahil sa ‘Utang-na-loob’ ng mga Pinoy.

                                              ********

At di nga ba kaya naudlot 1st impeachment ni VP Sara nuong 19th Congress ay dahil nga raw ‘ginawan’ ng paraan ng 13 SC Justices na maging ‘unconstitutional’ ang isinumiteng ‘Articles of Impeachment’ ng Kamara sa Senado? Pera, err, pero,  iyon na marahil ang…

    Huling ‘pagtanaw-utang-na-loob’ ng Justices ke DDU30.

                                              ********

Muling nanumpa kay PBBM ang 10 miyembro ng kanyang gabinete, kasama sina ES Ralph Recto, DPWH Sec. Giovanni Lopez, Labor Sec. Francis Tolentino, Health Sec. Edwin Mercado, DENR Sec. Juan Miguel Cuna, at DoT Sec. Dita Angara-Mathay para sa kanilang ad interim appointment nuong Nobyembre 6. Ang tanong:…

  Makalusot kaya sila sa CA mula Kamara at Senado?

                                            ********

Kasama rin sa tinatawag ni PBBM  na ‘the Best Team’ na binigyan ng Pangulo ng ‘ad interim appoitnment’ sina Transportation Secretary Vince Dizon, Budget Secretary Kim Robert De Leon at Philippine Space Agency Director General Gay Jane Perez.

  Paano kung di sila aporbahan ng CA? E, di new appointment uli.

                                              ********

Inalok daw ni US Pres. Donald Trump si UFC boss Dana White na maging susunod na White House press secretary matapos matalo ang mga kapartido niyang Republican sa US midterm elections at mawala sa kanila ang mayorya sa Kongreso. Oktubre nang magbitiw PR Sec si Katie Zacharia at mabakante puwesto.

  Gusto ni Trump si White “coz he’s a violent Fighter & Warrior.”

                                              ********

Hindi malinaw kung seryoso si Trump sa alok niya sa kaibigan, gayunman, sinabi ni Dana White noong Sabado na: “I’m going to meet with him, we have a meeting on Monday.”

  Aabangan natin ito, baka next time, eh, WH na venue ng RAW!

                                              ********

May nag-text saking kabayang senior citizen na taga-Jaen, Nueva Ecjia at nagtatanong hinggil sa inaasahan nilang P10,000 cash gift na ipinangako ng gobyerno para sa kanila pero di nila malaman kung nasaan na nga ba, dahil hindi sila masagot umano ng National Commission of Senior Citizens (NCSC), na naging batas dahil sa yumao kong kapatid na si Di-Cong Jun Gamboa Datol. Hamo mga Katropapeepz…

    Itatanong natin ke Seniors Partylist Cong. Ompong Ordanes.

                                              ********

Ayon sa Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act (ECA), ang Cash Gift Benefits for Octogenarians, Nonagenarians and Centennarians, ang lahat ng Filipino na naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa, ay makatatanggap ng P10,000 cash gift at “letter of felicitation” mula sa Pangulo na bumabati sa celebrant ng kanyang mahabang buhay.

    Kasali ba tayong Senior Citizens abroad sa P10K cash gift?

                                              ********

Nitong nakaraang Agosto, mismong si PBBM na ang nag-utos sa NCSC na ibigay na sa mga senior citizens, nakatira man sa Pinas o’ abroad, na nakatuntong ng edad na 80, 85, 90, 95 ang kanilang tig-P10,000 cash gift bilang pagtalima sa nasabing batas.

    Pero, wala pa rin daw nakukuha yong 80-anyos na taga Jaen.

                                              ********

Kung may pondo ang gobyerno, ano ba ang “cause of delay” sa pera ng ating mga seniors. Nasa DSWD ba problema? Nalunod ba sa ‘flood control scam‘ o’ nabulsikot ng ilang buwaya umano sa NCSC? Kung wala namang problema sa budget, ay…

    Ibigay n’yo na! Nakngdragon, puro delay, eh!

                                              ********

Nabigo si Alex Eala na masungkit ang korona matapos lumasap ng 3-6, 0-6 kabiguan sa kamay ni Claire Liu ng Amerika sa finals ng Hong Kong Open Linggo ng hapon, dahil sa iniindang knee injury na nalasap sa semis game kontra Maria Sakkari ng Greece na ginanap sa Victoria Park Center Court sa Causeway Bay, Hong Kong. Tapos na ang 2026 season ng ating tennis star kaya’t hayaan na muna nating mag-pahinga…

  Si Alex Eala, ang bagong Prinsesa ng Raketa sa SEAsia.

                                              ********

Hindi bababa sa 500 impormasyon ang natanggap umano ng PNP kaugnay ng manhunt laban kay Sen. Bato dela Rosa ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. E, bakit nga hindi ay…

  P500M reward yon, kaya madadale ang Bato ASAP. Pramis.

                                              ********

SHORT ORDER: Happiest birthday greetings (Nov. 1) to our Apo#1 Nicole Datol Bello of RH, ON, eldest of 2 children of our eldest daugther Mabel & hubby Edgar & Ate to li’l bro Kyle Edmon D. Bello, greetings, too, from Tita Yeng & Tito Lenny Tierra & children Iyam & Yumi & Mama and Papa… Happiest birthday wishes to our very pretty, gorgeous Niece Katja Quinto-Olegario (Nov. 8), wifey to Alan & loving mom to Aly & only child of sister Flora Datol-Quinto & Bayaw Guy Quinto of NJ, USA; greetings from Olegario Fam of NJ, Quinto Fam of Tuguegarrao City, Phil., Datol Fam of Toronto & Nueva Ecija…Happy birthday to Mary Ann Bachini (Nov. 8) of Toronto & Camiling, Tarlac, greetings from your Bachini Fam…Happy birthday (Nov. 9) to ex-Olympian Ronald Chavez from former RP nationa; pugs, coaches, trainers & co-Olympians Rey Fortaleza, Roel & Onyok Velasco among others & from veteran Radio/TV media broadcaster Ron delos Reyes and this corner.  God Bless.

                                                – 30 –

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , , ,