By Mon Datol
Cardinal Luis Antonio Tagle bagong dean ng College of Cardinals; DU30 ICC trial kasado NA sa November 30; Mark Villar lumipat na sa Majority; Si Baste tatakbong Presidente kapalit ni VP Sara; Paldo si Inday Sara: Tumanggap ng milyones sa China
———————————-
Inaprubahan ni Pope Leo XIV ang pagkakahalal kay Cardinal Luis Antonio Tagle ng Manila October 8, 2026 bilang bagong dean ng College of Cardinals kapalit na nagbitiw sa tungkulin na si 92-year-old Cardinal Giovanni Battista Re, na nagsilbing dean mula January 2020.
Malapit ng maging Pope ang ating butihing Cardinal Tagle.
********
Nakatakda nang simulan ang paglilitis kay dating Pres. Rodrigo Duterte sa Nobyembre 30 ayon sa ICC Trial Chamber III matapos matukoy na umano ng mga hukom na kaya ni Duterte na maunawaan at aktibong makilahok sa mga paglilitis laban sa kanya.
Umpisa na ng ‘giyera ni DU30’ sa The Hauge.
********
Inatasan din ng Chamber ang ICC Registry na patuloy na subaybayan ang kalusugan ni DU30 sa pamamagitan ng medical officer ng detention center at susuriin nila ang haba ng mga oras ng pagdinig kada pagkakataon, batay sa kalagayan ng mga testigo at ng akusado. So…
Magtatagal talaga paglilitis ng ICC ke DU30. Taon bibilangin.
********
At gagamitin yon ni VP Sara Duterte sa kampanya niya, KUNG ma-a-acquit siya sa ginagawang impeachment trial ng Senado sa kaniya, sa 2028 Presidential election na kung saan tiwala siyang mananalo, at…
Papalit na Pangulo ke PBBM kapag nakatakbo nga si Sara.
********
Ang malaking problema nga lang ni VP Sara ay ang nangyayaring senaryo ngayon sa Senado na kung saan nagkakabaliktaran na ang kasanga sa grupo ni Minority Sen. Alan Peter Cayetano na para bang…
Susunod na ke Kuya Mark Villar si bunso sa Majority.
********
Sa pag-over da-bakod ni Sen. Mark Villar kamakalawa ay naging 14 na Senador sa majority, sapat na para i-convict si VP Sara at sibakin na ito sa pwesto dahil nga sa bagong ‘voting threshold’ na inaporbahan ng Senate trial court – mula 16 na naging 14 base sa 2/3 ng mga Senador na nasa Senado sa oras ng botohan – bago pa man …
Mag-Disyembre 16 na target tapusin trial ni Inday Sara.
********
Magiging 15 na umano ang majority pag-balik Pinas ni Sen. Loren Legarda dahil tumawag na RAW ito ke Sen. Ping Lacson at ‘nagsisi’ sa paglipat sa grupo ni Peter Cayetano, kaya’t…
Balik-Tito Sen si Loren2 Sinta, at, ‘mabura kaso’ ng ‘solar son?’
********
Ka-message ko kahapon ang isang beteranong bff Manila journo at parehas kaming nagsabing si Baste na yata patatakbuhing Presidente sa 2028 ng pamilya Duterte at mga kapartido nila, maliban ke…
‘Tay Digong nila na si Bong Go gustong tumakbo ‘di si Sara.
********
Pero sa tingin namin ng bff kong veteran columnist/political writer ay si Baste pa rin tatakbo dahil meron pa ring malaking problema si Sen. Bong Go dahil…
Kasama sa kaso sa ICC ni DU30 si ‘Mr. Malasakit’ di ba?
********
Sa akin lang pananaw, Tol Reyfort ha? Pag si Baste ang tumakbong Presidente ng Pinas ay panigurado, siyento-porsyentong…
Mananalo KAHIT sino makakalaban nito one-on-one.
********
Pero alam ba news kung ano malaking usap-usapan sa pulitika ng mga Marites sa Metro Manila ngayong ‘panigurado ng mai-impeach’ si VP Sara Duterte? Aba, e, kung…
Sino iya-appoint ni PBBM Bise-Presidente kapalit ni SaraD?
********
Si Senate President Win Gatchalian daw ang pwedeng pumalit kapag bumaba na sa pwesto si VP Sara Duterte dahil sa ‘rule of succession’ na-base sa RP Constitution, pero, pwede rin daw…
Si Speaker Bojie, o, Chief Justice, o, si Vico, o, Sandro kaya?
********
Di nga pala pwede sina Yorme Vico Soto at Cong. Sandro Marcos dahil wala pa nga pala silang 40 years old, kaya nga di pa sila pwedeng tumakbong Presidente o’ Bise Presidente sa 2028, eh, kaya’t, kapag nabakante VP Office…
Sino pipiliing VP ni PBBM: Win? Tito Sen? ETulfo? Abangan…
********
Ayon sa AMLC ay umabot sa P4.4 bilyon ang covered at suspicious transactions na iniuugnay sa mga account nina VP Sara at asawang si Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025 at sa halagang iyon ay P1.63 bilyon ang inflows, P1.31 bilyon ang outflows, habang P1.46 bilyon ang hindi matukoy kung papasok o palabas na transaksyon.
Nakngdragon, Tol Reyfort, grabe talaga iniyaman nina VP Sara!
********
At mayruong P319.3 milyong remittances mula sa China na natanggap ng Cale88 Foods Corp., isang kumpanyang iniuugnay kay Carpio at ayon pa sa AMLC na ilan sa mga transaksiyong ito ay iniulat bilang suspicious dahil walang malinaw na legal o economic justification sa records.
Talagang naging-paldo si VP Sara mula sa China ah!
********
Mayroon ding testimonya at dokumentong iniharap hinggil sa umano’y P181.6 milyong tseke mula sa isang sinasabing drug lord na napunta o na-encash ng ilang miyembro ng Duterte family.
Nakngdragon! Me kasama pang ‘drug money’ datung ni Bise?
********
Samantalang ang declared net worth ni Sara Duterte ay nasa humigit-kumulang P98.5 milyon lamang noong 2025 gayung bilyon daw ang inflow at outflows ng pera sa bank accounts nilang mag-asawa?!? Kaya simple ang tanong: Bakit hindi tugma ang idineklarang yaman ni Sara sa aktuwal na financial records?
Simpleng sagot: Unexplained Wealth. Impeachable act.
********
Ang depensa ng mga abogado ni Inday Sara ? Ilegal daw ang paglalabas ng bank records. Hirit pa nila, bakit daw pinagsama-sama ang bank record amounts? Di ba dapat ay sinabi nila na hindi totoo ang bilyon-bilyong pisong bank transactions na inilabas ng AMLC?
Ang kaso ay ‘di rin nila yata alam kung saan galing ang yaman ni VP Sara at ng pamilya. Tapos ang boxing. KO si Inday SaraD.
********
SHORT ORDER: Happiest Birthday (Oct. 9) to Insan Engr. Petronilo ‘Amang’ Cruz, Jr. greetings from Cruz Family of Jaen, Cabanatuan City, NE, Chicago, NY, USA, Datol, Bello, Tierra Fam of Toronto… Happy Birthday (Oct. 8) to Tita Agnes Pasaporte Miranda of WFG Toronto, greetings from Tita Cecile Araneta & Tito Ed Que, Mitch Fernandez of Genesis Immigration & Fam, PIDC and all Pinoy Community Org of Toronto….HBD (Oct 10) to Paulo Bucud of Toronto, President PINAS Canada , greetings from Fam & all members of Pinoy community in the GTA…. Happy Beerday to Lodi Danny Simon (Oct 10), Sports Ed of Police Files Manila…Happiest Birthday (Oct 10) to Ms Karen Tan, Toronto Broadcast Journo of Toronto..Happy Thanksgiving to All of Us in Canada!!!.. God Bless.
– 30 –











Leave a Reply