Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: September 16-30


By Mon Datol Mayor Baste Duterte haharap sa impeachment court; Manibela tuloy 3 araw na tigil-pasada di-takot sa LTFRB; PBBM Inatras Brgy. at SK elections sa Nov. 2028; Carlos Yulo sinungkit ika-2 ginto sa Asian Games, bro Eldrew Yulo bronze agad; Pasahe sa jeepney tataas simula Setyembre 28              …

By Mon Datol

Mayor Baste Duterte haharap sa impeachment court;

Manibela tuloy 3 araw na tigil-pasada di-takot sa LTFRB;

PBBM Inatras Brgy. at SK elections sa Nov. 2028; Carlos Yulo sinungkit ika-2 ginto sa Asian Games, bro Eldrew Yulo bronze agad; Pasahe sa jeepney tataas simula Setyembre 28

                              ———————————- 

Inaprubahan ni Senate Impeachment Court presiding officer Sen. Chiz Escudero ang pakiusap ni Davao City Mayor Baste Duterte na ngayong Martes, Setyembre 29 (habang sinusulat ito) siya haharap sa korte imbes na kahapon, Lunes, para…

       Di makasabay si SenTri sa Senado?!? Takrot!?!

                                           ********

Si Mayor Baste ay sinubpoena ng impeachment court para magpaliwanag hinggil sa naging transaksyon ng City Hall sa GenCorp Industries Inc. na inamin ni VP Sara na isa siya sa may-ari sa kaniyang SALN kahit na…

       No name sa SEC si Inday Sara as owner ng kumpanya.

                                           ********

At dahil sa Ate ni Mayor Baste si VP Sara ay plano ng prosekusyon na ideklara bilang hostile witness ang ma-tatong Davao City Yorme upang makapagbato ng leading question ang mga prosecutor. So…

      Abangan kung paano ipagtanggol ni Baste Manang Inday niya.

                                            ********

Kinasahan ni Manibela Chair Mar Valbuena ang babala ng LTFRB na posibleng makompromiso ang kanilang prangkisa kapag marami ang sumama sa tigil-pasada mula Setyembre 28 – 30 bilang protesta sa walang-humpay na pagsirit ng presyo ng petrolyo. Buong mundo apektado ng krisis sa langis at di lang Pinas nagdurusa kaya… 

        Valbuena ‘wag pulos ngak-ngak at pa-pansin ke PBBM!

                                             ********

Pati ang Piston sumama na rin sa ka-angasan ni Valbuena at tigil-pasada na rin grupo nila sa Setyembre 29 at 30 kahit na itinaas na ng Piso pamasahe simula Lunes at suspindido na rin excise tax.

       Nakngdragon Tol Reyfort! Umaangkas Piston sa Manibela eyh. 

                                              ********

Ipinaliwanag naman ni LTFRB Acting Chairman Greg Pua Jr. na may ‘rules on abandonment’ kasi na kung hindi papasada ang 60% ng kabilang sa fleet, maituturing na pag-abandona ito sa prangkisa at kakanselahin ito ng gobyerno at poaibleng…

       Sasabit sina Valbuena at ilang ka-tropa rito.

                                               ********

Ayon kay Pua, maaari silbihan sina Valbuena ng show-cause order at pagmultahin ng P5,000 para sa unang paglabag kung hindi sila papasada, taliwas sa nakasaad sa kanilang prangkisa, may warrant suspension at pagkansela na ng prangkisa kapag umabot ito sa ikalawa at ikatlong paglabag.

     Tingnan nga natin kung gaano katapang si Valbuena.

                                            ********

Pinirmahan nuong Biyernes ni PBBM ang RA No. 12326, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at  para ipagpaliban ang nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Nobyembre at iusog ito sa Nobyembre 2028. 

      Nangiti lahat Barangay at KB Chair sa Gift ni PBBM ah.

                                             ********

Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Carlos Yulo matapos masungkit ang dalawang (2) gold medal sa floor exercise at men’s vault final sa ginagawang 2026 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan. So, pwede na bang i-level na…

      ‘King Carlos 1″ ng Asia si Caloy ngayong Dekada? Hmmm…

                                              ********

Tiniyak naman ni Eldrew Yulo, batang kapatid ni Caloy, na hindi malilimutan ang unang sabak niya sa Asian Games matapos sungkitin ang bronze medal sa men’s horizontal bar final nitong Biyernes, at, dahil sa bronze ni Eldrew ay panigurado na ang cash reward mula POC at PSC na …

     Pambili ng bukid ng Tatay nila na di nagawa ni Caloy.

                                              ********

And talking about Caloy Yulo at fiancee, di raw kukumbidahin ang magulang sa kanilang kasal. So huwat? Kung ayaw ni Caloy at fiancee na papuntahin ang Nanay at Tatay plus Lola at Lolo Yulo nila sa kanilang kasal, eh…

     Di huwag, ubusin nyo handa nyo, kahit ako di dadalo, hehehe.

                                               ********

Parehong Sports Idol at Hero ng mga Pilipino sina Manny Pacquiao at Caloy Yulo, pero, 10-foot-tall ang ANGAT ng Imahe ni Lodi Manny Pacman kumpara ke Caloy dahil sobrang MAPAGMAHAL SA PAMILYA, lalo na sa Magulang si Manny Pacquiao, kumpara sa 2024 Paris Games 2-gold-medalist at 2026 Asiad 2-gold medal winner na si…

   Caloy Yulo na parang pera-pera lang yata labs sa Ina at Ama. 

                                             *********

Simula ngayong Setyembre 28, magiging P14 na ang minimum fare sa traditional jeepney para sa unang 4 na kilometro mula sa dating P13 at magiging P2 na ang dagdag mula sa dating P1.80 at sa modern jeepneys, magiging P17 ang minimum sa unang 4 na kilometro mula sa P15 at P2.40 naman para sa next kilometro mula sa P2.20.

    O, hayan, Manibela, umaksyon si PBBM para tsuper at operator. 

                                            *********

Hindi maaaring iapela ang hatol ng Senate impeachment court, 13–1, ito man ay conviction o acquittal, kung saan hindi lumahok ang anim na senator-judges, upang bigyang-kahulugan ang “all the Members of the Senate” bilang mga senador na legal at aktuwal na may kakayahang lumahok sa oras na ilabas ang hatol.

       Ayon yan kay House lead prosecutor Cong. Gerville Luistro.

                                            *********

Ayon pa kay Luistro kung iaakyat sa Korte Suprema ang apela ay limitado lamang ito sa pagtukoy kung nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Senate impeachment court.

    Sa tingin ko ay di na makiki-alam SC sa desisyon ng Senado. 

                                              ********

Nakatakdang idaos nang buong araw ang pagdinig ng Senate Impeachment Court sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte simula Oktubre 1. Mabibilis takbo ng kaso sa Senado at…

     Mai-impeach si VP Sara Duterte bago mag-Pasko. Pramis.                                             

                                              ********

Nilinaw ni Senate President Win Gatchalian na nananatiling miyembro ng minority bloc si Sen. Mark Villar kahit bumoto pabor sa pagbabago sa voting threshold sa VP Sara Duterte impeachment trial.

     Di pa bumaliktad si Mark, baka sa botohan na ng conviction???

                                               *********

Opisyal nang nakalaya si Mary Jane Veloso mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 25 matapos niyang matanggap ang clearance order mula sa Bureau of Corrections, na, kasunod ng absolute pardon na ipinagkaloob sa kanya ni PBBM na nilagdaan noong Setyembre 24. Taga-Gen. Natividad, Nueva Ecija ang pamilya ni MJ Veloso, kaya’t malinis na pangalan ni Mary Jane Veloso.

   Welcome Kabayan, sa Bagong Buhay handog ni Lord Jesus Christ.

                                                  ********

SHORT ORDER: Happy Birthday (Sept. 25) to our gorgeous Jessica Tucker, wifey to my handsome nephew Craig Tucker & mom to 2 wonderful kids; Greetings too from  Mum Mila, Dad Martin, sis Kayleigh & partner and Tucker Fam from Staffordshire, England,  & from Datol Family from Toronto & Tita Flora and Tito Guy Quinto from NJ, USA….Happy birthday (Sept. 28) to my Kababata and  Dabarkadz Wenceslao ‘Wenci’ Barrera of Jaen, NE, greetings from all JUNKERS members…..Happy birthday (Sept. 28) to Queen Angel Christine Diego-del Rosario of Toronto, from hubby & kid and from Tita Cecille Araneta and Tito Ed Que of Mississauga…. Happy birthday (Sept 28) to Kabayan Teresita D. Cuevas of Toronto & Jaen, NE, greetings from Baguisa, Dayno Families…. Happy birthday (Sept. 25) to Ms. Karla Kintanar-Fernandez, wifey to PBA Legend Ramon Fernandez , greetings from this corner…. God Bless.

                                                   – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , ,