By Mon Datol
DOJ sinusuri pa US request sa extradition ni Quiboloy; COA sinita P158B halaga ng DPWH 2026 projects; Ban ng Facebook, online games ok sa Palasyo; Pinas, No. 1 retirement destination sa 2026; 3 Minority Senators bumaliktad na raw ke VP Sara.
———————————-
Masusi pang pinaga-aralan ng DOJ ang extradition request ng US kay Pastor Apollo C. Quiboloy para mapadala na sa Amerika ang founder g KOJC Mnistry at kung mayroong “double criminality,” o kung ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa USA ay mga paglabag din sa batas na may katumbas na parusa sa Pilipinas. Naniniwala akong ninipis din ang super-kapal at bulto-bultong dokumento na isinumite sa DOJ at…
Mae-extradite sa US si PACQu, kahit bumagyo pa ulit.
********
Grabe rin ang ‘fake news’ na pinakakalat ng mga PACQu supporters at mga trolls at DDS, at ilan ang nagiging viral sa mga online apps tulad ng: ‘Uuwi na sa Pinas si Digong AT Ibinasura na ng Korte sa Amerika mga kaso ni Quiboloy!’ Buti na lang…
‘Tol Reyfort, iilang butil na lang DDS at PACQu believers.
********
Kinuwestiyon ng COA ang mahigit P158 bilyong halaga ng mga proyekto ng DPWH ngayong 2026 dahil sa iba’t ibang isyu. At dahil sa ilang trilyong piso national budget pa na kailangang suriin ng mga auditors natin, eh, kailangang mag-hire ng dagdag 146 pre-audit teams ang ahensiya upang mapalakas pa ang kakayahan nitong magsuri ng mga transaksyon ng gobyerno. Pero, siyempre…
Kailangan ng dagdag-budget sa COA, diba Chair G. Cordoba?
********
Pinaga-aralan na umano ng mga nakapaligid ke PBBM sa Palasyo ang ideyang ipagbawal na ang ang anumang gaming o social media platform na nakakasira sa kabataan at sa bansa, lalo na kung hindi ito nagpapakita ng accountability at mabagal umaksyon sa mga pakiusap ng gobyerno upang maproteksyunan ang publiko.
Ano yon? Iba-ban ang Facebook sa Pinas?
********
Ayon kay PCO Usec Claire Castro, panahon na para pag-aralan kung nakabubuti pa ba sa bansa ang Facebook o nakakadagdag lamang ito sa paglaganap ng fake news at dahil na rin sa sunud-sunod na insidente ng karahasan sa mga eskuwelahan. Nakowwww, delikading yan pag ‘sinibak ang FB sa Pinas’…
Walang mintis, magra-rally mga Marites, Marisol at Seniors.
********
Nakikita umano ng gobyerno na ang sobrang pagkahumaling sa online games ay nagdudulot ng agresyon, pagkakahiwalay sa reyalidad, at minsan ay nauuwi sa karahasan at ang Facebook, bilang No. 1 social media platform, ay madalas na pinagmumulan ng pekeng balita na nakakaapekto sa pananaw ng publiko. At giit ng Palasyo ay…
Mabagal aksyon ng FB na protektahan mga mamamayan.
********
Kinilala ang Pilipinas ng Retirement Abroad Index 2026 ng Expatriate Group, bilang nangungunang retirement destination para sa 2026, kasabay ng patuloy na paglago ng sektor ng turismo na nakapagtala ng P3.26 trilyong domestic tourism expenditure at 7.7 milyong trabaho.
Ano ngayon sinasabi ng DDS na bagsak imahe Pinas abroad?
********
Ayon kay Tourism Sec. Dita Angara-Mathay, patunay ang pagkilalang ito sa pagsisikap ng Pinas na maging mas ligtas, accessible, at kaaya-ayang destinasyon para sa mga turista at dayuhang retirado at dahil dito, minamadali ng Bureau of Immigration ang modernisasyon ng border systems upang mapanatili ang seguridad habang tinatanggap ang pagdagsa ng mga dayuhang residente.
Magaling kasing Pangulo si BBM, pulos trabaho, di biyahero.
********
Batay sa RAI 2026, nanguna ang Pilipinas sa 20 bansa matapos makakuha ng 78 puntos dahil sa abot-kayang pamumuhay, accessible na visa requirements, healthcare system, at matatag na expat communities.
Retiradong Korean elders ang No. 1 residente sa Pinas ngayon.
********
Sinabi ni PRA Pres. Roberto Zozobrado na malaking ambag sa ekonomiya ang mga foreign retirees dahil nakatutulong sila sa retail, hospitality, at tourism sectors at pagsapit nga nuong Hunyo 2026, umabot sa 86,292 foreign retirees mula sa mahigit 150 bansa ang pumili sa Pilipinas bilang kanilang ikalawang tahanan, kabilang ang humigit-kumulang 62,000 aktibong Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) holders.
Ganyan na kamahal ng mga bansa ang Pinas under PBBM.
********
Latest balita sakin ng ating dating kasama sa hanapbuhay sa Palasyo, ay, may 3 minority Senators ang ‘bumaliktad at sumapi na raw sa majority group’ nina Tito Sen, Ping at Win, kayat…
13 + 3 = 16 Senators na Majority Group. Todas na si Inday.
********
SHORT ORDER: Happy birthday (Aug 24) to dear friend Ellen Galenport of Scarborough, ON from her partner & daughter, Fam & friends Tita Agnes Miranda, Cecille Araneta & Ed Que, Mitch Fernandez & this corner…. Happy Birthday (Aug. 24) to family friend Tina Velasco-Serrano from Velasco Family & FARH Family of Richmond Hill, ON, Canada….Happy birthday (Aug. 25) to bro Tina Fabros of Camiling, Tarlac from wifey Pearl Bachini & 2 Sons, Bachini, Datol, Labrador Families… Happy birthday (Aug. 25) to my nephew Jet Datol of Angono, Rizal, from his wifey & children plus apo…Happy Birthday (Aug. 25) to Kabayan Myrna Javaluyas of Jaen, Nueva Ecija, RP from Hubby & Children & Apos & Javaluyas Fam…Cheers to dear Friend Sir Joey Romasanta (Aug. 26) of Gintong Alay & PSC!!! Greetings from Rp Sports community! Mabuhay Ka Sir Joey!!!…. Happy Birthday (Aug 26) to my friend cum super PBA Manager Danny Espiritu of Paranaque, MM. Greetings from PBA Sportswriters Association… God Bless.
– 30 –











Leave a comment