Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

Bakit “Get  the Pax Out of the Philippines!”


By E. Maestro Nagtatanong at nagbabasa pa rin sa usaping ito. Para maintindihan at hindi maloko. Malakas at masigasig ang protesta ng mamamayan, mga magsasaka, katutubong komunidad tulad ng mga Aeta, mga environmental defender, mga people’s organization, mga guro, kabataan at estudyante, at iba pang mga sektor sa inisyatibang  Pax Silica, ang kontrobersyal na proyekto…

By E. Maestro

Nagtatanong at nagbabasa pa rin sa usaping ito. Para maintindihan at hindi maloko.

Malakas at masigasig ang protesta ng mamamayan, mga magsasaka, katutubong komunidad tulad ng mga Aeta, mga environmental defender, mga people’s organization, mga guro, kabataan at estudyante, at iba pang mga sektor sa inisyatibang  Pax Silica, ang kontrobersyal na proyekto ng US at 23 pang ibang bansa. Nitong Abril 16, 2026, sumama na sa proyektong ito ang gobyerno ng Pilipinas. 

Maganda ang pangalan ng inisyatibang ito. Gamit ang salitang Latin “Pax” na ibig sabihin peace at pag may peace,meron ring prosperity, at ang “Silica” naman ay patungkol sa silicon, isang susing elemento  sa paggawa ng mga semiconductor na kailangan sa artificial intelligence (AI) na teknolohiya sa Pax Silica.

The government and the BCDA speak confidently of the Pax Silica Industrial Hub because according to the occupant in Malacanang, “it will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness and revitalize our economy.” 

Pero huwag ka, para namang walang peaceful or prosperous with Pax Silica.

Saan itatayo ang Pax Silica sa Pilipinas? Ang Pax Silica Industrial Hub ay sasakop sa mahigit na 1,620 ektarya (4,000 acres) sa New Clark City, Capas, Tarlac at ito ay sa pangangasiwa ng Bases Conversion & Development Authority (BCDA). Gaano kalaki ito? Imagine the size of 2,200 football fields or simply imagine the size of a city. Hindi small-time ito. Within this giant Hub, there will be data centres, semiconductor production facilities, and the extraction and mineral processing  of nickel, copper, cobalt and other strategic minerals.

Galit at balisa ang mga komunidad sa Capas, mga residente, mga magsasaka at mga Aeta. Pinaalis na ang mga residente ng mga BCDA para maitayo ang mga data centre. Walang konsultasyon. Pamilyar ang kalakaran na ito. Takutin, itaboy, o kung may nakatira sa lupa, bilhin at baratin. Pero ang tanong, sa mga residente at magsasaka na naninirahan sa lupang masasagasaan, saan sila lilikas? Deka-dekada na ang paninirahan ng mga residente rito.

These data centres need water and electricity 24/7. Lots of it. Kaya nga, tinawag na “Takaw tubig at takaw kuryente.” Ang tantiya, ang gamit nito sa kuryente ay katumbas ng konsumo ng mga 50-100 na household. Sa tubig naman, and konsumo ng isang facility ay limang (5) milyong galon, ARAW-ARAW. Huhugutin pihado ng mga data centre sa mga residente, magsasaka, at pamayanan ang rekisitong tubig at kuryente.

Hirap na nga ang bayan sa kuryente at garantisadong brown out lagi. Hirap na rin sa tubig lalo na ang magsasaka na kailangan ito para sa kanilang sakahan. Lalo na kapag may drought o tag-tuyo. Hindi pa rin masagot ng mahusay ng gobyerno ang mga tanong tungkol sa usapin ng tubig at kung anong sistema ang ipapatupad.

Sa usapin ng trabaho, iba’t ibang numero ang sinasabi. Milyon daw. Libo-libo daw. Walang katapusang trabaho daw. Parang narinig na ng taumbayan iyang mga pangakong iyan.

Saan kukunin ang mga rekursong mineral na kailangan para rito? Ang Pilipinas ay may malaking reserba ng nikel, at mga deposito ng cobalt at copper, mga mineral na kailangan sa semiconductor manufacturing at sa produksyon ng gamit militar. Malinaw na kailangan ng US ang Pilipinas. 

Ang Pilipinas ang second highest producer ng nikel sa mundo. At number one sa pagbebenta ng nickel ore sa mundo. At kapag pinag-usapan ang kritikal na mga mineral, papasok na ang usapin ng mining sa ilalim ng mga lupa sa Pilipinas. At alam naman natin ang track rekord ng mga dambuhalang mining company kasabwat ang ahensiya ng gobyerno. Ito ang track rekord ng pagyurak sa karapatang pantao, ang pagsira sa kalikasan, ang pagtaboy sa mga katutubong komunidad, at ang pagwalang bahala sa soberaniya ng Pilipinas.

Ibibigay na ng gobyerno ang lupa sa Pax Silica para tayuan ng Hub. Kasama na ang mineral sa ilalim ng lupa natin. Isama na ang kuryente at tubig natin.  Sa industriya ng semi-conductor, talino at lakas paggawa ng manggagawang Pilipino. Aba, parang pinapasok natin sa bahay ang Pax Silica, may lupa na, garantisado pa ang ilaw at tubig, ginawa pa tayong alila, ninakaw pa ang ating mga mineral, at pinalayas pa ang ilang nakatira sa bahay! Ang saklap naman.

Isa rin na dapat hindi natin makalimutan. Ang produksyon ng semiconductor ay kailangan para sa produksyon ng military hardware tulad ng mga US missile, drone at iba pang mga bahagi ng military supply chain ng US. Ang sabi ng mga kritiko ng Pax Silica ay gagamitin ang Pilipinas bilang isang platform para sa dayuhang interes sa ekonomiya at militar habang ang kagalingan at soberaniya ng taumbayan ay isinasantabi.

As Migrante Canada said in its statement on Pax Silica last June 2026, “Stripped of the verbiage, the hype, and spinning on so-called modernization, innovation, and economic growth used extensively by the US and the Philippines, Pax Silica is but the US aggressive response to its technological rivalry with China, and the US determination to win over China.The Philippines must not be transformed into a launching pad for US military escalation, technological warfare, and great-power conflict.”

“In reality, it is another sad chapter in the Philippines’ long history of foreign domination. We will continue to witness land dispossession and displacement of communities, especially indigenous peoples, expanded mineral extraction, environmental destruction, the conversion of productive agricultural lands in favor of Pax Silica, and the iron fist of state repression because people will fight and defend their lands, life and rights.” 

Sino ang nakikinabang sa Pax Silica? Iyan ang tanong. Hindi naman tayo bulag sa ating kasaysayan, sa matagal ng pag-kontrol sa kabuhayan, pulitika, ekonomiya ng US sa Pilipinas. 

Bilang mga migrante at Pilipinong nasa labas ng bansa, batid natin ang koneksyon ng Pax Silica at mga proyektong tulad nito sa mga kondisyon na patuloy na tumutulak sa pag-alis ng libo-libong kababayan para mag-trabaho sa ibayong dagat.

Isip ko: Kung ang proyekto ay itatayo sa pagnakaw ng lupa, ang pagtaboy sa mga mamamayan at katutubo, sa pagsira ng kalikasan, sa pagnakaw ng mga mineral, tubig, sa paggamit sa lakas paggawa ng mamamayan, para kanino itong Pax Silica? Aber?

Breaking news: Kababasa ko lamang ng press release No to Pax Silica Campaign Network Unites Sectors for Coordinated National Campaign! Pormal na launching ng Network ay sa Agost 31, National Heroes Day sa Pilipinas. Malaking alyansa sa loob at labas ng bansa. Wow! Nagkaisa na para tutulan ang Pax Silica na nagmistulang Impaxto sa buhay ng mamamayang Pilipino. 

Get  the Pax Out of the Philippines!

________________

CAPTION: No to Pax Silica Campaign Network Unites Sectors for Coordinated National Campaign -BAYAN, Aug 24 2026 (Photo credit: BAYAN

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,