Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: August 1-15


By Mon Datol VP Sara Duterte kinasuhan ng ‘Grave Threats’ ng DOJ,  Ph120K ang Piyansa; ‘Kamote,’ ‘Mango,’ ‘Keso’, ilang tumanggap ng confi fund ke VP Sara Duterte; Bong Go, Robin Padilla may infra project din sa DPWH – Manuel Bonoan; Extradition ni Quiboloy, hiniling na ng US sa Pilipinas; Alex Eala Bye sa 1st, Rd…

By Mon Datol

VP Sara Duterte kinasuhan ng ‘Grave Threats’ ng DOJ,  Ph120K ang Piyansa; ‘Kamote,’ ‘Mango,’ ‘Keso’, ilang tumanggap ng confi fund ke VP Sara Duterte; Bong Go, Robin Padilla may infra project din sa DPWH – Manuel Bonoan; Extradition ni Quiboloy, hiniling na ng US sa Pilipinas; Alex Eala Bye sa 1st, Rd 64 na laro sa Cincinnati Open

                              ———————————-

Tatlong kaso ng grave threats kontra VP Sara Duterte ang isinampa kahapon, Agosto 11, 2026, ng DOJ sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ito sa umano’y pahayag niya sa isang Zoom meeting noong 2024 na may nakausap na siyang papatay kay PBBM, FL Liza A.Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. At para di ma-oblo …

       Barya lang sa Bise ang Bail na Ph120K sa 3 kaso. 

                                                   ********

Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim na abogado ni VP Duterte ay expected na nila ang pagsasampa ng 3 kaso, pero, ibinasura ng DOJ ang reklamong inciting to sedition, na rekomendado rin ng NBI nuon pang 2025, kayat… 

      Tiwala Legal Team ng Bise na madi-dismiss ang mga kaso.

                                                   ********

Wala pang date kung kelan ang diringgin ng QC RTC ang 3 counts ng grave threats kontra VP Sara, kayat…

      Matinding pagbantay gagawin natin dito.

                                                    ********

Mesa, silya, printers, gamot, pagkain, cash rewards, gym bags, at mga pangalang tila hindi tunay ang ilan sa mga detalyeng lumabas sa pagpatuloy ng impeachment trial ni VP Sara Duterte kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng OVP, at ayon sa testimonya ng COA auditor na iniharap ng prosecution…

      Daming red flag sa gastos at liquidation ng daang milyong piso.

                                                    ********

Hindi ordinaryong pondo ang confidential fund dahil lihim ang operasyon at limitado ang ordinaryong pagsusuri ng publiko, pero hindi ibig sabihin nito na puwedeng palitan ng acknowledgment receipt ang maayos na resibo, o gawing sapat ang listahan ng pangalan kahit walang malinaw na dokumentong nagpapatunay kung sino ang tumanggap at para saan talaga ginamit ang pera.

        Kailangang malinaw na paliwanag, di bara-barang palusot.

                                                    ********

Kung ang gamot at pagkain ay ginamit bilang reward sa informant, dapat malinaw kung anong impormasyon ang naibigay, anong operasyon ang naisagawa, at anong resulta ang nakuha. Hindi sapat ang “basta confidential” dahil…

     Kapag pera ng bayan ginalaw, super-linaw paliwanag kailangan.

                                                     ********

Ang confidential fund ay hindi personal na alkansiya at hindi ito blank check o’ magic envelope na kapag nilagyan ng salitang “confidential” ay ligtas na sa mga pananagutan, pero…

       Yon umano ang ginawa ng OVP ni Bise Sara sa pera ni Juan.

                                                      ********

Kabilang ang mga pangalan na kahawig ng prutas, palaman, at root crop, “may kamote, may mangga, may keso,” ang ilan sa mga nakalista sa confidential fund disbursements ng OVP noong 2023 puna ni private prosecutor Lorna Kapunan sa kaniyang direct examination kay COA state auditor Xylene Del Campo.

      Me pangalan pa nga ng ‘snacks’ at ‘celebrities’ na binayaran.

                                                     ********

Naging sikat  na ang pangalang ‘Mary Grace Piattos’, pero hindi lang siya ang binanggit dahil ang dami pangalan pa lumutang, tulad ng: Clarisse Hontiveros, Honeylet Camille Sy, Heart Santiago, Jay Kamote, Salah Casim, Jose Diokno Jr., Pia Patios-Lim, Beverly Claire Pampano, Denise Tanya Escudero, Xiaomi Ocho, Miggy Mango, Matthew N. Keso, Kristine Applegate, Anne Ongpauco, Beth Revilla, at meron pa ngang…

      Andy Lim, na di nabasa ni Tita LornaK dahil ang dilim! hehehe..

                                                    ********

Ibinunyag ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan na kasama sina Sens. Bong Go at Robin Padilla sa nagsumite ng listahan ng infrastructure project sa kagawaran sa ilalim ng P24 bilyong “leadership funds” noong 2025, at may minimum Ph500M alokasyon bawat Senador.

      Nakngdragon, Tol Reyfort! Sasabit yata lahat tropa ni APC, ah.

                                                    ********

Sinabi ni Bonoan na ibinigay sa kanya ni dating DPWH Usec  Roberto Bernardo ang listahan ng mga proyekto kung saan kabilang ang pangalan nina Go at Padilla, sa pagtestigo niya sa kasong malversation laban kay dating Sen. Bong Revilla Jr., at mga kapwa akusado nito kaugnay ng P92.8 milyong “ghost” project sa Pandi, Bulacan.

      Matindi to, Tol Reyfort. Babantayan natin isyung to. Abangan.

                                                   ********

Hiniling na ng Amerika sa Pilipinas na i-extradite o ibigay na sa US ang kustodiya ng religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy para litisin sa mga kasong sex trafficking at racketeering na kinakaharap niya sa USA, ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel “Babe” Romualdez.

       Si PBBM lang pedeng mag-desisyon sa extradition ni PACQu.

                                                   ********

Bye sa 1st Round (R128) ng 98th Cincinnati Open WTA1000 na gaganapin sa Lindner Family Tennis Center sa Mason, Ohio mula  August 13-23 ang ating pambatong WTA world No. 20 Globe Ambassador na si Alex Eala, kasama sa 32 seeded players, at kabilang ang…

        Top 10 WTA-ranked players led by No.1 Aryna Sabalenka.

                                                  ********

Natapos ang 7-dikit na panalo ni Alex na natalo siya sa straight set, 6-4, 6-0,kay Swiss Belinda Bencic noong Lunes, sanhi na rin sa pagkatapiklok ng kanang bukung-bukong sa 3rd round match kontra Caty McNally ng USA noong Sabado na kanyang pa ring pinanalunan sa 3-set, at sa aking pananaw ay…

      Burn-out o’ sobrang pagod na sa 7 sunod-sunod na panalo.

                                                 ********

Dismayadong-dismayado si PBBM sa mala-dagat ng basura na naipon sa ilog sa Parañaque City na isa sa dahilan sa matinding pagbaha sa lungsod noong Linggo, na sinabayan pa ng high tide kaya hindi nakadaloy nang maayos ang tubig na naging dahilan nga  ng pagbaha sa lugar. 

        Dapat ng ituloy ang waste-to-energy program ng gobyerno.

                                                 ********

Ang waste-to-energy na program ay ang pagkolekta ng basura at ang pag-process nito para gawing kuryente. Napakalaking bagay niyan pagka natapos na natin, sandali lang siguro ‘yan kasi understood technology na ‘yan,” dugtong pa ng Pangulo, at dinagdag pang…

       Magtutuloy-tuloy ang dredging sa buong bansa. Dapat lang.

                                                  ********

Binoldyak ni Sen. Raffy Tulfo si Sen. Risa Cayetano sa Senado kahapon, August 11, matapos sabihang “nagdadrama” hinggil sa isang isyu kay Sen. Alan Peter Cayetano. Ani Lodi Raffy “Sino’ng nagdadrama? Tingin muna kayo sa salamin’, kaso…

      Kahit ilang tingin, blako salamin sa magkapatid na Cayetano!?!

                                                  ********

SHORT ORDER: Cheers to our 71 SAA HS classmatess Celedonio  ‘Boy’ Velarde (Aug. 5), Lito V. Jose (Aug. 7), Arlene Cruz-Villareal (Aug. 11), Digna Pascual (Aug. 12), Rey Mendoza (Aug. 28) & ALL August BDay celebrants, Greetings from SAA Batch 71 Reunion Group!!!… Happy birthday (August 9) to our niece Heia M. Cunanan of Manila, greetings from hubby, children & whole Family; Happy birthday to Ms. Susie Nepomuceno (Aug.11), Lodi Paeng’s sister…. Happy birthday (August 12) to Ate Norma Rodriguez-Datol, wifey to DiCong Jun Datol (RIP), of Novaliches, QC, greetings fom Datol, Gamboa, Esquivel, Rodriguez Families & Senior Citizen Partilist of the Philippines… God Bless.

                                                   – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , , ,