By Mon Datol
PBBM Pinarangalan si Alex Eala, tuwang-tuwa sa pasalubong ng Filipina tennis star; VP Sara tagilid sa ‘death threat’ sa Pangulo; Ilang boto para maalis si impeached VP Sara; Marcoleta ‘fit to travel’ na – PNP; Makati court naglabas ‘warrant of arrest vs Baligod’
———————————-
Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr nitong Lunes ng Presidential Citation si Filipina tennis star Alex Eala dahil sa kaniyang makasaysayang laro sa Wimbledon na kung saan tinalo niya ang defending champion Iga Swiatek at makarating sa 4th
round ng pinakamalaking tennis tourney sa buong mundo. At dahil duon ay…
No. 28 na sa ranking si Alex Eala. Higest ever ng Pinoy sa WTA.
********
Kitang-kita ang saya ni PBBM ng makasama sa Malacanang ang 21-year-old na si Alex Eala lalo na ng bigyan siya ng tennis cap at tennis balls, kayat nasabi ng Pangulo na isa siyang tennis fan at isa ang ganuong okasyon na makita ang hinahangaang tennis player at masabing…
“It’s good to be President.” Sana all, hane ‘Tol Reyfort.
********
Napatawa pa ni PBBM ang mga dumalo sa homecoming reception para kay Filipina tennis star Alex Eala, kasama na si FL Lisa at presidential sister Irene Marcos, matapos niyang biruin na “inimbento” lamang ang seremonya upang…
‘Magka-excuse kami na makapag-picture sa iyo.’ Ngiti si Alex.
********
Nagpasalamat si Alex Eala kay Pangulong Marcos Jr., sa mainit na pagtanggap at sa pagkilala sa kanyang naging tagumpay at nangakong patuloy niyang ipagmamalaki at irerepresenta ang Pilipinas sa international tournaments.
Mabuhay ka Alex! Buong Pinas nasa likod mo sa lahat ng laban mo!
********
Humarap sa Senate impeachment court nitong Lunes si Atty. Jeremy C. Lotoc, NBI regional director at dating chief ng kanilang Cybercrime Division, at isiniwalat ang kanilang findings na may ‘prima facie evidence’ ang pagbabanta ni VP Sara Duterte sa buhay nina PBBM, FL Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, kayat…
Mayruong “reasonable certainty of conviction” ang Bise.
********
Sa pagtatanong ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Sen. Chiz Escudero, kinumpirma ni Atty. Lotoc na nakitaan ng NBI ng supisyenteng basehan para magsampa ng grave threat at inciting to sedition laban sa Bise Presidente.
Delikading talaga si Inday Sara, Artikulo Uno pa lang yan, huh.
********
Sinabi ni Impeachment Presiding Judge Sen. Chiz Escudero na 16 na boto kailangan ‘to convict’ VP Sara Duterte, pero, dapat ba talagang 16 boto kailangan para mahatulang guilty si VP Sara ‘considering’ na kulang na miyembro ng Senado at di na 24 kung ‘di…
21 Senador na lang um-aatend ng impeachment trial.
********
Saad sa Konstitusyon, Artikulo XI, Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan, Seksyon 3 (6) na “dalawang-katlo (2/3) ng lahat ng mga Kagawad ng Senado” para magparusa o’ sa simpleng arithmetic, kung kumpletong 24 ang mga senador ay…
16 dapat ang boto pag guilty, pero iba ang sitwasyon ngayon.
********
Ani retired SC Justice Antonio Carpio at kinakatigan siya ng maraming constitutionalists at dekano ng law schools: Nagtatago si Sen. Bato dela Rosa dahil sa arrest warrant ng ICC at suspendido sa pwesto at naka-piit si Sen. Jinggoy Estrada at ikukulong na rin si Sen. Dante Marcoleta sa kasong plunder at dahil du’n, hindi sila maari umaktong senator-judge at sumapi sa paglilitis.
Kaya 21 na lang ang “lahat ng mga senador” kayat 2/3 ng 21?
********
May kumakalat pang balitang may isa pang Senador na mawawala sa Senado dahil kakasuhan din ng plunder kayat, pag nagkataon, 20 na lang ang maglilitis kay VP Sara at 14 na lang ang boto para parusahan siya.
Eh, paano pa kung si Sen. Bong Go ay i-wanted na rin ng ICC?
********
Ani pa ex-Justice Carpio dalawang beses na nagpasiya ang SC sa ganyang pagbilang ng dami ng senador: People v. Maceda at Trillanes v. Pimentel. “Lahat ng nakakulong, preventive detention man o sentensyado, ay hindi maari… maupo sa puwesto,” anang Korte. Tingin ko…
Bago mag-Pasko, tapos ang kaso, laglag si Inday sa pwesto.
********
Inihayag ni PNP Lt. Col. Benaly Bayani, hepe ng Internal Medicine ng PNP General Hospital, na maaari nang bumiyahe si Sen. Dante Marcoleta matapos gumaling mula sa mild pneumonia at altapresyon, pero, mas gusto ng PNP na tapusin na nito ang pitong araw na antibiotic treatment bago ito ihatid sa Sandiganbayan.
Sa Hulyo 15 magkasama na sa hoyo mag-bff Jinggoy at Ka Dante.
********
Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Makati City laban kay Atty. Levito Baligod, abogado ng 18 “Maleta Boys”, kaugnay ng cyber libel case na inihain ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Dami yatang makukulong bago magPasko ah. Abangan.
********
Pinangalanan ni Laurel bilang mga respondent sa reklamo sina Baligod, ang 18 “Maleta Boys,” at si dating Rep. Zaldy Co matapos umano nilang pangalanan ang kalihim bilang isa sa mga opisyal ng gobyerno na nakatanggap ng mga maletang may lamang pera bilang kickback mula sa dating kongresista.
Si Zaldy Co na lang kulang sa maka-karsel sa Payatas Jail.
********
SHORT ORDER: Happiest birthday to Utol Rolly Fortaleza (July 11) of Surrey, BC, greetings from the whole Fortaleza clan of Surrey, BC, Canada, Leveriza, Malate, MM, USA….. Happy birthday in Heaven to colleague Ka Oscar ‘Ocay’ Estabaya, (July 13) ace fotog of Malaya, Kampay!!! Happy birthday (July 13) to Insang Salvador ‘Buddy’ Datol of Navotas, MM Phil. Greetings from the whole Datol Clan of Navotas, NE & Isabela. MBtC…Happiest birthday greetings to cousin Daisy Ann Velarde (July 13) of Jaen, NE. Greetings from the whole Velarde, Jose, Esquivel, Datol Families… Happy birthday (July 14) to my niece Rhoda Garcia-Belleza of Jaen, NE & Bicol. Greetings from Garcia, Catle, Datol & Belleza Families …God Bless.
– 30 –











Leave a comment