By Mon Datol
Tumaas na sa 41 namatay sa 7.8 magnitude Mindanao quake; ‘Power sharing deal’ ni Cayetano ekis kay Gatchalian; BOC ido-donate sa mga biktima ng lindol nakumpiskang produkto; Cong Abante kinasuhan ang ‘Maleta Boys’; Alan Cayetano, ‘Baligod18’ kakasuhan; ‘Happy Father’s Day’
———————————-
Lumobo na sa 41 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 450 naman ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Mindanao, at nagbabala pa ang Office of Civil Defense (OCD) na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar.
Ipagdasal pa po natin mga kapatid sa Mindanao.
********
Ibinasura ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ang mga suhestiyon ng “power sharing deal” kay Sen. Alan Peter Cayetano, na patuloy na ipinipilit na siya pa rin legit na lider ng Senado kahit na naitalagang acting Senate President sa sesyon noong nakaraang Hunyo 3…
Si Win na kinikilala ng Malakanyang at Kamara.
********
Posible ngang hanggang 2 o’ 3 pang Senador ang bumitaw na ke Sen. Alan Peter Cayetano at lumipat sa majority bloc ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa susunod na Senate special session para magkaruon na ulit ng election ang Upper House para maging lehitimo na pagiging Lider ng Senado ang mambabatas ng Valenzuela, na never pang natalo sa anumang laban dahil sa…
Name pa lang, Win na si Gatchalian! Mabuhay ka Sen. Win!
********
Plano ng Bureau of Customs na ipamahagi ang mga nakumpiska nitong produkto, tulad ng mga damit at sapatos, school supplies, mga tolda at multifunction mobile power supply unit sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao kesya mabulok mga ito, ayon sa direktiba si Commissioner Ariel Nepomuceno kay Chris Noel Bendijo, deputy chief of staff ng BOC.
Tama lang po, BOC chief, now na.
********
Ibibigay din umano ng 12 Senador under Senate Pro Tempore & Acting Senate Prexy Win Gatchalian bloc ang kanilang isang buwan sweldo – Ph277K + – sa mga biktima ng magnitude 7.8 lindol sa Saranggani, pero, walang tugon ang 10 Senador na kasama ni Alan Peter Cayetano sa minority group kung sasama mga ito sa pag-donate ng kanilang sweldo.
Mas kailangan yata ng pera nina Cayetano at Marcoleta???
********
Naghain ng cyber libel at libel complaint sa Office of the Prosecutor sa Maynila noong Martes ng umaga, si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. laban sa 18 dating bodyguard ni resigned Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, na tinaguriang ‘Maleta Boys’, kanilang abogado na si Levito Baligod, at sa DWSI 864, kaugnay ng umano’y nag-deliver sa kaniya ng mga maleta na may lamang pera.
Umpisa na ng ‘pighati’ ng mga ‘Kargador’ ni Defensor.
********
Posible umanong maharap sa marami pang kaso ang mga nagbigay ng “testimonya” at iba pang lumahok sa umano’y pekeng Blue Ribbon Committee hearing na pinangunahan ni Sen. Peter Cayetano noong Huwebes ani Sen. Panfilo Lacson, tulad ng…
Usurpation of authority or official functions at cyber libel.
********
At dahil sa criminal case ang cyber libel sa Pinas, di tulad dito sa Canada na civil case lang ang libel, ay paniguradong baka kulangin pa ang ‘ibinayad’ umanong tig-5milyon kada isa sa 18 ‘Kargador’ sa…
Kutakot-takot na piyansa sa santambak na kaso nila.
*******
Dugtong pa ni Sen. Ping Lacson ay walang parliamentary immunity na maaaring gamitin ang mga lumahok sa pagdinig, kabilang ang mga senador mula sa minority bloc, dahil hindi ito opisyal na pagdinig ng Senado, kayat posible ring masamang…
Kasuhan ng cyber libel at usupartion sina Cayetano et al.
*******
Nagpupuyos sa galit ang mga katotong mamamahayag kina APCayetano higit lalo ke Sen. Rodante Marcoleta dahil sa opening statement nito sa ginanap na June 4 Senate Blue committee na “bayaran” ang media…
Kahit walang ipinakitang ebidensiya ni singkong-duling.
*******
Tahasang kinondena ng Senate media si Marcoleta at sinabing layunin nito na sirain ang tiwala ng publiko sa lehitimong pamamahayag kaya’t hinamon ng grupo si Marcoleta na magpakita ng ebidensya at hindi puro dakdak at akusasyon lamang. Alam ni Dante na halos…
Lahat ng DDS Trolls ay me bayad. Ask Jay Sonza, Banat By atbp.
********
Bukod sa pagbaliktad ni Sen. Chiz Escudero, me isa pa o’ hanggang 3 Senador na nasa minority group, mukhang pati mainstream media, buwisit na at bumaliktad ang sikmura sa estilo ng Cayetano bloc, kaya’t…
Mag-over-da-bakod na kina Win sina…!!! Abangan…
********
Muling tiniyak ni Comelec Chairperson George Garcia na matutuloy ang 2028 national elections kasunod ng alegasyon ni Sen. Imee Marcos tungkol sa umano’y “no-election scenario” na ayon din ke…
PBBM – ‘Ilusyon’ lang ng ‘alibughang Manang Biday.’
********
“‘No-el 2028’ will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year… no contingency for a ‘No-el’ because the election is certain to happen,” ani Garcia, na idinagdag pang…
Naghahanda na nga Comelec sa 2028 polls. Ano ka Imee?
********
SPECIAL NOTES:Happy Father’s Day sa lahat Po ng ating mga Katropapeeps na Lolo, Tatay, Itay, Tatang, Papa, Daddy, Dad, Pops, Erpat, Tito, Kuya, Yangku, mga single parents at naway patuloy na bendisyunan tayong lahat ni Lord Jesus Christ sa pag-gabay sa ating mga Apo, Anak, Pamangkin, sa kanilang paglaki na may Respeto sa Magulang, Lolo at Lola, Tito at Tita, Kuya at Ate at higit sa lahat, Takot sa Diyos. Muli, Maligayang Araw ng mga Ama!!!
********
SHORT ORDER: Happiest birthday to my very kind 1st coz Lina G-DM-Reyes (June 1) of Malabon City, MM & Jaen, NE from Del Mundo, Gamboa, Esquivel at Datol Fam…Happy birthday to veteran journo Tata Joven Custodio (June 1) of Manila & Ramos, Tarlac … Happy birthday to my BFF cum HS mate Mario Cruda (June 5) of Jaen, NE & Tarlac City, greetings also from Cruda, Revillame Fam & SAA Batch ’71 HS Grads… God Bless.
– 30 –











Leave a comment