Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

“When it rains, it pours.”


By E. Maestro I think that this expression is an apt description of what we are seeing – meaning a number of bad things happening at the same time. At sa mga nangyayari, nabanggit nga ng isang kaibigan, hind mo alam kung ika’y matatawa, magagalit, mahihiya, o maudyok  na ibangga ang ulo mo sa pader!  …

By E. Maestro

I think that this expression is an apt description of what we are seeing – meaning a number of bad things happening at the same time. At sa mga nangyayari, nabanggit nga ng isang kaibigan, hind mo alam kung ika’y matatawa, magagalit, mahihiya, o maudyok  na ibangga ang ulo mo sa pader!  

Nagkaroon ng Senate coup nitong May 11 at tinanghal ang bagong  Senate President na si Alan Cayetano at pinaalis si  Tito Sotto. Very convenient, ika nga dahil sa inaasahang pagpasa ng impeachment case ni VP Sara sa Senado. And to make sure this was done, Bato de la Rosa came out from under the rock he was hiding under and delivered his vote for Cayetano.  Bilib ka naman, absent na siya mula Nobyembre 2025, tapos pumasok muli sa escuela,  I mean, sa trabaho sa senado nitong Mayo 2026, at sumusweldo pa siya! 

And then the amazing race happened inside the Senate with Bato running to escape being served with the warrant of arrest from the International Criminal Court.  Was he not the same Bato who wanted to be with his Tatay Digong  in jail at the Hague? And the panic cries of the lack of due process, of the ICC having no jurisdiction, and the grim reality of “Huli ka!”  Ang linaw naman na tinulungan siya ng kaniyang mga kaibigang Senador kaya nakatakas mula sa building ng Senado. Nasaan na si Bato? Your guess is as good as mine. Pugante na siya. Fugitive.  Bakit siya binigyan ng “protective custody” ni Alan Cayetano?

Iniimbestiga pa ang putukan diumano sa Senado, ang “We are under attack, etc.” ni Alan Cayetano, ang Best Acting Award ni senador Pia Cayetano at ang pagsalo at pagtulong ng mga senador na makatakas si Bato. Nakakagalit.

Galit ang taumbayan. Maging sa online. Maging sa labas. Nag-martsa sa kalye at sinigaw na Arestuhin si Bato, at siyempre Impeach Sara D. Ang tanong: Bakit kung ordinaryong Pilipino ang hinuhuli, mabilis pa sa alas-kuatro, walang kuwenta ang due process at pag-respeto sa human rights, kulong kaagad, o patay kaagad? Bakit tagilid ang sistema ng hustisya? Bakit binaboy ang institusyon ng senado at ginawang sanctuary ng politiko charged with mass murder?

Pumunta pa si Bato sa Supreme Court para humingi ng TRO! Naku naman. Klaro na hindi nagbigay ng TRO ang Korte Suprema. Ano ang sabi ng Supreme Court Justice  Alfredo Benjamin Caguioa? “The court should not come to the rescue of an individual, a public officer no less, who is charged with mass murder…. The court’s actions should not result in the coddling of those in power, should not allow impunity to continue, as it is, in fact, the last stronghold for the protection of rights for those without it. The Court should strongly guard against being used as a politically convenient doormat. For the wiping clean of those who are charged with blood on their hands.”

The failure of the Marcos Jr government to execute the warrant of arrest against Bato is also glaring. Mas malawak ang tinatawag na conspiracy na di panagutin si Bato at ang mga na-identify na co-conspirators  ni Digong ng ICC.

Teka, may amazing race rin si Zaldy Co, isa pang mayamang pugante, sangkot sa anomalya sa mga flood control na proyekto at sinampahan ng charges of graft at malversation ng public funds noong 2025 (parang ang tagal tagal na kasi). Nagpunta sa US si Zaldy Co para magpagamot daw, pagkatapos nabalitaan na nasa Portugal, tapos sa Czech Republic at ngayon ay nasa France at mag-aaplay ng asylum. Ayon kay Co,  inutusan daw siya na huwag bumalik sa Pilipinas. Ano at sino ang madadawit ni Zaldy Co sa pagnanakaw ng pera ng taumbayan sa mga flood control project kuno?

Sa mga dramang ganito, huwag natin kalimutan na katatapos lang ng Balikatan war exercises na kung saan naroon ang involvement ng Canada. Lalo na huwag ipagwalang bahala ang firing ng Tomahawk missile mula Tacloban, Leyte patungong Nueva Ecija. Hindi playground ang Pilipinas at lalong hindi launching pad ng military drill ng US. Hindi nakakatulong na narito na ang tropang Amerikano, narito na ang kanila mga base at naglilipat na ng mga equipment mula Clark patungong Cagayan, patungong Batanes. Huwag hayaang madiskarel ang ating atensyon sa mga drama sa senado.

At huwag kalimutan na Lahat ng kurakot, dapat managot, Mula sa baba, hanggang sa tuktok. 

Huwag nating hintayin ang ulan, bagyo, at baha na siguradong darating. Ituloy natin ang paniningil. ###

Photo Credit: BAYAN 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , ,