By Mon Datol
Walang ‘Senate coup’ Cayetano, lider pa rin; Imee Marcos ‘kinuyog’ sa con-ass video; Macoleta kinasuhan ng plunder at indirect bribery ng Ombudsman; 25 testigo ihaharap vs VP Sara, hanggang Hunyo 1 dapat sagutin Senate impeachment summons; Francis Tolentino, bagong acting DOLE secretary
———————————-
Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano ngayong Lunes, Mayo 25, na siya parin lider ng senado at solido pa rin ang samahan ng 13-miyembrong majority bloc ng Senado sa gitna ng usap-usapan tungkol sa posibleng pagbabago muli ng liderato sa kapulungan. Ibig sabihin nuon ay..
Buo pa ’13 wala pang naghuhudas.’ Lamat meron na Kabayan.
********
Nitong weekend, lakas usap-usapang magkakaruon nga ng ‘bagong coup’ ngayong Lunes para mapalitan si Alan Cayetano bilang lider ng Senado dahil nga may balitang 3 miyembro ng majority ang lilipat sa tropa nina Tito Sen, Ping at Kiko, pero, di nangyari dahil…
Si Win G gusto nina Tito Sen dahil umay na sila sa Keso.
********
Kinastigo ng 10 miyembro ng minority bloc sa pangunguna ni Sen. Migz Zubiri ang privilege speech ni Sen. Imee Marcos dahil sa video presentation nito na umano’y planong Constituent Assembly (Con-ass) upang mapahaba ang termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno na tinawag niyang…
Unparliamentary, opinionated at daming peke.
********
Ayon pa kay Zubiri ay hindi siya pumapayag sa pagsusog sa Konstitusyon at kontra rin umano sila sa minority bloc sa Cha-cha, taliwas sa sinasabi ni Imee, kaya nga tanong pa nito ke Imee Marcos ay…
“Inday Badiday na ba tayo dito sa Senado?” tanong ni Migz.
********
Sa privilege speech ni Sen. Marcos, nagpresenta ito ng video kung saan nagkaroon umano ng pulong sina dating Senate president Tito Sotto III at House Speaker Bojie Dy III noong Abril 22, 2026 kung saan pinag-usapan daw ang Con-ass at term extension at ok daw yon sa mga senador. “Sana tinanong kung pumayag ba ako?” giit naman ni Sotto, dahil…
‘Golf talk’ main topic nina Tito Sen at Speaker Bodjie.
********
Nagsalita rin si Sen. Ping Lacson dahil parang lumabas na siya ang source ng sinabi ni Lito Banayo na kasama sa video. Aniya, nag-lunch sila kamakailan ni Banayo at naikuwento niya ang biruan sa Con-ass, at, itinuring naman ni Sen. Raffy Tulfo na ‘hao shao’ ang video presentation ni Sen. Marcos. meaning…
‘Peke,’ ‘di tutuo. Fake News.
********
Kinontra naman ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagpapabura sa video presentation ni Sen. Marcos pero nabalewala na yon dahil
ang nag-mosyon na alisin na ang video sa record ng Senado, sa ‘atas’ ng Ambassador ng Lord of the Senate, ay si…
Manang Biday, este, Sen. Imee ‘Manga’ Lason, mismo.
********
Sinampahan na ng Ombudsman ng plunder at indirect bribery si Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng natanggap umano nitong P75 milyong campaign donations sa 2025 midterm elections kasama mga donors na sina dating Cong. Mike Defensor at sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.
Lusot kaso sa Comelec, pero sa Ombudsman papasok.
********
Ayon kay SP Alan Cayetano, may 10 calendar days o’ hanggang Hunyo 1 si VP Sara Duterte upang sagutin ang writ of summons kaugnay ng impeachment case laban sa kanya.
Umpisa na ng ‘bloodbath’ ni Inday Sara. Madugo ‘to.
********
Posibleng umabot sa 25 testigo ang ihaharap ng House prosecution panel laban kay VP Sara sa nalalapit na impeachment trial sa Senado at ayon kay lead prosecutor Rep. Gerville Luistro, maaaring tumagal ng tatlong buwan ang paglilitis, pero, tumanggi siyang tukuyin ang mga pangalan ng mga testigo.
Sekreto muna ‘identities‘ mga testigo.
********
In-appoint ni PBBM si ex-Sen. Francis Tolentino bilang acting-Sec. ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes kapalit ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ayon kay PPO Undersecretary Claire Castro dahil sa isyung…
Kalusugan hindi sa katiwalian. Pramis.
********
Sinabi rin ni USEC Claire Castro na wala pang natatanggap na kumpirmasyon ang Malacañang kung babalik sa puwesto si dating DILG Secretary Benhur Abalos upang palitan ang kasalukuyang kalihim na si Jonvic Remulla.
Sisibakin nga ba si Jonvic? True or False? Abangan.
********
SHORT ORDER: Happiest Birthday (May 25) Kabayang Evelyn Jose-Panahon, sis of mate Lito, Dennis, Jeffrey Jose of Jaen, Nueva Ecija. …HBeerday colleague Arman Armero (May 25) of Manila…Happy birthday (May 24) to Kabayang Yolly Bantug of Jaen, NE… Happy birthday (May 24) to veteran Photojournalist Rick Nicolas of QC & Bulacan. Tagay na brad!!!… God Bless.
– 30 –











Leave a comment