Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: April 1-15


By Mon Datol US at Iran bigong tapusin giyera; Supreme Court inisnab TRO ni VP Sara; Kamara tuloy hearing ng impeachment ni VP Duterte; ‘Mary Grace Piattos’, ITR ni Sara sinubpoena na ng Kamara; Chiz Escudero, Martin Romualdez kakasuhan na ng plunder; Libreng legal aid ng IBP sa senior citizens; PBBM magbibigay ng P200k sa…

By Mon Datol

US at Iran bigong tapusin giyera; Supreme Court inisnab TRO ni VP Sara; Kamara tuloy hearing ng impeachment ni VP Duterte; ‘Mary Grace Piattos’, ITR ni Sara sinubpoena na ng Kamara; Chiz Escudero, Martin Romualdez kakasuhan na ng plunder; Libreng legal aid ng IBP sa senior citizens; PBBM magbibigay ng P200k sa bawat barangay sa bansa; Asan na si Bato?

                                            ———————-

Amerika at Iran hindi nagkasundo para tapusin giyera nila dahil ayon kay US VP JD Vance ay wala silang nakuhang commitment mula sa Tehran kaugnay sa nuclear issue kahit pa sinabi niyang ibinigay niya ang “best and final offer.” Haaa??? Talaga nga kayang…

        Di-takot ang Iran ke Trump? Ayaw ni Uncle Donald yan! 

                                          ********

Sinabi ni Vance nitong Linggo sa ikalawang araw ng usapan ay wala silang nakikitang “fundamental commitment” mula sa Iran na hindi sila gagawa ng nuclear weapon sa kasalukuyan at sa hinaharap na panahon kaya’t bigo silang makabuo ng kasunduan sa ginanap na peace talk sa Pakistan, ayon sa ulat ng Agence France-Presse .

       Paano na Strait of Hormuz? Pinagu-usapan pa ani Iran.

                                          ********

Nabigo si VP Sara Duterte na makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Supreme Court para pigilan ang House Committee on Justice ng Kamara sa impeachment hearing laban sa kanya na uumpisahan Abril 14 at posibleng matatapos sa Mayo ang nasabing pandinig. So, ngayon ay…

        Alam na ni VP Duterte na hindi ‘Sara’s Court’ ang SC.

                                          ********

Bagama’t hindi pa pinagbibigyan ang mga petisyon na inihain nina Atty. Israelito P. Torreon at iba pa, gayundin ni VP Sara laban sa komite at sa Kamara de Representantes, inatasan ng SC nitong Abril 8 ang mga respondent na magsumite ng kanilang komento sa loob lang ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso. At dahil dito ay…

        Ipinatuloy ni Speaker Bojie Dy ‘kaso ni Sara sa Kongreso.’

                                            ********

At dahil tuloy na ‘hearing’, ipinakuha ng House Committee on Justice ang mga dokumento na isinumite ni VP Sara upang patunayan ang pagbabayad ng confidential fund kay “Mary Grace Piattos” at iba pang kuwestyunable umanong personalidad, kaya’t malapit ng…

         Magka-alaman kung ‘tao o’ meryenda ang Piattos.’

                                              ********

Bukod sa ‘documentary evidence’ ng pagbabayad kay “Piattos”, kasama sa ipinakuha na rin ng komite ang ebidensiya ng pagbabayad kina “Milky Secuya”, “Kokoy Villamin” at “Irene Tan”, kasama rin mga ‘resibo’ ng ibinayad kina…

          ‘Marian Rivera at Chel Diokno’ na milyones din tinanggap.

                                                 ********

Ipinakuha rin ng komite ang kopya ng mga tseke at voucher para sa mga transaksyon mula Disyembre 2022 hanggang Hulyo 2023 gayundin ang mga liquidation report at sworn certification ng mga accountable officer para sa confidential funds, na ayon sa rekord ay umabot sa … 

           P612.5 milyon ‘confidential fund’ nagastos ni VP Duterte. 

                                                   ********

At kabilang nga rito ang P125-Milyon na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022 na hanggang sa kasalukuyan ay hindi maipaliwanag ni VP Sara kung papaano at kung…

           Sino-sino ‘naghati’ sa milyong pera ni Juan. Nagngdragon!

                                                   ********

Kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla na nakahanda na ang kasong ‘plunder’ laban kina Leyte Rep. Martin Romualdez at Sen. Chiz Escudero kaugnay ng umano’y anomalya sa pambansang budget at flood control projects at posibleng ihain ang kaso sa buwan ng Mayo.

          Agad-agad na, bakit hihintayin pa Mayo, Sir Boying?!?!

                                                    ********

Hindi lang umano sina Romualdez at Escudero, isama na natin sina Villanueva at Jinggoy, ang maaaring masampahan ng kaso. Posible ring madamay ang iba pang politiko, mambabatas at ilang opisyal ng ehekutibo. Ayon yon ke Omb. Boying Remulla na…

          Bising-bisi sa pagbusisi sa ebidensiya kontra malaking isda.

                                                     ********

Ang dami ngang nagtatanong sakin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa kahit anong balita hinggil kay Sen. Joel Villanueva na isinangkot din ni Bulacan DPWH 1st District Engineering Office Asst. Engr. Brice Hernandez sa kasong ‘flood control scam’ at tumipak ng milyon-milyong kickbacks. 

        Di ko laam. ‘Nagdarasal’ pa ako, eh. Teka, Y nga ba Ka Boying?

                                                    ********

Pumirma sa isang memorandum of agreement (MOA) sina Senior Citizen’s Partylist Cong. Rodolfo “Ompong” Ordanes at IBP National President Allan Panalong, para sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa lahat ng senior citizens sa bansa.

         Ayos, Cong. Ompong. Mabuhay ka!

                                                      ********

Nakasaad sa kasunduan na libreng magbibigay ng payong-legal ang mga abogado ng IBP sa buong bansa sa lahat ng senior citizens 60-yrs-old pataas, samantalang ang nabanggit na party-list naman ay tutulong sa pag-aasikaso para sa case referrals. 

       Daming mahirap na seniors ‘need legal help’ talaga, Cong.

                                                      ********

Ibinalita ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon, Abril 7,  ang paglulunsad ng programang  “Bawat Barangay Makinabang Program” na magbibigay ng P200,000 sa bawat barangay – P100,000 maaaring gamitin para sa educational assistance, at P100,000 naman para sa piling capital outlay projects para sa ikauunlad ng bawat barangay.

     Laking tulong ni PBBM sa lahat ng barangay sa buong bansa. 

                                                        ********

Bukod sa pera, magbibigay pa rin ang programa ni PBBM ng mga suplay na magagamit sa paglilingkod sa mga kabarangay sa buong bansa gaya ng patrol vehicle, printer, computer, at solar street lamp. 

      Mga Kap, pam-barangay po pera ni Juan ha, di pam-bulsa.

                                                         ********

Wala pa rin sa Senado si Sen. Bato dela Rosa at wala pa ring aksiyon ang Senate Committee on Ethics and Privileges sa patuloy na pag-absent ni Bato simula pa nuong Nobiyembre 11, 2025. 

      Ano, Tito Sen, hahayaan na lang ba ito at kukunsintihin si Bato? 

                                                        ********

Hindi na makatwiran at hindi parehas ang patuloy na pag-absent ni Sen. Bato dela Rosa na patuloy ding tumatanggap ng P380,000 na suweldo buwan-buwan. Di ba dapat ay pantay-pantay ang polisiya ng lahat ng empleyado na…

      No work, no pay higit lalo sa gobiyerno.

                                                       ********

Dahil sa patuloy na pag-absent ni Bato, may 9 ng mga grupong nagsampa na ng mga reklamo laban sa kanya sa Senate Committee on Ethics and Privileges, pero, nanindigan  si Committee chairman Sen. JV Ejercito na walang probisyon sa “no work, no pay” sa ilalim ng kasalukuyang rules of the Senate o maging sa kanyang komite. 

      Nakngdragon, Sen. JV, kahit one-year absent, susuweldo pa rin si Bato? Grabe kayo sa Senado! Kakapal fez nyo! 

                                                        ********

SHORT ORDER: Happiest birthday (April 5) to our gorgeous niece Kayleigh Rae D. Tucker, youngest of 2 wonderful children of my younger sis Mila Datol-Tucker & Bayaw Martin Tucker of Staffordshire, England …HBD (April 7) to colleague Dennis Principe of Manila..Hapi Beerday (April 11) brad Wendell Rupert Alinea, vet-fotog-son of colleague Eddie Alinea (RIP) & longtime fotog of Lodi Manny Pacquiao…Happy birthday (April 14) to Cassandra Portugal of Manila & Dr. Kiko Portugal (RIP) Fam of Toronto..Happy birthday (April 17) to Kabayan & former ‘4 Na Sikat’ actress Nancy delos Satos of San Isidro, NE & Toronto …God Bless.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,