Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: October 16-31


By Mon Datol Bato binigyan isang linggo para sumuko, P50M bounty; Senado on-hold suspensiyon kina Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta; Kung si Bojie Dy ang magiging VP, sino ang magiging Speaker?; Chiz tatanggihan VP post kung masibak si Sara Duterte; Kapag hinatak ng China ang BRP Sierra Madre, ‘act of war’ ‘yan laban sa PH –…

By Mon Datol

Bato binigyan isang linggo para sumuko, P50M bounty;

Senado on-hold suspensiyon kina Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta; Kung si Bojie Dy ang magiging VP, sino ang magiging Speaker?; Chiz tatanggihan VP post kung masibak si Sara Duterte; Kapag hinatak ng China ang BRP Sierra Madre, ‘act of war’ ‘yan laban sa PH – Sec. Gibo Teodoro; Lustre nagpiyansa sa kasong cyber libel; Vince Dizon balik sa DOTr, Banoy Lopez DPWH Chief

                            ———————————-

Isang linggo lang ang ibinigay na palugit ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. para sumuko si Sen. Bato Dela Rosa at

ito ay base sa inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla nitong Biyernes, October 23, na magbibigay sila ng P50 million pabuya upang mahuli ang senador.

    Nakngdragon! Instant milyonario maghu-hudas ke Bato, ah!                                             

                                              ********

Pinabulaanan ni Gen. Nartatez ang balitang nakikipagnegosasyon ang  PNP at DILG sa senador AT hindi raw sila nakikipag-usap ke Bato kaya mas mabuti pa na sumuko na lang ito sa awtoridad dahil…

  Napapaligiran ka na Bato nina Nartatez at JV Remulla!!! Ngekk.

                                              ********

Medyo nagtataka lang ako kung bakit di pa sinugod ng PNP at DILG pinagtataguan ng senador at inaresto ito kahit me hinuha sila kung nasaan nagkukuta ito, dahil kaya sa sinabi nga sa press ni Sec Jonvic na 10,000 ang posibleng mamatay kapag sinugod nila at posasan ang senador dahil sa armadong grupong nagpo-protekto nga ke Bato?

Nakngdragon, ‘Tol Reyfort! Anong karuwagan ba yon Sir JonVic?

                                            ********

Balitang pinagalitan na ni PBBM si JV Remulla dahil nga hindi niya maaresto ang puganteng senador gayung sinasabi nga ng DILG secretary na di nila masugod pinagtataguan ni Bato dahil sa makapangyarihang grupo protektor nito sa Mindanao. Kung gayuon katwiran mo…

  Sisibakin ka na ni PBBM, JonVic Remulla. Pramis.

                                            ********

Kahit pala si Sen. Ping Lacson ay naniniwala na kaya nag-alok ng P50 milyong pabuya ang DILG sa ikaaaresto ni Sen. Bato ay para mapalabas ito sa kanyang pinagtataguan dahil kung talagang alam ng DILG at PNP ang kinaroroonan ni Dela Rosa ay…

  Bakbakan na, ubusan na ng bala, matira matibay ala-Sigabo!

                                            ********

Hintayin nating matapos ang isang linggong palugit ibinigay ni PNP Chief Nartatez  ke Bato para sumuko, at, kung di lalabas sa kanyang kweba ang senador ay, ano na gagawin nyo, Gen. Nartatez at Sec. JV Remulla? Ano pa, eh, di…

  Ekstensiyon ng isang linggo ulit para sumuko. Abangan natin.

                                            ********

Sinabi ni SP Win Gatchalian na pansamantalang hindi muna ipatutupad ng Senado ang 90-day suspensiyon kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Rodante Marcoleta habang hinihintay ang pinal na desisyon sa kanilang motion for reconsideration.

  Pero, kulong pa rin sila sa QC Payatas Jail.

                                              ********

Matapos umugong ang balitang si Speaker Bojie Dy III ang matunog na magiging Vice President kapag na-convict si VP Sara Duterte, ay nag-aamuyan ngayon mga Kongresmeyn kung sino ang magiging lider ng Kamara sa pagitan nina…

      Sandro Marcos at Gloria Arroyo na pagpipilian ni PBBM.

                                              ********                                            

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na tatanggihan niya ang alok na maging bise presidente kapag natanggal sa puwesto si VP Sara Duterte matapos ang impeachment trial dahil sa conflict of interest, AT…

    Wala pang nag-aalok sa kanya ng posisyon. Parinig lang.

                                            ********

Ayon sa 1987 Constitution, kapag ang isang Vice President ay napatunayang nagkasala sa isang impeachment trial sa Senado, awtomatiko siyang matatanggal sa puwesto at mapapalitan sa pamamagitan ng nominasyon ng Pangulo, at ang mga nominado ay…

    Kasalukuyang isang senador ‘o miyembro ng Kamara.

                                            ********

Sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro na maituturing “act of war” o indikasyon ng pakikidigma laban sa Pilipinas kapag puwersahang hinila ‘o inalis ng China sa kinalalagyan ang barkong pandigma ng bansa na BRP Sierra Madre na sadyang isinadsad noong 1999 sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, di dapat galawin ng China, dahil nga…

    Ang barko ang outpost ng militar ng Pinas sa WPS.

                                            ********

Pansamantalang nakalaya ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. sa Kamuning Police Station 10 ng  Quezon City Police District pasado alas-11 ng gabi nitong Sabado matapos makapagpiyansa ng P48,000 kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya. Sino naghabla at anong klaseng ‘krimen’ nagawa ng 72-year-old journo?

    Sino sa Davao nagsakdal ke Lustre? Duterte? Posible.

                                            ********

Ayon kay Atty. Dino de Leon, legal counsel ni Lustre, hindi alam ng kanyang kliyente ang reklamong isinampa laban sa kanya bago ang pag-aresto at hindi rin agad isiniwalat ang pagkakakilanlan ng nagreklamo at ang partikular na publikasyong naging batayan ng kasong cyberlibel.

  ‘Kill, Kill, Kill’ ang librong isinulat ni Lustre ’bout EJK ni DU30.

                                              ********

Criminal case pa rin kasi ang Libel sa Pinas at obligadong arestuhin ka, ikulong at mag-piyansa para di ka matulog sa Oblo, matapos ka ‘mag-piyano’ at kunan ng litrato na nakasuot ng yellow shirt na me tatak na PDL ‘o Inmate. Dito sa Canada ay civil case lang ang Libel at walang kulong at piyansa.

  Onli in da Pilipins na lang yata na criminal case ang Libel.

                                              ********

Balik sa Department of Transportation (DOTr) si Sec. Vince Dizon para pabilisin ang biyahe ng mga commuter, paikliin ang pila sa LTO at sugpuin ang mga fixer, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes.

    Order ni PBBM ke Vince: pabilisin galawan ng masa sa kalsada.

                                              ********

Si Giovanni “Banoy” Lopez naman ang titimon sa DPWH para pabilisin ang mga reporma sa transparency at accountability, pati ang pagpapabilis sa mga proyekto sa kalsada at tulay, ayon sa PCO. At ipagpatuloy ang…

‘Pagpapakulong’ sa mga Kontrak-Tong, Tong-Sen at Tong-Kong.

                                              ********

SHORT ORDER: Happy birthday (Oct. 26) to kabayang Feliisimo Gatuz of Jaen, Nueva Ecija…HBD to colleague Girlie Turno (Oct. 26)…Happy Birthday (Oct 25) to Realtor Marisa Villarin, wifey to dear friend Atty. Tony Villarin of Toronto… Happiest Birthday (October 24) to Marites Araneta Perez of Toronto… HBD to QC Councilor Afred Vargas (Oct. 24)…God Bless.

                                                – 30 –

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , ,