By Mon Datol
Kapitan ng lumubog na MV June Aster hinahanting; QC Court iniliban ‘arraignment’ ni VP Sara; Romualdez, inilipat na sa PGH matapos humirit ng hospital arrest; Mag-inang Loren Legarda at Leandro Leviste sinisipat asylum sa France
———————————-
Patuloy pa ang paghahanap sa nawawalang kapitan ng lumubog na barko sa Coron, Palawan na MV June Aster na si Captain Roel Sarmiento na pinaniniwalaang buhay at hindi kabilang sa 43 survivor, upang maimbestigahan sa trahedyang sinapit na nag-iwan ng 35 patay, at 54 pa ang nawawala.
Nakngdragon! Kapitan pa unang tumalon ng sumabog, nasunog at lumubog ang barko na tinitimon??? Ano yon!!!
********
Ang barko ay may kapasidad umano na 306 pasahero. Nasa manifesto ang 117 pasahero at 17 tripulante, habang ang dalawa ay kumpirmado hindi nakasakay. Isang pagsabog umano ang narinig sa cargo deck ng barko bago ang sunog. Kawawa talaga sinapit mga ‘nasunog’ sa barko, namatay ng walang kalaban-laban. Kaya naman…
Lumutang ka na Kapitan, bigyang-hustisya mo mga namatay. At baka si PBBM na naman SISIHIN ng mga DDS sa Trahedyang yan.
********
Ipinagpaliban ng QC Regional Trial Court Branch 98 ang ‘arraignment’ o’ pagbasa ng 3 kaso ng ‘grave threats’ ke VP Sara Duterte na nakatakda sana nitong Biyernes, September 11 matapos hiniling ng kampo ni Duterte dahil sa mga nakabinbin pang mosyon na pinagbigyan naman ng hukuman.
TRO sa SC hinihintay ni VP Sara sa ‘grave threats’ kaso niya.
********
At dahil may ilang DDS sa labas ng QC RTC ay tumayo sa pulpito si Sara at tumirada na naman para banatan si PBBM at muling tinawag na Adik ang Pangulong Marcos na paulit-ulit na nilang magkakapatid isinisigaw kahit na ang Tatay Digong nila ang gumon sa pagtira ng Fentanyl at…
Wala silang patunay na nagdo-droga si PBBM.
********
At nagdagdag pa ng ‘Resign’ at ‘Umalis ka dyan’ na sigaw si Inday Sara, at, tumalak pa ng ‘Sinungaling’, ‘abusado’, ‘walanghiya,’ walang-utang na loob’ at kung anik-anik pang paninira.
Nakngdragon! Tol Reyfort, bakit di inalis malaking salamin sa harap ni Inday Sara?
********
Hinikayat din ni Inday Sara ang kanyang mga natitirang ilang-dakot na tagasuporta na ipagpatuloy ang pakikipaglaban konntra sa umano’y mga abusado, sangkot sa ilegal na droga, mga adik at korapsiyon. Teka…
Baka akala ni Sara ay Tatay Digong pa rin Presidente now!
********
Ganoon daw talaga kapag adik, hindi na raw dumadaan sa realidad ang pag-iisip, at, kung anik-anik na isisigaw at ginagawa kapag bangag na.
Nakngdragon, Tol Reyfort! Mga utol yata nasa isip ni Sara!
********
Natupad na ipinangako ni PBBM na lalambatin ng hustisya ang mga ‘big fish’ na di-lang nangungurakot sa kaban ng bayan, kung di yong gustong ‘ibagsak’ ang gobiyerno at maghasik ng lagim sa pamayanan.
Kinakalos na ni PBBM umaapaw na bigas sa maleta ni Taning.
********
Pinaka-malaking ‘big fish’ na kinalawit ni PBBM ay ang Bise Presidente na kinasuhan ng Ombudsman ng ‘3 counts ng grave threats’ sa Sandiganbayan na naglabas kaagad ng ‘warrant of arrest’ na…
Ikina-gitla mismo ng higanteng balyena at mga DDS supporters!
********
Bukod nga kasi sa impeachment proceedings, heto pa nga ang kasong kriminal na hinaharap ni Inday Sara, na para sa korte, may sapat na batayan para mag-isyu ng warrant at itinakda ang piyansa sa P120,000 bawat kaso. Kayat hayun, matapos ang samu’t saring drama na parang teleserye na sablay sa ratings…
Nagpiyansa si Day Sara kahit barya lang yan sa bulsa niya.
********
Isa pang heavyweight, si dating House Speaker Martin Romualdez, ang isinunod na inaresto kaugnay ng kasong plunder sa tinatayang P7.44 bilyon, na kung saan nag-isyu ng warrant ang Sandiganbayan matapos makakita ng probable cause sa kasong isinampa ng Ombudsman. Isa lang ibig sabihin nito…
Pangulo si BBM ng Pilipinas, ng lahat ng Pinoy, ‘di kadugo lang.
********
Inilipat nitong Sabado si Romualdez sa PGH sa Maynila alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan para sa isang independent medical examination upang beripikahin ang findings ng kaniyang mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Grabe ba talaga sakit sa puso ni Cong ‘o taas sugar o’ anxiety?
********
Ayon kasi sa mga doktor ni Cong sa CSMC, kabilang sa kondisyon ni Romualdez ang hypertension, hypothyroidism, Type 2 diabetes, at anxiety attacks at kailangan ng apat hanggang anim na linggo bago mailipat si Romualdez sa detention facility. Abangan natin resulta ng PGH exam ni Cong sa September 14.
Hospital arrest o’ QC Payatas Jail sa Kasin ni PBBM???
********
Dalawang makapangyarihang pangalan na nilambat at kita naman ng lahat na magkaibang paksyon sina VP Sara at Cong Martin. So, iIsa…
Ang mensahe si PBBM: Lahat ng may sala, Kalaboso.
********
Pero hindi pa tapos ang pamimingwit dahil kasama sa nakalinyang ‘big fish’ ay si Sen. Alan Peter Cayetano, na nasasangkot sa mga ‘ghost at anomalous projects’ sa Taguig. Kaya tila kaliwa’t kanan ang pagdarasal ngayon at baka magka-milagro ang…
Self-proclaimed “Ambassador of Jesus Christ.” Nakngdragon!
********
At nariyan din si Sen. Loren Legarda at ang kanyang anak na si Rep. Leandro Leviste, na nasa extended foreign vacation trip sa France, na mula sa pagiging political butterfly ni Loren, ay isa nang big fish, dahil dawit ang mag-ina sa mga alegasyong plunder kaugnay ng kontrobersiyal na bilyon-bilyong pisong solar projects. At may hiwalay pang kasong human trafficking na iniuugnay kay…
“Solar Boy” ng Batangas, at, Uuwi pa raw, naman, mag-ina.
********
Ito na ang hinihintay na pag-uusig ng mga Pilipino na ilang beses nang na-delay para panagutin ang lahat ng kurakot ng pera ng bayan anuman ang kanilang paksyon sa pulitika at posisyon sa gobiyerno. Ang tanong nga lang, eh…
Kelan at sino-sino ikakalaboso, bibitayin, err, mali, alaws nga palang ‘death penalty’, at maibabalik ba sa kaban ng bayan bilyon-bilyong nanakaw ng mga mandarambong?
Abangan.
********
SPECIAL GREETINGS: Happy 69th birthday to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., September 13, 2026, likewise, to former President Apo Lakay Ferdinand E. Marcos, Sr., September 11. I also celebrate on September 13, Ka-birthday ko nga si PBBM, pero, mas me edad ako sa Pangulo ng ilang tulog, hehehe. God Bless the President & Mabuhay ang Lahat ng Pilipino sa Buong Mundo!
********
ALAM BA NEWS: Na 50 years ago, nuong 18-years-old pa lamang si Reynaldo Fortaleza, ay isinuot niya ang uniporme ng Pilipinas at lumaban sa ginawang 1976 Montreal Olympic Games at umabot sa quarterfinals ng amateur boxing competition, na kung saan natalo siya sa isang kontrobersyal na 4-1 split decision kontra isang boxer mula sa Great Britain, na inulan ng malakas na pag-boo ng maraming nanuod ng laban. inimbistigahan ng AIBA ang nasabing laban at nasuspindi ang isang boxing opisyal sa asabing laban. Pero, sa boxing never na binabago ang unang desisyon ng mga huwes, kayat, nabigo ang ating pambatong si Rey Fortaleza na masungkit ang bronze medal sa kaniyang dibisyon ng 1076 Montreal Olympics. Mabuhay ka, Rey Fortaleza, isa sa kinikilalang miyembro ng Fortaleza Boxing Brothers ng Philippine Sports.
********
SHORT ORDER: Happy birthday (Sept. 9) MJ Japin of Toronto, greetings from family & friends.. Happy birthday (Sept.8) to Sister Mitch Fernandez of Genesis Immigration, Toronto. Greetings from children, parents, kin, Tita Frances, Tita Cez Araneta, Tito Ed Que, Tita Agnes Miranda & all relatives & friends… Happy birthday to Ms. Adela R. Bailey (Sept. 10), wifey to Johnston Bailey of Richmond Hill, ON. greetings from children, friends & colleagues from work… HBD to Cong. Rody Antonino (Sept. 12) of Jaen, NE..Happy birthday to colleague & veteran columnist Inday Espina-Varona (Sept. 13) of Manila…. Happy birthday Beth Javate-Dizon (Sept 14) of Vancouver, BC from children & friends. Happy Heavenly Birthday Margarita ‘Tita Nene’ Gamboa-Uyao (Sept. 15), youngest sister of our Nanay Lucia (RIP), of Jaen, NE & Paranaque. greetings from Tito Butch & Uyao Children & Family …. God Bless.











Leave a comment