Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: July 16-31


By Mon Datol ‘PANGULO AKO NG ‘PINAS Hindi sa Pamilya, Kaibigan’ -PBBM; P25B pera, ari-arian nabawi sa flood control scandal; PBBM – Panahon na para tanggalin ang system loss na ipinapasa sa consumer; Napoles, kulong ng 350 years sa ghost projects; ‘Hindi ako magre-resign!’-VP Sara; OFW nagpapabuntis, Ph1-Milyon ang kapalit;           …

By Mon Datol

‘PANGULO AKO NG ‘PINAS Hindi sa Pamilya, Kaibigan’ -PBBM; P25B pera, ari-arian nabawi sa flood control scandal; PBBM – Panahon na para tanggalin ang system loss na ipinapasa sa consumer; Napoles, kulong ng 350 years sa ghost projects; ‘Hindi ako magre-resign!’-VP Sara; OFW nagpapabuntis, Ph1-Milyon ang kapalit; 

                              ———————————-

Patong-patong na kaso kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng umano’y katiwalian sa mga flood control project ang malapit ng ihahatag ng Ombudsman ani PBBM sa ginawang SONA nuong Lunes dahil aniya…

      ‘Pangulo Ako ng  ‘Pinas Hindi sa Pamilya, Kaibigan.’  

                                                   ********

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-5 State of the Nation Address kasabay ng pag-uulat sa naging resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman, at kahit masakit gawin iyon dahil pinsan niya si Romualdez ay…

      ‘Kailangan nating gawin ang tama, para sa bansa.’ Tama.

                                                    ********

Ayon sa Pangulo, nauna nang nakasuhan at nakulong ang ilang kontratista tulad ng mag-asawang Discaya, matataas na opisyal ng DPWH at mga mambabatas kaugnay ng imbestigasyon, at…

       Marami pang kakasuhan at ikukulong na mandarambong.

                                                     ********

Sinabi rin ni Marcos na halos P25 bilyon na ang halaga ng mga nabawi, na-freeze at napreserbang pera at mga ari-arian ng mga akusado, habang mahigit P800 milyon na ang naibalik sa National Treasury, at…

      Bilyong piso pa maibabalik na ninakaw sa kaban ni Juan.

                                                      ********

Ang pinakamalakas na hiwayan at palakpakan ay nang iyanunsiyo ni PBBM ang pagbuwag ng systems loss na ipinatutupad sa pagbabayad ng kuryente dahil…

      Hindi naman kasalanan ng consumer ang systems loss. Tama.

                                                       ********

Dahil dito, inatasan ni PBBM ang Kongreso na mabilisang pang-amyenda ng EPIRA Law, at tigilan na ang paniningil ng ‘systems loss against consumers including the value added tax thereon,” na…

      Nagpatayo sa mga mambabatas sa loob Kongreso.

                                                      ********

Ang Epira Law, o Republic Act No. 9136, ay ang Electric Power Industry Reform Act of 2001, “It restructured the Philippine power sector to lower electricity costs, encourage private investments, and introduce market competition.” 

      Mababawasan na ‘sama-ng-loob’ Meralco consumers, hehehe.

                                                      ********

Agaran ding hiniling ni PBBM sa Kongreso na maipasa ang Sariling Kuryente Act upang mas mapadali at mas maging abot-kaya ang pagpapakabit ng solar panels at battery storage system sa mga bahay.

     Iiyak panigurado mag-inang Legarda-Leviste sa atas ni PBBM.

                                                      ********

Ang dami pang binanggit na ginawa ni PBBM para sa bayan sa loob ng 4 na taong panunungkulan bilang pinuno ng bansa at marami pang gagawin programa para sa mga Pinoy sa natitirang 2 taon pa sa Malacanang Palace kasama na ang…

       Pagbaba ng income tax exemption sa kumikita ng P350,000.

                                                       ********

Isinusulong din ng Pangulo ang pagbibigay ng tax amnesty sa mga hindi nabayarang income tax, estate tax, donor’s tax at value-added tax, kabilang ang mga kaukulang multa, upang mabigyan ng panibagong pagkakataon ang mga nagkaroon ng pagkakautang sa buwis.

       Yan ba ang walang nagagawa si PBBM para sa mga Pinoy?

                                                   ********

Mabubulok na sa kulungan ang negosyanteng si Janet Lim Napoles kasama si dating DAR USEC Jerry Pacturan matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan at patawan ng mabigat na sentensiya kaugnay sa P50 milyong ghost projects sa Luzon.

        Yare si Napoles. Teka, bat nakalusot sina Jinggoy at Agimat?

                                                   ********

Si Napoles ay nahatulan ng 20 taong kulong sa bawat count ng kasong malversation o kabuuang 200 taon sa 10 counts, at 15 taong kulong sa bawat count ng kasong graft o kabuuang 150 taon sa 10 counts. 

        350-taong kulong? Nakngdragon! Kahit multo, tepok sa oblo.

                                                  ********

Si Usec Pacturan naman na guilty sa 10 counts ng malversation of public funds ay 19-taong kulong sa bawat count o 190 taon, pero,  acquitted naman sa kasong graft dahil nabigong maidiin ng prosekusyon at pinagbabayad din sina Napoles at Pacturan ng…

       Tig-P5 milyon multa sa bawat counts ng kani-kanilang kaso. 

                                                   ********

Nanindigan si VP Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa kanyang puwesto sa kabila nang kinakaharap na impeachment trial sa Senado kaugnay ng alegasyon ng korapsyon at iba pang paglabag.

        “Never gonna happen.” Di sya magre-resign. No joke, Inday?

                                                    ********

Sa gitna ng impeachment trial ni VP Sara Duterte, muling umingay ang pangalan ni Sen. Robin Padilla matapos niyang sabihin na “Sana hindi one-sided ang ating prosecution.” At nilinaw pa niya: “Ang tungkulin ng prosecution ay hindi para manalo, kundi para sa katotohanan at proteksyon ng inosente.” Nakngdragon!!!

         Tama si Sen. Ping, me kasama silang Obob na Agnat pa.

                                                   ********

Halatang-halata ang ilang senator-judges na sa halip na manatiling neutral  ay nagiging “defense lawyer” na aktibong pumapabor sa depensa, at, lantaran ng binabahiran ng politika ang proseso ng impeachment trial, tulad ni Sen. Robin Padilla na…

       Sunugin at hinde, amoy-Duterte aalingasaw sa katawan.

                                                    ********

Ang impeachment trial ay hindi lamang laban kay VP Sara kundi pagsubok sa ating mga institusyon. Ang prosekusyon ay dapat maglatag ng kaso, ang depensa ay dapat magtanggol, at ang Senado ay dapat maghusga nang walang kinikilingan. Kapag ang linya ng tungkulin ay nilabo ng politika, talo ang sambayanan.

       At dehins alam ni Binoe yon kahit gradweyt sya ng UP!!!

                                                  ******** 

Talagang nagulat ako sa mga ulat tungkol sa ilang overseas Filipino worker, lalo na ang mga nagtatrabaho sa Hong Kong, na naaakit sa alok na maging surrogate mother kapalit ng halos isang milyong pisong kabayaran na papayag na magbuntis para sa ibang tao o mag-asawang hindi magkaanak. 

       Nakngdragon! Tol Reyfort! Magkapera lang malaki, ibebenta pati ovary. Hahalukayin pa natin tong istoryang ito. Abangan. 

                                                   ******** 

Matapos sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at Los Angeles Lakers ay lalaro naman si LeBron James sa 76ers sa darating na NBA season at pumirma si James sa isang two-year, $8 million contract na may isang player option at maglalaro sa kanyang ika-24 season; at makakasama niya sa Philadelphia sina Tyrese Maxey, Joel Embiid at Jaylen Brown.

      Biglang kontender ang 76ers sa 2026-27 NBA crown! 

                                                   ******** 

SHORT ORDER: Happy birthday to Dr. Belle Tumbok (July 25) of Toronto & Aklan, greetings from Tita Cez Araneta & Tito Ed Que of Mississauga. MBtC my dearest friend Belle..Happy birthday (July 27)  to Angel Sheryl dela Pena-Andres of Toronto & La Union, greetings from your Hubby, children, Mama & Papa, sisters, ANT co-Angels… Our youngest daugther Rosaline Joy ‘Yeng’ Datol-Tierra, wifey to our son-in-law Lenny Tierra & gorgeous Nanay to our 2 Apo, Iyam & Yumi, is celebrating her milestone July 30, 2026!!! Happy birthday Nak from Mama & Papa, Ate Mabel & Edgar, niece Nicole, nephew Kyle…. Also, Happiest birthday greetings to my very kind, pretty wifey Frances (July 28) also coming from our 2 doters Mabel & hubbyEdgar and Yeng & hubby Lenny, 4 Apos Nicole, Kyle, Iyam & Yumi and from Datol, Bello, Tierra, Moscare, Bachini, Claudio Families. More Blessings to my wife Frances and our daugther Yeng!!! We love you both!!! God Bless.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , ,