Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

Ang Narinig Ko at Hindi Ko Narinig sa SONA


 SONA Ng Bayan 2026 (Photo credit: FB Renato Jr. Reyes)

By E. Maestro

A couple of days before Marcos, Jr.’s 5th State of the Nation address, Migrante International, the biggest alliance of Filipinos overseas, and Bayan International organized an online press conference with migrant leaders from various global regions to present the real People’s State of Filipino Migrants and Diaspora.

I listened to these migrant leaders from Asia-Pacific, North America, Europe, and the Middle East as they spoke not only about the deplorable conditions and situations in their host countries, but also registered their united stand with the Filipino People’s State of the Nation Address as the real state of the nation.

Kung may pagbabago sa buhay at kalagayan ng mga migranteng Pinoy, ito ay mas mahirap na kalagayan nila sa ibayong dagat, mas lalong paghihigpit ng kanilang sinturon, at mas delikado na sitwasyon gawa ng rasismo, pangamba ng deportasyon, at matinding precarity sa trabaho at status ng OFW.

Patuloy ang epekto ng giyera ng US laban sa Iran sa lumalalang hirap pang-ekonomiya. Wika ng lider migrante sa Asia-Pacific Raymond Raymundo: “Anumang pagtaas sa presyo ng produkto ng petrolyo ay may agad-agad na pagtaas sa presyo ng bilihin, kung kaya ang mga OFW ay napipilitang magtrabaho ng doble, kumayod ng doble para tustusan ang pangangailangan ng pamilya.”

Still fresh in the minds of overseas workers is the case of the recent deaths of two Filipino migrant seafarers as a result of drone attacks from the escalating US-NATO Proxy War in Ukraine. Ang sabi ng Department of Migrant Workers, a total of nine vessels carrying the Filipino seafarers and transiting the Black Sea were reported to have been attacked in separate instances.The DMW has declared maritime corridors like the Black Sea and the Strait of Hormuz as “War-like Operations Areas” and even advised that seafarers can refuse deployment, but Joanna Conception, Chairperson of Migrante International hit the nail on its head when she said “such advisory remains inadequate and does not address the systemic problem of the lack of long-term job creation for Filipino seafarers at home and prioritizing the building of our own national maritime industry.” While the war rages in these areas, thousands of seafarers remain stranded in the Strait of Hormuz.

Hindi lingid sa atin na mas pipiliin pa ng ating OFW na pumirmi at magtrabaho sa mga lugar na may giyera at harapin ang peligro kaysa umuwi na walang tiyak na trabaho at nakabubuhay na sahod. Isusugal ang buhay para maghanap-buhay!

Wika ni Laura, isang OFW sa UAE sa press con: “Inutil ang gobyerno sa kanilang serbisyo para sa mga OFW na apektado ng gera. Sa karanasan namin, hindi transparent ito, may mga consular official na sinasabihan ang mga OFW na ‘wag sabihan ang ibang OFW tungkol sa Aksyon Fund. Kapag hindi ka din OWWA member mas kaunti lang ang matatanggap mo na ayuda. Kahit walang gera, malubha pa din ang kalagayan ng mga OFW dahil sa laganap ang mga kaso ng contract substitution, mababang sahod, diskriminasyon at iba pang paglabag sa aming mga karapatan.”

Maigi rin na pakinggan sana ng mga embahada at consular office at ahensiya tulad ng OWWA ang mga ulat at hinaing mula sa mga OFW sa iba’t ibang bansa hinggil sa pagpapatupad at pagbibigay ng Aksyon Fund.

Marami nga ang sinabi ang Pangulo sa kaniyang SONA.  Pero hinahanap ko ang komitment na ibigay at ipatupad ang nakabubuhay na sahod sa manggagawang Pilipino. Pero wala.

Akala ko na babanggitin niya ang komitment ng pamahalaan na hanapin talaga si Senador Bato at ipatupad ang warrant of arrest sa kaniya galing sa ICC. Hindi ko rin narinig ang usapin ng impeachment. Absent rin ang usapin ng karapatang pantao (human rights), ang tuloy tuloy na paglabag sa karapatang pantao sa lahat ng sektor: manggagawa, magsasaka, indigenous peoples, human rights defenders, women and children, sa mga political prisoners, mga OFW, tsuper, etc. Hindi ko narinig ang mga ito.

Talagang tinulak ni Marcos Jr ang Pax Silica na parang hulog ng langit sa bayan natin pero walang konsiderasyon sa paggamit ng ating kuryente, ng tubig, ang kawalan ng mga lupa ng mga magsasaka dahil sa proyektong ito, ang pangako ng maraming trabaho raw. Pakinggan sana ang mga reserbasyon, ang mga tanong, ang epekto sa environment galing sa mga people’s organizations, human rights groups, grupong kalikasan.

At nagulat rin ako na sa susunod na taon raw, ay makikita natin ang launch ng rocket sa space (nagpalakpakan dito)  gawa ng pagtatayo sa first space port sa Cagayan. Hindi ko alam kung ako ay magagalit, matutuwa o hahalakhak.

Hindi rin niya nabanggit ang posibilidad ng peace talk o usapang pangkapayaan sa pagitian ng Gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines.  Sayang.

Sa bungad ng kaniyang SONA, tinukoy ni MArcos Jr. ang katiwalian at ang korapsyon pero hindi niya sinabi ang kaniyang papel sa buong budget process.  Kaya nga lahat ng sangkot, dapat managot, mula sa tuktok!

“Ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng pagwawakas sa sistemang naghihintulot sa korapsyon, political dynasties at kultura ng impunity. Ang burukrata kapitalismo, ang paggamit sa kapangyarihan ng estado para sa pansariling yaman at kapakinabangan, ay isa sa mga ugat ng paulit-ulit na pandarambong at pang-aapi sa mga mamamayang Pilipino. Hangga’t nananatili ang sistemang ito, patuloy na uusbong ang mga opisyal tulad ni Marcos Jr. at Sarah Duterte na inuuna ang sariling interes kaysa kapakanan ng bayan,” anya Lean Jimenez, ang spokesperson ng Bayan Europe.

Nabanggit ni Marcos Jr. ang mga OFW at umasa ako, kahit na kaunti lang, na babanggitin niya si Mary Jane Veloso at ang executive clemency para lumaya na si Mary Jane. Haay, Walang banggit si Marcos Jr. More than the promise of launching a rocket into space, giving Mary Jane her freedom would have been far more important and given Marcos, Jr. some pogi points.

There are two more SONAs, two more years left of Marcos Jr.’s term as the occupant of Malacanang. There will be two more People’s SONAs. But anything can happen – like more rains and floods, typhoons, Pax Silica, destructive mining projects, war exercises, EJKs, etc, that feed into people’s frustration and anger. And all of us can see where that would lead. 

______________

CAPTION:   SONA Ng Bayan 2026 (Photo credit: FB Renato Jr. Reyes)

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,