Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: June 16-30


By Mon Datol Ang “masamang damo, matagal mamatay” ni VP Sara ay para sa Ama;  Baguhin na ang ‘Juvenile Justice and Welfare Act’; Emman, anak ni Pacquiao, olat; PBBM napauwi 24 Pinoys na nakulong sa Russia; Ligwak na ‘Banal na Aso…’                             …

By Mon Datol

Ang “masamang damo, matagal mamatay” ni VP Sara ay para sa Ama;  Baguhin na ang ‘Juvenile Justice and Welfare Act’; Emman, anak ni Pacquiao, olat; PBBM napauwi 24 Pinoys na nakulong sa Russia; Ligwak na ‘Banal na Aso…’

                               ———————————-

Pinagtawanan ng netizens, kasama na mga DDS, ang komento ni VP Sara Duterte kahapon tungkol sa ‘ang masamang damo, matagal mamatay’ ay patungkol sa Tatay Digong niya na umabot daw ng 80 at buhay pa hanggang ngayon! Natigilan lang ang Bise ng mapagtanto na…

      Sablay ang komento at isinama na naman si BBM sa wento.

                                                ********

Nuon pa namang hindi ginawang Defense Secretary ni PBBM si VP Sara matapos silang manalo sa 2022 presidential election ay sumobra na galit ng anak ni Digong sa Pangulo dahil hindi raw tumupad si BongBong sa kanilang usapan na hati sila sa korona at pamamahala sa bansa. Kaya pala 2 taon palang nakaupo sa Palasyo si PBBM ay… 

       ‘Resign Marcos’ na agad sigaw ni Sara at DDS. Nakngdragon!!!

                                                ********

Hanggang ngayon ay patuloy ang ‘Resign Mascos’ movement ng mga Duterte at patuloy ang paninira at pagpapalabas ng mga ‘fake news’ ng mga bayarang trolls na agad pinaniniwalaan ng mga …

      DDS handang mag-rally kahit saan, basta OK tsibog at bayaran.

                                                 ********

At hindi titigil sina VP Sara at mga kapatid na sina Cong Pulong, Yorme Baste at KittyD sa paninira ke PBBM at administrasyong Marcos hanggat di ito umaalis sa Malacanang at para …

     Iganti Tatay Digong nila na ipinakulong ni PBBM sa The Hague.

                                                 ********

Sa July 6 na umpisa ng impeachment trial si VP Sara at handa na umano ang Senado para dinggin ng 22 Senador – 24 dapat, pero, nagtatago si Sen. Bato at nakakulong na si Sen. Jinggoy – ang umabot na ng mahigit 100 ang ebidensiyang tinanggap ng Senado kontra Inday Sara. 

     Handang-handa na rin ba ang Prosecution Team ng Kamara?

                                                 ********

Gustong ibaba ni Sen. Robin Padilla sa 10 taon mula sa 15 taon ang Juvenile Delinquent Law ng Pinas para managot as adult sa mga ginawang heinious crimes ang mga kabataang 10 taon pababa dahil ani Binoe ay…

      Hindi na isip-bata ang pagpatay ng kapwa.

                                                 ********

Ang suhestiyon ni PBBM ay 12-taon pababa, tulad ng panukala ng PNP at ng maraming Senador at Kongresmeyn, ang dapat gawing pagbabago sa Juvenile Delinquent Law at dapat gawin ito agad ng Kongreso na…

      Dapat nuon pang Estrada admin naganap, pero, nahinto. 

                                                 ********

Exempted umano sa criminal liability ang 14-anyos na namaril sa San Jose National High School sa Tacloban, Leyte sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, ngunit isasailalim ito sa intervention program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Sa madaling salita ay…

     ‘House arrest’ ang bata, eh, di naman pulitikong kurakot to?

                                                  ********

Ang 15-anyos naman ay sasailalim sa assessment upang matukoy kung kumilos ito nang may discernment o’ kaalaman kung tama o’ mali ang gagawing aksyon, at, kapag napatunayan ito, maaari itong sampahan ng kaukulang kaso alinsunod sa umiiral na batas para sa children in conflict with the law, at…

      Kalaboso agad ito ‘matapos mag-piyano’ sa presinto, alang bail.

                                                   ********

Ang dami-dami talagang ‘batang-kalye’ ngayon sa Pinas at halos araw-araw ay may mapapanuod ka sa newsfeed sa TV at internet ng mga rambulan ng mga menor-de-edad sa ibat-ibang kalye sa Manila at iba pang bayan at lunsod sa Pinas, at kapag me nahuli ang Pulis at dinala sa Presinto ay pinapauwi agad-agad dahil…

      Me dalang birth certificates na under-14 mga lukes na bata!

                                                    ********

Kaya dapat ng gawing priority bill ni PBBM ang Juvenile Justice and Welfare Act para maaksiyunan agad ng Kamara at ma-apurbahan ng Senado at PBBM at ng…

     Di na maulit pamamaril ng mga menor-de-edad sa eskwelahan.

                                                    ********

Hindi tsamba ang pagpapabagsak ni boxer Rodelyn Perez kay Eman Bacosa Pacquiao nuong maglaban ang dalawa nitong nagdaang Linggo, June 21, sa DRP Sports Complex, Muntinlupa City, para sa Philippine Boxing Federation lightweight title. Pinanuod ko laban.

       Olat talaga anak ni Pacman. Di kasi nanuod bespren ni Eman.

                                                    ********

Ang sama ng laro ni Eman, pulos asta at porma lang ginawa at di ko nakita yong ‘lateral movement’ na naituro na nuon sa kaniya ng  Dad Manny niya at nagamit na ng batang Pacquiao sa ilang laban niyang nanalo siya, pero, nuong Linggo…

      Walang asim ang  galaw at boxing skills ni Eman. Sayang.

                                                     ********

 Itinanghal na kampeon si Rodelyn via majority decision ng mga hurado na tatlong beses pinabagsak si Eman – isa sa second round at dalawa sa third round – pero, kung gumalaw lang ng todo at nagpakawala ng mas maraming kumbinasyon si Eman, ay…

      Baka kampeon na Anak ni Kumander, err, Pacquiao pala, hehe.

                                                    ********

Nasa 24 na mga Pinoy na nakulong sa Irkutsk, Siberia ng walang kaso sa nakalipas na siyam na buwan ang pinalaya ni Russian President Vladimir Putin matapos umapela at bumisita sa Russia si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kamakailan. 

     Nasa Pinas na 24 Pinoy Linggo pa ‘From Russia with Love.’

                                                   ********

Tulad ng ibinalandra ko sa aking YT broadcast nuon na susundan si Sen. Chiz Escudero at lilipat bakod si Sen. Joel Villanueva para maka-13 boto ang grupo nina Tito Sen at SenPing at maging ligal ng Senate President si Win Gatchalian at masibak ng lider ng Senado na si AP Cayetano na…

      23 Araw na umaktong “Banal na Aso, Santong Kabayo!”

                                                   ********

Kayang ma-convict si VP Sara matapos ang 6 na buwang trial ng impeachment case ng anak ni DU30 kahit na 13 pa lamang ang members ng grupo ni Senate President Win Gatchalian dahil 16 na Senador nga ang kailangan bumoto na guilty ang Bise Presidente, at nakikita kong…

     May 3 Senador pa ililigwak ang VP  matapos makita ang lahat ng ebidensiya kontra Inday Sara. Pramis. 

                                                   ********

SHORT ORDER: Happiest birthday to sister Rose Fortaleza of Surrey, BC. (June 2026) greetings from the whole Fortaleza Clan of Leveriza, Ermita, Manila !!!  ..Happiest birthday to Justin Pablo Briones (June 21) of Regina, Saskatchewan, Canada & Jaen, NE, RP…Happy birthday to Kabayang Consorcia Dayno (June 22) of Jaen, NE, RP…Happy birthday to Pare Jazz A of ASIN Band (June 20) greetings from ASIN Band Members….Happy birthday to Pre Jimmy Liwag of FSDC (June 20) MBtC Pards… Happy birthday to sportsjourno colleague & former Valderrama, Antique Mayor Ray T. “Rayroq’ Roquero (June 24) MBtC Cong. Rayroq!!!…Happy birthday to former PBA star Choy Estrada (June 25) MBtC Pards Choy!!!… Happiest birthday greetings to 1992 Barcelona Bronze Medalist & National Boxing Coach Roel Velasco (June 26). MBtC Parekoy!!!…Happy birthday (June 25) to Kabayan Litto Lagasca, Pageant Producer of Toronto & Jaen, NE…God Bless.

                                                   – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,