By Mon Datol
Sa 257 ‘Yes’ votes, VP Sara inimpeach ng Kamara; Allan Cayetano na-coup Tito Sen; ‘Bato’ atapang atao, tinakbuhan NBI na may ICC warrant; humihingi TRO SC, ‘di huhulihin ng NBI
———————————-
Sa botong 257 pabor, 25 tutol at 9 abstain ay tuluyan nang na-impeached ng Kamara si Vice President Sara Duterte, kahapon, Mayo 11, sa makasaysayang yugto ng Philippine political history na kung saan…
Tinatanggal sa pwesto Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
********
Sa plenary session, iprinisinta ni Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro ng Batangas ang mga artikulo ng impeachment laban kay VP Sara at sinabi pang hindi lamang ito usapin ng bilang ng boto kundi kung naitaguyod ba ang Konstitusyon, nasunod ang wastong proseso, may sapat na ebidensya, at nanaig ang buong katotohanan, kaya’t…
Kailangang dinggin ng Senado kaso ni VP Sara Duterte. Pronto.
********
Nabahiran ng sari-saring emosyon ang nangyaring pagpapalit ng liderato sa Senado nuong Lunes matapos patalsikin sa puwesto ng 13 Senador bilang Senate President si Tito Sotto III at ipinalit si Sen. Alan Peter Cayetano.
Nakngdragon, Tol Reyfort, 2 pala Hudas sa Senado ng Pinas?!?
********
Sa pagsisimula ng sesyon, nagmosyon agad-agad si Sen. Imee Marcos, ang ‘Hudas#1,’ (Hudas sa Kapatid at Pamilya Marcos) na ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa kapulungan at ng matapos ang botohan, 13 senador nga ang bumoto pabor sa mosyon kabilang na ‘Hudas#2′ Loren Legarda, at 10 ang tumutol. At opkors, pang 13 bumoto ke Cayetano ang parang palitaw na si…
Sen. Bato na biglang lumitaw, humahangos, habol ng NBI.
********
Pinasumpa agad-agad ni SP Alan Cayetano si Loren Legarda, ang ‘Hudas#2‘ bilang Senate President Pro Tempore (kanang kamay ng SP) dahil sa ‘pag-hudas kina Tito Sen at Sen Ping’ at hayagang…
Pagbira ng Leviste clan kina PBBM at Gov Vi at ES Recto.
********
Walang ‘delay’ na mangyayari sa ‘impeachment trial’ ke VP Sara Duterte at susundin DAW nila ang ‘atas’ ng SC sa ‘fortwith’ o’ agarang pagdinig sa kaso ng Bise na naaayon sa Konstitusyon kapag natanggap na raw ng Senado ang transmittal ng impeachment endorsment mula sa Kamara. Yan ang…
Pangako ni 10K SP Alan P. Cayetano sa impeachment ng VP.
********
Ini-lockdown ang Senado nuong Lunes ng gabi sa harap ng planong arestuhin si Sen. Bato dela Rosa dahil lumabas na, finally, ang ‘warrant of arrest’ mula sa ICC na dinala ang kopya ni dating Senador Antonio Trillanes IV, AT ipinakita ng Senado KUNG paano magbigay ng ‘entitlement’ sa mga me kasong Honorable Senators…
Tulad ni Bato na inilagay agad sa ‘Custody’ para di maaresto.
********
Pwede umanong hulihin si Sen. Bato kahit na nasa loob ito ng Senado at merong sesyon dahil lampas 6 na taon ang parusa sa ‘crimes against humanity’ na siyang ikinaso ng ICC kay Bato dela Rosa, at hindi batas ang ‘Senate Resolution 44’ na nagbibigay ng Senate Protective Custody ke DL Rosa kaya’t…
Hindi pwedeng kanlungin ng Senado si Bato.
********
Kaya’t agaran daw humingi sa Supreme Court ng TRO mga abogado ni Bato nuong Lunes din dahil alam ng mga ito na ‘temporary’ lang ang pagka-tigil sa pag-aresto ng NBI sa Senador ng Mindanao at ‘eventually’ ay…
Mapoposasan si Bato dahil legal at lehitimo warrant nito.
********
Si Sen. Bong Go umano ang susunod ke Bato na ‘huhulihin’ ng ICC dahil sa pagiging ‘moneyman’ na taga-bigay ng money rewards sa mga ‘nakakapatay’ umano ng ‘drug pushers at users’ sa ‘operation Tokhang’ ni DU30, ayon kay SenTri IV sa isang TV interview kahapon. Kaya nga kitang-kita sa TV sa loob ng Senado…
Ang lungkot at takot sa mukha ni Bong Go katabi ni Bato.
********
Galit-na-galit si Bato ng makapasok na sya sa Senado at sigaw ng sigaw at nakipag-wrestling DAW siya sa NBI Agents para makawala at maka-takbo paakyat sa itaas. Natawa ako sa ‘pagsusumbong’ na ginawa ni Bato sa TV camera ng Senado, eh, nasa likuran lang niya RTIA host kaya’t…
Dapat ke Lodi Raffy Tulfo sya nagsumbong! hehehe…
********
Naghain ng Senate Resolution No. 395 sina Sen. Tito Sotto III, Sen. Ping Lacson, Sens. Risa Hontiveros, Bam Aquino IV, at Kiko Pangilinan na humihiling kay Sen. Bato dela Rosa na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad matapos itong isyuhan ng warrant of arrest ng ICC, dahil iginagalang ng Senado ang “judicial and prosecutorial processes” na kinasasangkutan ng kanilang mga miyembro at dating opisyal, tulad nina dating Senador…
Juan Ponce Enrile, Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.
********
Isang mangiyak-ngiyak na Sen. Bato dela Rosa umapela ke PBBM Martes na huwag siyang ipadala sa ICC sa The Hague hindi lang para sa kaniya kung ‘di para na rin sa lahat ng mga Pilipino na malagay sa ganitong sitwasyon. Ok na sana apela, nakaka-antig ng damdamin ang mga salita ni Bato, na Bayani ang tingin ni Binoe sa kapwa niya DDS, pero…
Nanakot pa na haharap din sa ganuong situasyon si PBBM???
********
Isang komentong nabasa ko ang nagpatawa sakin ng marami-rami, heto yon: “6 na taong di pumasok sa trabaho, ngayon, ayaw namang umalis ni Bato sa Senado.” Actually, mga bro, kung susuriing mabuti ang senariong ginawa ng magkapatid na Cayetano, Imee, Jinggoy, Joel, at Legarda, tulad ng iniisip ko, ay…
Na-budol nila si Bato para lumitaw at iboto si Cayetano.
********
SHORT ORDER: Happy Birthday, Dr.Christina Gamo of Mississauga, ON (May 10)…. Happy birthday today, May 12, Pareng Boy Guevarra of Brgy. Sapang, Jaen, NE. MBtC brad Yob Pogi…Happy Birthday today May 12, Tukayong Yorme Mon Ilagan!…Happy birthday (May 12) Ateng Virginia ‘Virgie’ Datol of Nueva Ecija, from the whole Family….Happiest birthday greetings to Pakner Ron delos Reyes (May 14) of Motoring Today Channel TV4, from ur wonderful wifey Webb delos Reyes & children of QC, friends & collegues from print and broadcast media-RP. God Bless.
– 30 –











Leave a comment