By Mon Datol
Zaldy Co di naaresto wala na sa Czech Republic; ICC kinumpirma lahat ng kaso vs Duterte, ilalarga na trial; SC kay PBBM: Sagutin petisyon sa kalusugan, drug test; VP Sara Duterte, mister buking sa P6.7B bank account; Chiz Escudero, ‘BAGMAN’ aawatin sa pag-abroad; ‘Kill plot’ ni VP Sara kay PBBM planado
————————————————-
Pinaniniwalaang nakatakbo na palayo sa Czech Republic ang puganteng si Zaldy Co matapos ibalita ni PBBM nuong nakaraang 2 Linggo na ‘naaresto na’ ang dating Bikolano-Kongresman sa border ng Germany. Di naman pala naaresto si Co ah. Hinarang lang sa border dahil umano sa expired na Philippine passport at walang ibang travel dokumentong dala-dala.
Nakngdragon! Sinong nambudol ke PBBM na inaresto si Co?
********
At bakit nga pala ang DOJ Secretary Frederick Vida nagpunta sa Czech Republic gayung trabaho ng Department of Foreign Affairs ang makipag-ugnayan sa lahat ng bansa na mayruong isyu sa estado ng mga citizens ng mga bansa, tulad ng kaso ni Zaldy Co, na pugante sa Pinas?
Sino ‘nag-utos’ ke Sec. Vida na ‘sunduin’ ang anino ni Co?
********
Paniguradong ‘tatamaan’ ke ES Ralph Recto ang ‘nambudol’ ke PBBM na naaresto nga si Zaldy Co sa Czech Republic dahil matinding pamba-bash na naman gagawin ng mga DDS sa Pangulo na…
Pulos sablay ni PBBM inaabangan hindi ang nagagampanan.
********
E, nasaan na nga kaya ngayon si Zaldy Co kung walang balidong travel document dala-dala itong puganteng naging bilyonario umano dahil sa kinorap na pera ng bayan?
Itanong ke ‘La Loca Vida’ na baka laam na kung asan si Co.
********
Kinumpirma na ng Pre-Trial Chamber (PTC) I ng International Criminal Court (ICC) nitong Huwebes, Abril 23 ang lahat ng mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaya uusad na ang pormal na paglilitis.
Mahina ang 6-year trial ke DU30; paglilitis pa lang yon huh!
********
Sa gagawin trial, haharap si DU30 sa paglilitis para sa mga sumusunod na krimen: Pagpatay sa Davao City noong kanyang termino bilang alkalde mula 2013 hanggang Hunyo 2016; Pagpatay laban sa mga ‘high-value target’ sa mga lokasyon sabuong Pilipinas noong pangulo siya mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 17, at, pagpatay at tangkang pagpatay sa mga operasyon ng paglilinis ng barangay sa buong Pilipinas noong pangulo siya mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018.
Wala ng kawala Tatay Digong ni VP Sara. Subaybayan natin.
********
Sa panayam nitong Biyernes, sinabi ni ICC Assistant to Counsel Kristina Conti na maaaring magsimula ang paglilitis ng ICC kay Duterte sa pagitan ng Oktubre 2026 at Pebrero 2027, o’ baka…
Abutin ng 8 buwan hanggang isang taon bago umpisahan trial.
********
Naniniwala si NBI Director Melvin Matibag na planado ang ‘assassination plot‘ ni VP Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at hindi ito basta ‘metaphor‘ lamang dahil kumontak ito ng assassin. Tasaka, di ba…
‘No Joke, No Joke’ pa dugtong ni Inday Sara?!?!
********
Sinabi pa ni Matibag na patuloy silang naka-high alert dahil sa banta sa buhay ni PBBM at patuloy na pinaghahanap ang umano’y kinontak na assassin ni VP Sara, at talagang …
Planado banta ke PBBM hindi ‘hyperbole’ o ‘metaphor’.
********
Pinagkukomento ng SC sa loob ng 10 araw sina PBBM at acting Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng petisyong humihiling na isailalim ang Pangulo sa pisikal at mental na pagsusuri, kabilang ang hair follicle drug test. Kung atas ng Korte Suprema
No problemo ani Palasyo, isusumite komento ng Pangulo.
********
Isiniwalat ng Anti-Money Laundering Council nitong Miyerkoles sa House Committee on Justice na ang mga bank accounts ni VP Sara at mister na si Atty. Manases Carpio, ay paulit-ulit na minanmanan dahil sa “suspicious and covered transactions” mula 2006 hanggang 2025 sa kabuuang halagang P6.77 bilyon.
Saan galing P6.77 bilyon ng mag-asawang Duterte-Carpio?
******** Kinumpirma ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na natukoy ng AMLC ang 313 covered transactions at 17 suspicious transactions sa account ni VP Sara, habang 317 covered transactions at 16 suspicious transactions naman kay Carpio, na may kabuuang P6.77 bilyon ang flagged transactions, na ang P3.77 bilyon ay sa account ni Duterte at P2.99 bilyon naman sa kanyang mister.
Huwaw! Daming pera ng mga Anak ni Digong ah! Sana All.
********
Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan nitong Sabado na mag-isyu ng precautionary hold departure order laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero at sa negosyanteng si Maynard Ngu. Bakit? Iniimbistigahan kasi sina Escudero at Ngu sa umano’y plunder, graft at indirect bribery kaugnay ng flood control scandal.
Baka magtago at di na bumalik ala-Zaldy Co sina Chiz at Ngu.
********
Aminado si Sen. Robin Padilla na pinayuhan niyang magtago ang kaibigan at kaalyado sa politika na si Sen. Bato dela Rosa dahil sa pangamba na magkagulo kapag inaresto ito sakaling maglabas ng warrant ang ICC.
Nakngdragon! ‘Birds of the same feathers, are, the same birds – Erap!’
********
SHORT ORDER: .Happy birthday (April 14) to Cassandra Portugal of Manila & Dr. Kiko Portugal (RIP) Fam of Toronto..Happy birthday (April 17) to former actress Nancy delos Satos of San Leonardo, NE & Toronto… Happiest birthday (April 26) to my gorgeous, kind & ever beautiful niece Christine D. Branam of Tampa Bay, Florida. greetings from your Mom, Kuya Michael & from us Datol family in Toronto…Happy beerday Abay Mel de Belen (April 26) of Jaen, NE, Phil. greetings from our tropapeeps…Happiest birthday wishes to our eldest of 2 wonderful doters Mabel D. Bello (April 28), greetings from ur huwapo hubby Edgar, children Nicole & Kyle, sister Yeng & hubby Lenny Tierra & their 2 doters Iyam & Yumi and esp. from your very kind, beautiful & young-looking Mama Franz…Happy birthday to our SAA HS classmate Florencia Ferrer-Sison (April 28) of Jaen, NE, from all our 71 SAA batchmate… Happy birthday to my elementary classmate Dra. Ruby Daquiz-Pazon (April 28) of Jaen, Nueva Ecija. greetings from elem batchmates Eng. Pet Cruz, Rey Mendoza, Germie Catle-Garcia of Jaen, NE..God Bless.











Leave a comment