Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: March 16-31


By Mon Datol PBBM nagdeklara ng state of national energy emergency; VP Sara absent sa House impeachment hearing, tatakbo ulit SC; Claire Castro P500-M danyos sa libel case vs ni Leviste; Aksiyunan ng Senado pag-absent ni Bato;                                    …

By Mon Datol

PBBM nagdeklara ng state of national energy emergency; VP Sara absent sa House impeachment hearing, tatakbo ulit SC; Claire Castro P500-M danyos sa libel case vs ni Leviste; Aksiyunan ng Senado pag-absent ni Bato;

                                            ————————-

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon, March 25, sa paglagda ng Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency, at iniutos ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa mga apektadong sektor; at para…

        Maprotektahan ang mga Pinoy sa  pandaigdigang suplay ng langis.

                                           ********

Ang UPLIFT Committee na mangangasiwa sa pagpapatupad nito ay binubuo ng mga sumusunod: President of the Philippines; Executive Secretary; Heads of DOE; DOTr; DSWD; DA; DOF; DEPDev; DBM at lahat ng gabinete ay inaatasan ng EO 110 na…

      Suportahan ang mga konsyumer at apektadong sektor.

                                          ********

Epektibo ang state of national energy emergency sa loob ng isang taon na puwedeng palawigin o bawiin ng pangulo. Heto ginagawa ni PBBM para matugunan problema ng bansa sa worldwide oil problem kabayan, kaya’t…

      Dapat tigil muna DDS at kritiko sa pag-atake sa gobiyerno.

                                         ********

Ani nga Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus, hindi solusyon ang puro paninisi. “Umuusad ang isang bansa hindi dahil sa pinakamalakas na sigaw, kundi dahil sa pinakamalinaw na pag-unawa. Ang disiplina, pagkakaisa at malinaw na pag-iisip ang matibay na susi sa pagtugon sa mga krisis.”

       Korek ka dyan Sir Gotia. 

                                          ********

Absent sa pagu-umpisa ng House impeachment hearing kahapon, March 25, si VP Sara Duterte ani House Justice Committee Chair Gerville Luistro matapos matanggap ang liham mula sa abogado ni Inday Sara na, ulit, ay …

      Tatakbo sa Supreme Court para magpatulong ihinto hearing.

                                            ********

Itutuloy ng Kongreso ang hearing proper ng 2 impeachment complaints kontra VP Sara hanggat walang ‘natatangap’ na TRO mula sa SC dahil Constitutional duty nila yon, ani Cong Luistro hanggang matapos ang pandinig at…

      Maisampa na sa Senado impeahment ni VP Sara para sa Trial.

                                             ********

Patuloy na padadalhan ng Justice Committee ni Cong Luistro si VP Sara Duterte ng imbitasyon para um-attend ng impeachment procedures na ginagawa nila sa Kongreso hanggat matapos nga pagdinig ng reklamo kontra sa Doter ni DDU30 at…

       Marinig ng bayan sagot ni Sara sa paglustay sa pera ni Juan.

                                              ********

P500-Milyon danyos hinihingi ni Atty. Claire Castro kay Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste sa kasong libel bilang sagot sa naunang Ph111-Milyong civil Libel case kontra sa PCO Usec ni PBBM. Sa daming perang hinihingi ng kontra-partidos, sa tingin ko  ay…

      Walang mangyayari sa Leviste vs. Castro kasong libelo.  

                                              ********

Limang  buwan nang hindi pumapasok sa Senado si Sen. Bato dela Rosa pero patuloy sumasahod ng P380,000 bawat buwan kahit na may siyam na reklamo nang nakahain sa Senate Committee on Ethics and Privileges nuon pang Pebrero 25, 2026 at ang huling reklamo nga ay inihain noong Marso 18, 2026.

      Nakngdragon! Tito Sen, aksiyunan naman nyo kaso ni Bato!

                                              ********

Pero ani Senate Ethics Committee Chair Sen. JV Ejercito, walang probisyon sa ‘no work, no pay‘ sa ilalim ng kasalukuyang rules of the Senate o maging sa kanyang komite, at para umusad daw ang kaso, kailangan itong imungkahi ng isang senador upang maisama ang polisiya sa kanilang mga panuntunan at…

      Saka pa lamang ihahain ang reklamo sa first in, first out na sistema.                               

                                              ********

Taumbayan ang talo sa pag-absent ni Bato. Dapat siyang pumasok sa Senado at gampanan ang trabaho. Inihalal siya ng taumbayan at nararapat tuparin ang tungkulin. Kaya nga kahit maraming DDS na nakausap ko ay nagtatanong ng…

      Paano naaatim ni Bato na sumusweldo kahit di natatrabaho? 

                                             ********

Alex Eala ‘di pa rin makawala sa ‘sumpa’ ng mga Czech matapos yumuko kahapon ang ating 20-year-old na pambato kay Karolina Muchova ng Czech Republic, 0-6, 2-6, sa ginagawang Miami Open 4th round sa Hard Rock Stadium Grandstand Court sa Florida. Wala pa ring panalo si Alex sa 3 Czech players na nakalaban niya. 

      Babagsak sa WTA #45 si Alex mula sa highest nyang #29. 

                                               ********

SHORT ORDER: Happiest 18th birthday greetings to our only grandson Kyle Edmon Datol Bello (March 28), youngest of 2 children (Nicole eldest) of our eldest of 2 Daugthers Mabelle & hubby Edgar. Greetings from your grandMama Frances, Tito Lenny & Tita Yeng D. Tierra & your coz Ate Iyam & Yumi, and from Bello &Tierra Fam… Happy birthday (March 24) to our cousin Simeona Valencia of Jaen, NE from the Fam…Happy birthday (March 24) to Lon Gonzales Macabasag of Cabanatuan City, NE,… Happy birthday to colleague Gianna Maniego (March 24) of Manila, RP…HBeerday bro Vic A. Endriga (March 23) of Manila, RP. Tagay na!…God Bless.

                                                       – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,