Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

Everything is normal daw?


By E. Maestro Huh? Teka, teka, everything is normal daw? Binasa ko muli. “Everything is normal.” That was BBM/Marcos Jr. ‘s  response on the impact of the continuing tension brought about by the Feb 28th US-Israeli bombings of Iran. Iran quickly followed with retaliatory bombings of Israel and also other countries in the region that had US…

By E. Maestro

Huh? Teka, teka, everything is normal daw? Binasa ko muli.

“Everything is normal.” That was BBM/Marcos Jr. ‘s  response on the impact of the continuing tension brought about by the Feb 28th US-Israeli bombings of Iran. Iran quickly followed with retaliatory bombings of Israel and also other countries in the region that had US troops  and bases.

Ayon sa GMA News Online, Marso 18, 2026, sinabi ni BBM na OK lang ang bayan natin. Anya: ”Dito lang sa Pilipinas, normal lang muna ang ating mga presyohan at tinitiyak nga natin Ang supply natin, maganda naman ang supply natin ng pagkain, ng bigas, lahat ng mga basic goods.”

Teka, teka. “Normal” para kanino? Sababay, BBM is right in that it is indeed “normal” for his family and his friends, his cronies, for the richest families in the country and the big corporations who profit from this kind of crisis. Kaya hindi sila nag-aalala, tumutubo pa nga sila sa ganitong mga krisis.

Ang kaso, hindi naman sila ang namamasada sa kalye. Hindi sila ang nagbabanat ng buto sa kakarampot pa rin na sahod. Hindi naman sila ang sumasala sa pagkain. Hindi sila ang humaharap  sa tumataas na singil ng kuryente, tubig, presyo ng Gasul, at ng pagkain. Hindi sila ang namamasahe araw-araw para pumasok sa paaralan at trabaho, at siguradong hindi sila ang namamalengke at nahihimatay sa taas ng presyo ng bigas, karne at gulay. Hindi rin sila ang lumulusong at tiyak na  lulusong muli sa baha kapag humagupit na naman ang matinding ulan at bagyo.

It does not take rocket science to know that Filipinos are directly impacted by the geo-political mess created by the US and Israel in the Middle East. The value of the Philippine peso is at the lowest level in history; it has weakened to PhP 60 per US dollar. The Philippines is an import-dependent economy which means it imports its oil and other basic goods like rice (criminal but true!), so a weaker  peso drives up inflation. The prices of transportation go up and the prices of basic commodities go up as well, no thanks to the government’s deregulation policy. Also, the privatization of basic public services means profits before people, especially in crises like these. Electricity costs go up, which mean corresponding increases in costs of agriculture and industry. Taas ang food production costs, pati ang ibang mga produkto na umaasa sa langis at natural gas. Kahit na nga dito sa Canada, kung ikaw ay may sasakyan, alam mo tumaas na ang gasolina.

Ano pa ang maaring mangyari? Mahina na nga ang ekonomiya ng Pilipinas, lalo pang manghihina ito. Malamang may mag-sara na mga negosyo at tanggapan. Malamang magtanggalan ng mga trabahador at empleyado. Magiging malupit ang unemployment. Dagdag pa diyan ang mga kababayan natin mula sa Middle East (na tinatayang dalawang milyon sa rehiyon) na uuwi dahil sa gera, ngunit pahirapan sa pagkakaroon ng trabaho. At dahil mababawasan di hamak ang mga remitans kung delikado na ang trabaho sa Middle East, tiyak na mangungutang na naman ang gobyerno at lubog-lubog na naman tayo sa utang.

Kasi nga naman, milyon-milyon (o bilyon-bilyon) ang nakurakot ng mga burukrata kapitalista, mula taas hanggang baba,  sa kaban ng bayan. Kasi naman, sila din ang mga nasa likod ng mga pribadong korporasyon ng basic utilities  — halimbawa, ang tubig, kuryente, langis, ang transportasyon. Sila din ang makunat sa pagbibigay ng nakabubuhay na pasahod o living wage sa mga manggagawa. Sila din ang pilit isasaksak sa taumbayan ang Value Added Tax at ang Excise Tax. “Normal” ang kalakarang ito sa mga nasa poder, tawagin na natin silang naghaharing-uri para eksakto ang tawag natin sa kanila.

Sa mga pahayag at pagkilos ng mamamayan sa Pilipinas at sa labas ng bansa, malinaw na hindi tinatanggap na “normal” ang kalagayan. Huwag nating isipin na matatapos ang panghihimasok at pag-atake ng US sa daigdig.

Kung hindi “normal”, ano ang dapat  gawin? Ang taumbayan na tuwirang nahihirapan at pinagsasamantalahan ay kumikilos.  Sa pagdeklara ng kanilang kahilingan. Sa pag-welga, rali at martsa. Maging mapagbantay tayo, pag-aralan ang mabilis na kaganapan sa daigdig, sa Pilipinas at kung nasaan man tayo sa labas ng ating bansa. Dahil kung hindi tayo kikilos, sino pa? Kung hindi ngayon, kailan pa?

Sa abot ng ating makakaya, sumama tayo sa panawagan ng ating mga kababayan at kapwa migrante sa ibayong dagat:Wakasan ang gera ng US sa Iran at ipagtanggol ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Kaltasin ang napakalaking buwis tulad ng VAT at excise tax. ibasura ang Oil Deregulation Law. Igiit ang wealth tax sa mga bilyonaryo sa halip na pabigatin ang buwis sa taumbayan.

Iligtas ang mga OFW na apektado ng gera at tiyakin ang kanilang kabuhayan.

Kagyat na ginhawa o immediate relief sa mamamayan kaugnay ng lumalalang krisis. Igiit ang nakakabuhay na sahod.

March from Recto to Mendiola of Migrante International, March 17. Photo credit: Kodao Productions.
March in protest of the oil price hike, the US-Israel war in the Middle east (top) and in support of the transport strike. Photo credit: BAYAN

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , ,