By Mon Datol
ICC hearing vs DDU30 inumpisahan na; Bato at Bong Go binanggit na co-perpetrators ni Digong; Higit 50 natabunan sa gumuhong Rizal landfill; Villar, Binay, Poe, Angara itinangi kickbacks sa DPWH fund; ; VP Sara may ni-recruit nang running mate para sa 2028 elections; Darryl Yap: Iganti mo kami! Tapusin mo sila Inday Sara Duterte!
————————-
Inisa-isa ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang tatlong crimes against humanity charges laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagsisimula ng confirmation of charges hearing nitong Lunes, Pebrero 23.
Day 1 pa lang pre-trial grabe na drama, talo MMK ni Charo.
********
Ayon kay ICC Prosecutor Mame Mandiaye Niang , ang mga kasong isinampa ay ang murder as a crime against humanity sa Davao City noong panahon ng pagiging alkalde ni Duterte, na may kabuuan umanong 19 na biktima sa pagitan ng 2013 at Hunyo 2016.
Dito sa unang kaso ng murder binangit mga kasabwat ni DU30.
********
At ang 5 co-perpetrators ni DU30 nuong Mayoral Period ay sina; Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Chief of Police Davao PD 2012-2013; Vicente Danao, Chief, DCPO 2013-2016; Christopher ‘Bong’ Go, Aide & Special Asst. Duterte, 1998-2016; Dante Gierran, Davao Regional Director, NBI 2013-2016; Vitaliano Aguirre, lawyer for DU30 and DDS Members.
Sasabit sina Bato at Bong Go kapag natuloy kaso ke DU30.
********
Ikalawa, murder as a crime against humanity ng “high-value targets” sa iba’t ibang lokasyon sa Pilipinas noong panahon ng kanyang pagka-pangulo, na may 14 umanong biktima sa pagitan ng Hulyo 2016 at Hulyo 2017.
Dito sa 2nd murder charge umpisa ng EJK at PNP Chief si Bato.
********
Pangatlo, murder at attempted murder as crime against humanity sa mga barangay clearance operation sa iba’t ibang lugar sa bansa noong panahon ng kanyang pagka-pangulo, na may 45 umanong biktima — 43 murders at dalawang attempted murders — sa pagitan ng Hulyo 2016 at Setyembre 2018.
Libo napatay ng EJK sa 3rd case pero marami di nabalita.
********
Ang hearing ay bahagi ng proseso ng ICC upang kumpirmahin kung may sapat na ebidensiya upang ituloy ang paglilitis laban ke DDU30 at matatapos pre-trial sa Biyernes, Pebrero 27, at…
60 days pagu-usapan ng ICC kung kakasuhan si Digong.
********
Hiniling naman ni Nicholas Kaufman, lead defense counsel ni dating Pangulong Digong Duterte, sa ICC Pre-Trial Chamber I na ibalik na sa kanyang pamilya at sa mga Pilipino si “Tatay Digong” at ibasura ang aniya’y “grievously misplaced and politically motivated” na mga kaso laban sa dating pangulo. At ang nangyari ke DU30 ay…
Isinisisi kina PBBM at then-DOJ Sec. Boying Remulla. Ha? Bakit?
********
Iginiit din ni Kaufman na ang bilang ng namamatay sa Pilipinas ay patuloy na tataas, mayroon man o wala ang giyera kontra droga ni Duterte, dahil ang bansa aniya ay nasa unique na posisyon upang magsilbing transit hub para sa pagpupuslit ng droga mula sa mga kartel sa Tsina. Pero di binanggit ni Kaufman na…
Libong addicts at pushers pinatay, walang drug lords kinatay.
********
Pinaniniwalaang mahigit sa 50 katao ang natabunan matapos na gumuho ang isang bahagi ng ga-bundok na basura mula sa Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Biyernes ng tanghali, Pebrero 20.
Nakngdragon Tol Reyfort, 2 garbage landfill na gumuho, ah!
********
Tatlong kababaihan umano ang nasawi sa insidente, at kabilang sa mga apektado sa insidente ang mga mangangalakal ng basura na nasa loob ng pribadong operator ng Rizal Provincial Sanitary Landfill na International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS). Balita kasi na idedemolis na ang komunidad na sakop ng sanitary landfill na kung saan…
1,000 pamilyang umaasa sa pamamasura ang kabuhayan.
********
Pinanindigan ni Senator Mark Villar na malinis ang kanyang record simula magsilbing Congressman ng Las Piñas City at maitalagang kalihim ng DPWH hanggang ngayon bilang senador.
Di raw siya korap, papikit-pikit lang mga mata.
********
Umalma rin sina dating Senator at ngayon ay Makati City Mayor Nancy Binay, dating Sen. Grace Poe,at, Education Sec. Sonny Angara sa pagbanggit sa kanila ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa mga tumatanggap ng “kickbacks.” Anila…
Di sila nasangkot sa anumang korapsyon. Eelibs ba tayo?
********
Meron na raw ni-recruit si VP Sara Duterte last year pa na kanyang magiging running mate para sa 2028 elections sa pagtakbong Pangulo ng Pinas, na ayaw namang sabihin ang pangalan. Ala naman akong paki kung sino BP ni Inday Sara, eh…
Di ko naman iboboto si Sara, o, kahit sinong Duterte.
********
Hayagang ibinandera ng kontrobersiyal director na si Darryl Yap ang kanyang pagsuporta sa pagtakbong pangulo ni Sara Duterte sa 2028 at sa pamamagitan ng FB ay sinabi nga ni Direk Darryl ang all-out support niya sa kandidatura ni VP Sara at sinabi pang: “Mahal ka ng bayan! Iganti mo kami! Tapusin mo sila Inday Sara Duterte!”
Anong title ng movie mo, Direk? ‘Takbo, gulong, gapang, Inday!’
********
SHORT ORDER: Happy birthday to Pards veteran Photog Jun Mendoza (Feb. 20) of PhilStar, Manila… Birthday greetings to Jude Turcuato of Manila (Feb. 24)… Happy birthdy to Ms. Myra Fundal (Feb, 24) of Bacolod City, Phil…Happiest birthday to sister Nenita D. Blaza (Feb. 25) of Caloocan City, MM…Happy birthday to Abay Nestor Balagtas (Feb. 26) of Jaen, NE, Phil. Happy birthday to Ms. Maria BC (fEB. 28) of Toronto, ON…God Bless.
– 30 –











Leave a comment