Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

Mga pahayag ng Premier at minister para sa Pink Shirt Day


Posted by ReyFort Media VICTORIA – Naglabas ng pahayag si Premier David Eby para sa Pink Shirt Day: “Ngayong araw, habang nagsusuot ng kulay pink ang mga mamamayan sa British Columbia upang tumindig laban sa bullying, kaisa natin itong isinasagawa sa panahon ng matinding pagdadalamhati. Nakikiramay kami sa mga mag-aaral, guro at pamilya sa Tumbler…

Posted by ReyFort Media

VICTORIA – Naglabas ng pahayag si Premier David Eby para sa Pink Shirt Day: “Ngayong araw, habang nagsusuot ng kulay pink ang mga mamamayan sa British Columbia upang tumindig laban sa bullying, kaisa natin itong isinasagawa sa panahon ng matinding pagdadalamhati. Nakikiramay kami sa mga mag-aaral, guro at pamilya sa Tumbler Ridge habang pasan nila ang matinding pangungulila sa pagmamarka ng araw na ito. Sa mga ganitong pagkakataon, lalong mas nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng mga ligtas, may malasakit at konektadong komunidad sa paaralan.

“Sinimulan ang Pink Shirt Day bilang tugon sa karanasan ng isang mag-aaral na na- bully dahil sa homophobia at transphobia. Mula noon, naging mas malaking pagkilos na ito para ang mga paaralan at ang ating lipunan ay maging lugar kung saan nadarama ng lahat na sila ay ligtas, sinusuportahan at ipinagdiriwang ang kanilang pagkatao.

“Bilang isang magulang ng mga batang pumapasok sa paaralan, malapit sa aking puso ang Pink Shirt Day. Tulad ng napakaraming pamilya, pinag-uusapan namin sa hapag- kainan kung paano magpakita ng kabaitan, paano tumindig para sa kapwa at paano humingi ng tulong kapag hindi maganda ang pakiramdam tungkol sa isang sitwasyon. “Kahit na mayroon nang progreso, ang bullying ay nananatiling isang seryoso at nagbabagong hamon, lalo na sa digital na mundo. Maaaring sundan ng online harassment at exploitation ang mga kabataan saanman sila magpunta, at nakita natin dito sa B.C. ang ilang nakapanlulumong resulta nito.

“Ito ang dahilan kung bakit nakapokus ang ating pamahalaan para mapanatiling ligtas ang mga bata. Nagsasagawa kami ng aksiyon upang matugunan ang mga kapahamakan na nagaganap online, mapahusay ang kaligtasan sa mga paaralan, mapatatag ang mga suporta para sa mental health at matiyak na ang ating sistema ng edukasyon ay ingklusibo at malugod na tinatanggap ang lahat ng mag-aaral.

“Ang Pink Shirt Day ay isang paalala na ang pagpigil sa bullying ay hindi lamang isang araw – ito ay tungkol sa mga desisyong pinagpapasiyahan natin araw-araw. Ang pagpiling makinig. Ang desisyong magsalita. Ang pagpili na magpakita ng kabaitan, lalo na sa panahong pinakakailangan ito.

“Ngayong araw, magsusuot ako at ang aking pamilya ng kulay pink at ipagpapatuloy ang kombersasyong ito sa aming hapag-kainan. Hinihikayat ko ang lahat sa British Columbia na gawin din ito. Kapag sama-sama tayong tumitindig, naipapahayag natin ang isang makapangyarihang mensahe sa mga bata: ikaw ay mahalaga, sinusuportahan at kabilang sa ating lipunan.”

Pahayag ni Lisa Beare, Minister of Education and Child Care:

“Ipinapaalala sa atin ng Pink Shirt Day na sama-sama tayong tumindig laban sa bullying at suportahan ang mga komunidad sa mga paaralan kung saan nararamdaman ng bawat mag-aaral na sila ay ligtas, ginagalang, at kabilang. Ngayong araw, pinipili ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng British Columbia na magpakita ng kabaitan sa kanilang pananalita at mga aksiyon.

“Kasabay ng araw na ito ang panahon ng matinding kalungkutan para sa marami. Nakikiramay kami sa mga mamamayan sa Tumbler Ridge na ginugunita ang araw na ito habang patuloy na pinoproseso ang hindi masukat na pangungulila. Mananatili sila sa aming mga puso at nakikiisa kami sa kanilang pagdadalamhati.

“Bilang mga magulang at tagapangalaga, nais nating lahat na madama ng mga bata na ligtas nilang maipapahayag ang kanilang sarili, maramdaman nilang sila ay kabilang at malaman nilang mahalaga silang bahagi ng ating lipunan. Kapag malugod na tinatanggap ang mga mag-aaral at nagbibigay ng suporta ang ating mga paaralan, mas mahusay silang natututo, nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at bumubuo ng mga positibong ugnayan na buong buhay nilang dadalhin.

“Ipinapaalala rin ng araw na ito na ang pagpigil sa bullying ay isang patuloy na responsibilidad na pinagsasaluhan nating lahat. Sa pamamagitan ng pakikinig sa boses ng mga mag-aaral, pagsuporta sa isa’t isa at pagsasagawa ng aksiyon araw-araw, patuloy tayong makakabuo ng mga komunidad kung saan nadarama ng lahat na sila ay malugod na tinatanggap at pinapahalagahan.” (news.gov.bc.ca)

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , , , ,