By Mon Datol
VP Sara kinasuhan sa Ombudsman ng plunder, graft, malversation, spy fund, laptop tongpats; 2 PBBM impeachment umusad na sa Kamara; Bong Revilla kulong na; 18 patay, 24, nawawala sa lumubog na RORO vessel sa Basilan
————————-
Umakyat na sa 18 ang namatay at 24 na iba pa ang patuloy na hinahanap sa 332 na pasahero at 27 crew members na mga sakay ng roll-on/roll-off (RORO) ferry vessel na M/V Trisha Kerstin 3 matapos itong lumubog sa karagatan ng Basilan Lunes ng madaling araw ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao dakong 11:21 a.m. January 26. Ang M/V Trisha Kerstin 3 ay pag-aari ng Aleson Shipping Lines. Hindi ito overloaded, ayon sa CGDSWM.
Bakit lumubog kung hindi naman daw overloaded?
********
Sinampahan ng reklamong plunder, malversation at graft si Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman na inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV at civil society group na “The Silent Majority”, nitong Miyerkoles, Enero 21. Umpisa na ng bakbakan nina Inday Sara at Omb Boying dahil sa…
Nagsalita na mga ‘piping api’ sa pangunguna ni ‘SenTri.’
********
Base sa reklamong inihain ni Trillanes at civil society group, nilustay umano ni VP Sara ang P2.7 bilyong confidential fund mula noong ito ay vice mayor hanggang mayor ng Davao City at Bise Presidente at kalihim ng DepEd; graft at malversation kaugnay ng P8 bilyong halaga ng overpriced laptops noong ito ang DepEd secretary at plunder at malversation sa P650 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd.
Nakngdragon, Tol Reyfort! Grabeng pera ni Juan ang nilustay ni Inday!
********
Nahaharap din ang Bise Presidente sa graft at malversation kaugnay ng P8 bilyong halaga ng overpriced laptops noong ito ang DepEd secretary; graft at gross incompetence sa Notice of Disallowance na inisyu ng COA tungkol sa P12 bilyong pondo ng DepEd; graft sa P7 bilyong unliquiated cash advances sa DepEd; graft at gross incompetence sa konstruksiyon ng 192 mula sa target na 6,000 classrooms.
Lumabas na mga ‘itinagong pandarambong’ umano ni VP Sara.
********
Nakita rin ng mga complainant ang paglago umano ng ill-gotten wealth at non-declaration ng SALN higit sa P2 bilyong deposit at iba pang asset; bribery at corruption sa pagtanggap umano ng pera sa mga drug lord noong ito ang Davao City mayor; at unfit to hold public office at betrayal of public trust dahil sa dalawang insidente ng public meltdown habang pinagbabantaang papatayin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. At napanuod sa buong mundo, kasama na rito sa Canada, ang banta nng Bise Presidente na…
Utak-sanggano at ‘pulbura’ rin pala si Inday Sara???
********
Dapat na agarang dinggin at aksiyunan ng Ombudsman ang mga kasong isinampa nina SenTrillanes at “Silent Majority Group” dahil
dahan-dahang bumabagsak ang gumaganda ng imahe ng bansa sa unang 2 taon sa pagrenda ni PBBM sa timon ng Pinas na imbes na tulungan ng ating mga kababayan ang ating Presidente ay patuloy na …
Sinisiraan pa ng mga ‘mandarambong at maruming pulitiko’ ang Pangulo.
********
‘Wala kasing nag-aalaga!’ komento ni Senadora Imee Marcos sa kalusugan ni PBBM habang nagbibigay ng pahayag tungkol sa medical observation at kalusugan ni PBBM matapos umanong makaranas ng diverticulitis dahil sa matinding stress at edad ang Pangulo. Ha????? Nag-alala matapos ‘siraan at wasakin’ si PBBM sa buong mundo ng sabihing adik ang Presidente ng Pinas?
Nakngdragon! Umaaktong Tupa si Imee na isang Hyena?!?!
********
Kahit ano ng sabihin ni Imee tungkol ke PBBM at pamilyang Marcos ay wala ng naniniwala sa kaniya, ke-Loyalista o’ DDS dahil ang mga Pinoy ngayon ay di na alam kung anong tunay niyang lahi at apelyido, kung…
Si Imee ba ay isang Marcos, Lacson o’ Duterte? Ano na, Kuya Kim?
********
Isa sa 2 impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, culpable violation of the Constitution, graft and corruption at betrayal of public trust. Komentaryo agad ng House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City Congressman ay…
“It lacks form and substance,” – Rep. Edgar Erice
********
Ang unang impeachment complaint ay inihain Lunes ng isang Atty. Andre De Jesus sa tanggapan ni House Sec-Gen Cheloy Garafil at inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy party-list Rep. Jernie Jeet Nisay, na sinasabing konektado umano sa JVN Construction and Trading, isa sa mga contractor na nabanggit ng ICI sa inimbestigahang flood control scam at umanoy…
Kasamang ‘Congtractor’ na tumiba ng bilyon sa flood scam.
********
Ang 2nd impeachment na isinampa ng Makabayan Bloc nitong Lunes din at halos parehas ang mga charges kontra sa Pangulo ay tinanggap na ng House Justice Committee kayat uumpisahan na umano ang pagtalakay kung meron sapat na sustansiya ang 2 impeachment complaints para umusad ito. Kaya nga sobrang galit ng grupo nina Mike Defensor at Chavit Singson dahil…
Wala ng tatanggapin pang reklamo kontra Pangulo dahil sa 1-year bar rule. Iyakan na mga DDS.
********
Talagang malawakan ang ginagawang pagbira kay PBBM para patalsikin ang Pangulo sa Malacanang at pwersahan ipalit si VP Sara Duterte upang…
Malibre sa kasong pandarambong mga buwitre sa pera ng bayan.
********
Kailangan ng 1/3 boto ng mga Kongresista o’ mga 116 lagda ng mambabatas para umusad na agad sa Senado ang impeachment complaint kontra PBBM at sa tingin ng ilang kaibigan ko sa House na nakapalitan natin ng kuro-kuro hinggil dito ay…
Hindi uusad kaso dahil majority pa rin e, elibs ke PBBM.
********
Ang hinihintay daw ng mga Kongresista ay ang impeachment complaint na ipa-file ulit kontra ke VP Sara Duterte matapos ang Pebrero 6, 2026 na katapusan ng one year bar sa unang reklamo kontra VP Sara at iyon ang …
Aakyat agad sa Senado dahil sa 200+ pirma ng mga Kong.
********
Tiniyak naman ni Senate President Tito Sotto na mabilis na aaksiyunan ang impeachment complaint laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sakaling may maghain ng reklamo laban sa kanila at makarating sa Senado.
“Forthwith” at with dispatch ang aksiyon ni Tito Sen. Aprub.
********
Walang VIP treatment nakuha si dating Senador Bong Revilla Jr. ng ikinulong Lunes ng gabi sa Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas, Quezon City matapos itong sumuko bunga ng kinakaharap nitong kaso sa Sandiganbayan ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla na nagsabing…
Trabaho lang, walang kaibigan sa kapwa Cavitenong pulitiko.
********
Sa Enero 23 babasahan ng sakdal si Revilla at iba pang kapwa akusado sa umano’y P92.8 milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan at dito rin tatalakayin ang mosyon ng dating senador na ilipat siya sa PNP custodial center sa Camp Crame, Quezon City.
Kulong si Bong kahit na kaalyado ni Pres. Bongbong.
********
SHORT ORDER: Happy birthday to my 2 wonderful, gorgeous younger sisters Mila Datol-Tucker (Jan. 31) of Staffordshire, England and Flora Datol-Quinto (Jan. 29) of New Jersey, USA & Tuguegarrao, Cagayan, who’ll jointly celebrate their milestones with a family get-together party in our ancestral home n Jaen, NE prepared by our elder Ditseng Baby Datol-Lei & bayaw Vic Lei end of the month. Happy birthday Mila & Flora from your Sangko Moying & Ate Frances and Family in Toronto, Insan Pet Cruz & Family, Ate Norma Datol & Family of Nova & Datul Family in Isabela, Esquivel Family & Gamboa & Javate Families of Jaen . God Bless.
– 30 –











Leave a comment