Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: January 1-15


By Mon Datol Nasaan si Bato?; Impeachment vs Sara2 ikakasa na; PBBM ‘impeachment’ walang basehan; 5.5M dumagsa sa Traslacion 2026 ng Poong Nazareno; Alex Eala bigo sa ASB Classic semis; Imee Marcos ang ‘Meow-meow’ ng Senado; Cong Leviste sasabit sa ‘solar power’ sale                         …

By Mon Datol

Nasaan si Bato?; Impeachment vs Sara2 ikakasa na; PBBM ‘impeachment’ walang basehan; 5.5M dumagsa sa Traslacion 2026 ng Poong Nazareno; Alex Eala bigo sa ASB Classic semis; Imee Marcos ang ‘Meow-meow’ ng Senado; Cong Leviste sasabit sa ‘solar power’ sale

                                                 ———————-

Itinuturing ng Quiapo Church na pinakamataas sa kasaysayan ang mahigit 5.5 milyong debotong dumagsa sa Pista ng Poong Hesus Nazareno o’ Traslacion 2026 ngayong taon na umabot sa 30 oras at 50 minuto, mula alas-4 ng madaling araw noong Biyernes, Enero 9, hanggang 10:50 ng umaga nitong Sabado, na kung saan ….

       4 nasawi at 1,057 ang nasugatan sa prusisyon. 

                                                          ******** 

Nabigo si Alex Eala na umabante sa finals ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand matapos matalo sa semifinals laban kay Wang Xinyu ng China, 7-5, 5-7, 4-6 sa isang napaka-exciting na laban, na kung saan…

       Posibleng nanalo si Alex kung di na injure balakang.

                                                          ******** 

Ito ang unang torneo ni Eala ngayong 2026 kasunod ng makasaysayang 2025 season kung saan pumasok siya sa WTA Top 100 at umabot pa sa Top 50. Sana maka-recover agad-agad si Alex sa minor injury ng kanyang balakang na nakuha niya sa semis duel niya kay kay Wang Xinyu ng China sa ASB netfest sa Auckland NZ dahil kasunod na next week ang matinding pinaghahandaan niyang…

       Australian Open na isang WTA Grandslam tourney.

                                                         ********

Hindi pa nagpapakita sa Senado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa habang tinitipa ko itong aking artikulo at huli siyang nakita sa kaniyang opisina nuong November 11, 2025 kayat di siya nakalahok sa bicameral committee kung saan isa siya sa miyembro na tatalakay sa 2026 budget. Tanong nga ng milyong Pinoy ngayon…

      Asan na si Bato? Ilabas mo na, Darna!!!

                                                            ********

Walang makapagsabi kung nasaan si Senator Bato maski na ang chief of staff niya ay wala raw alam kung nasaan Boss nila at malaki nga raw palaisipan kung nasaan ang ‘matapang na senador’ na una ng sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na naispatan daw sa Pampanga ang nawawalang mababatas. Akala ko ba matapang, tsismis lang at wala namang ICC warrant eh…

       Nakngdragon! Tinakot lang ni Omb Boying nagtago na! 

                                                            ********

Wala, talo ang milyong Pinoy, kasama na mga bumotong DDS ke Bato dahil kahit nagtatago ito ay kumukuha ng sweldo sa Senado, at alam nyo ba kinikita ng mga Senador? Ayon sa DBM, ang isang senador ay sumasahod ng mula P294,000 hanggang P380,000 kada buwan at ang mga staff ng senador, ay sumasahod ng humigit kumulang P12,000 to P54,000 bawat buwan bukod pa ang mga bonuses.

    Huwag kang sumweldo kung nagtatago. Mahiya ka naman Bato!

                                                              ********

Kung ordinaryong manggagawa ang gumawa nang mahabang absent gaya ng kay Bato, siguradong tsugi na sa trabaho. Wala ng ha o’ ho, alaws ka ng trabaho Dong. Magbubukas na ulit ang regular session ng Senado sa Enero 26 kaya…

     Kung may delikadesa si Bato, matrabaho ka na sa Senado.                                                              

                                                              ********

Hindi na nag-iisa si Cavite Rep. “Kiko” Barzaga bilang mambabatas na ‘meow-meow’ dahil may counterpart na siya sa Senado, si Sen. Imee Marcos dahil kung ano-ano ang sinasabi niya at sa mga paltos na banat sa mga kasama at trabaho sa Senado, ani ito kay…

      Sen. Ping Lacson na hinamon ng ‘sabunutan’ ni Manang Biday.

                                                              ********

Sinabi pa ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na wala umanong moral ascendancy si Imee na kuwestiyunin ang pork barrel fund sa 2026 budget dahil mayroon din itong P3.5 bilyong allocables noong 2025 at ito’y nasa files ni yumaong dating DPWH Usec Cathy Cabral. Tanga-tangahan lang peg ni Manang Biday sa pork Barrel? 

       Nakngdragon Tol Reyfort! Patay-malisya? Mahiya ka naman Imee!!!

                                                               ********

Ani pa Sen. Ping ay ‘kini-criticize umano ni Sen. Imee ‘yung budget ng 2026, ‘yung napirmahan, sabi niya tadtad ng ‘pork’, may giniling, may tinadtad pero ‘pork’ pa rin, eh kung ganu’n definition niya ng ‘pork’, eh siya ‘yung merong ‘pork’ eh, at…

        Ph3.5Bilyon ‘pork’ ni Manang ‘Meow’ ng Senado. Awww!!!

                                                               ********

Iniimbistigahan na raw ng DOJ ang solar energy firm na itinayo ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa balitang  paglilipat umano ng prangkisa sa Meralco nang walang approval ng Kongreso, dahil bawal sa batas yon at…

      ‘Violation of franchise’ at hindi ninenegosyo ang prangkisa.

                                                               ********

“Wala ka bang kahihiyan? Anong klaseng tao iyan? Anong klaseng Pilipino ‘yan? National franchise. Renewable energy critical to the national life. Tapos ganu’n lang. Nabenta mo? ipi-flip mo lang? Nanay mo pa senador,” sabon ni Remulla ke Cong ‘Ngaw-ngaw’ sa kanyang “Executive Session” program sa DZRH noong Sabado.

      Lagot anak ni Loren, pulos kasi ngaw-ngaw sa Cabral files, eh.

                                                               ********

Nag-divest umano si Leviste ng kanyang shares sa SP New Energy Corp. (SPNEC) mula 2023 hanggang 2025 bago naupong miyembro ng Kamara noong Hulyo 2025. Ibinenta niya ito sa MGen Renewable Energy Inc. (MGreen), isang subsidiary ng Manila Electric Co. Base sa disclosure ng transaksiyon, naibenta niya ito ng P34 bilyon.

       Kaya pala naging bilyonario si Cong Lendro. Pero legal ba transaksiyon? Abangan.

                                                                 ********

Sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na maghahain sila ng panibagong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa Pebrero 6 na hustong isang taon matapos ang isang taon na ban.  

       Wala ng magagawa SC sa bagong impeachment case ni Bise P.

                                                                  ********

Kabilang sa reklamo laban kay Sara ay ang tangka umanong assassination laban kay PBBM, FL Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez; hindi wastong paggasta ng P612.5 milyong halaga ng confidential funds; bribery at corruption sa DepEd noong ito pa ang secretary; unexplained wealth na nakasaad sa SALN niya; at pagkakasangkot sa extrajudicial killings sa Davao City noong siya pa ang mayor.

       Aabangan natin ito, Bayan.

                                                                 ********

Minaliit lamang ng Malacañang ang pahayag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na maaaring maharap sa impeachment complaint si PBBM dahil pinabayaan umano nitong masalaula ang badyet ng gobyerno at ninakaw lang ng mga tiwali.

       Alaws yan, di lulusot sa Kongreso tsismis ni Erice.

                                                                  ********                                                                                                                               

KUNG, sakaling maisampa ang impeachment complaint laban kay PBBM, ito ay rerepasuhin ng House committee on justice na kasalukuyang pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro upang tiyakin kung sapat ito sa porma at nilalaman at KUNG nakalusot sa antas ng komite, kakailanganin ang boto ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Kamara bago ito maipadala sa Senado, na magsasagawa naman ng impeachment trial. Malabnaw pa sa sabaw ng ginisang pusit makakuha ito ng 1/3 boto sa Lower House dahil…

        Mahigit 95% ng 319 Kongresista suportado si PBBM. Pramis.

                                                          *******                                                          

SHORT ORDER: Happy birthday (January 12) to Noraline Domingo Polendey from her loved ones….Happiest 71st bday greetings to Taciana Yambot (Jan. 12) from the whole Yabot Family of Jaen, NE…It’s your birthday today (January 12) & make a wish Bem Dela Cruz of Manila, greetings from your Fam & friends…Happy birthday in Paradise Yangku Venci Gamboa Datol (Jan. 13) from the whole Fam, colleagues, friends… Happy birthday (Jan 14) to Engracio Revillame Cruda of Jaen, NE from the Cruda Fam… Happy birthday to Miss Aila Agustin (Jan 15) of Toronto from Agustin Fam… Happiest birthday (Jan. 15) to UMAC Pres. Larry D. Baguisa, also Super Capt., Santo Tomas Norte of Jaen, NE from Dayno &Baguisa Family of Scarborough, Toronto & Vancouver, Canada. MBtC Abay!…God Bless. 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,