Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: Dec 16-31


By Mon Datol PBBM bagsak trust rating sa -3% – SWS; VP Sara kamukha ni ‘Chucky’ pag galit – Castro; ‘No one is above the law’ – PBBM; DILG inirekomenda kasuhan 87 sa ‘flood control scam’ kasama sina Zaldy Co, Martin Romualdez                           …

By Mon Datol

PBBM bagsak trust rating sa -3% – SWS; VP Sara kamukha ni ‘Chucky’ pag galit – Castro; ‘No one is above the law’ – PBBM; DILG inirekomenda kasuhan 87 sa ‘flood control scam’ kasama sina Zaldy Co, Martin Romualdez

                                           ————————-

Masaganang 2026 sa Ating Lahat at sa Buuong Mundo!!!

                                            ————————

Naglabas na naman ng survey ang Social Weather Stations (SWS) na laam ng sambayanan na open-book ang pagka-bias o’ sobrang-pabor at dikit sa mga Duterte nuon pang tumakbong Pangulo si DDU30 at siyempre very timing ang inilabas nitong resulta umano ng face-to-face interview sa 1,200 adults na ginawa noon daw November 24-30, at as usual…

        Bagsak ulit si PBBM at angat-angatan na naman si VP Sara.

                                                   ******** 

Ayon sa SWS survey na inilabas kahapon, December 26, ay bumagsak ng -3% ang net trust rating ni PBBM (38% much trust minus 41% little trust = -3%) habang umakyat naman ng 31% net trust kay VP Duterte (56% much trust minus 26% little trust = 31%)…

       Nakngdragon Tol Reyfort! 1,190 na-interview taga-Davao City!                                                   

                                                   ******** 

Never akong nagtiwala sa kahit sino o’ anuman survey firm sa Pinas dahil merong personal interest lahat ang mga may-ari ng mga survey agency na yan, dahil, kahit ano pa sabihin ng mga nagpapatakbo ng mga ito na para sa bayan ang ginagawa nila ay…

      Me katapat ang serbisyo mula sa nananalo. Tama o’ korek?                                                   

                                                   ******** 

Muntik na rin akong napaniwala nitong batang Cong. Leandro Leviste ng Batangas na anak ni Sen. Loren Legarda at dating Gob Leviste ng Batangas dahil ang galing magsalita at mag-project ng sarili sa harap ng camera ar media. 

       Ala, eyh, pabida at pa-pogi lang akting, tulad ni ‘Meow-Meow’

                                                   ******** 

Sa latest press con ni Cong. Leviste kahapon (Dec. 27) ay umiiyak-iyak pa siya habang patuloy ang naratiba niyang ‘bigay’ ng nasirang DPWH Usec Cabral ang mga dokumentong na tinatawag na ‘DPWH Leaks’ at patuloy na ginagamit si DPWH Sec Vince Hizon na nagsabing ilabas niya sa media mga dokumentong nagtututro sa ‘lahat ng Senador’, mga Kongresista, Cabinet secretaries at undersecrearies sa budget insertions sa NEP. 

      Ala eyh, ke POC Usec Claire Castro lang ay sadsad na si Leviste.

                                                     ******** 

Tinatanong lang ni Usec Clarie ke Leviste KUNG authenticated ang mga DPWH documents na hawak niya na ibinigay DAW ng nasirang Usec Cabral, pero, laging sagot ng anak ni Sen. Loren ay itanong na lang ni Usec Castro ke DPWH Sec Dizon para malamang tutuo mga files. At dahil naiipit na si Sec. Vince Dizon, ay nagbigay na ito ng statement sa media at sinabing hindi pa niya nakikita dokumentong hawak ng anak ni Sen. Legarda, kayat…

     ‘DPWH Leaks’ hawak ni Leviste hindi authenticated. Paktaylo Leandro aka ‘Cong. Ngaw-Ngaw.’

                                                     ******** 

Ikinumpara ni Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro si VP Sara Duterte sa manikang si “Chucky” mula sa American horror film na “Child’s Play” sa kanyang YT Channel na kung saan nagbigay siya ng reaction sa isang video ni VP Sara nang tanungin kung ano ang mensahe nito kay PBBM ngayong Pasko.

       Pag-galit lang ‘Chucky-Face’ si Inday Sara, Atty. Ganda, hehehe.

                                                       ******** 

Gaya ng ipinangako ni Pangulong Marcos, Jr. na me makukulong bago mag-Pasko na kasangkot sa pagnanakaw ng multi-bilyong pera ng bayan sa ‘flood control project’ ng DPWH sa bansa ay…

       Nasa Oblo na mag-asawang Curlee at Sara Discaya. Pramis.  

                                                    ******** 

Si Sara Discaya ay sa Lapu-Lapu City Jail inilipat kahapon mula sa Cebu Jail kasama ang 9 pang sinampahan ng kaso dahil sa  Ph96Million DPWH ‘ghost projects’ sa Davao Oriental, samantalang ang asawa niyang si Curlee Discaya ay sa Senate Jail nakakulong nuon pang Oktubre matapos ‘i-cite for contempt‘ sa Senado ng nagsinungaling sa ginagawang ‘inquiry’ sa ‘flood control scam,’ kayat…

      Kulong bago mag-Pasko ‘King & Queen’ Tong-kraktor sa Pinas.  

                                                      ******** 

Pero wala pang mga Senador at Congressmen na sinasabing mga balyena o’ malalaking isda na nahuhuli at nakukulong at bakit daw hindi kasama si dating Speaker Martin Romualdez sa iniimbestigahan ng ICI at DOJ kahit na dati niyang ‘right hand sa Kongreso’ si dating AKO Bicol Rep. Zaldy Co na siyang sinasabing ‘utak ng bilyong insertions’ sa taunang DPWH budget. Pero sabi nga ni PBBM ay nagu-umpisa pa lang ang pagpuksa sa kurakot sa pera ng bayan at …

     ‘No one is above the law‘ at walang kapamilya sa laban sa kurapyon  sa pera ni Juan.

                                                     ******** 

Ipinahayag naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na inirekomenda na ng ahensiya ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa 87 indibidwal, kabilang sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng flood control scam.

      Plunder, malversation, antigraft at bribery kaso ng mga ‘Butanding.’ 

                                                     ******** 

Kasama sa malalaking isda at maaaring si Benguet Rep. Eric Yap ang unang miyembro ng Lower House na makukulong dahil sa matinding pagkakasangkot sa ‘flood control scam’ dahil sa nakitang “conclusive evidence” na nag-uugnay kay Yap kina Sarah at Curlee Discaya, mga ebidensiyang…

       May kinalaman sa multi-bilyong kickback scheme.

                                                     ******** 

Si Eric Yap ay kabilang sa 20 mambabatas na posibleng maaresto dahil sa pagkakasangkot sa flood scam at noong nakaraang linggo lamang ay ipinag-utos ni PBBM ang pag-freeze ng mga ari-arian ni Yap at ang kapatid nitong si ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap, gayundin ang mga kompanyang nauugnay sa kanila, ang Silverwolves Construction Corp. at Sky Yard Aviation Corp. Di kaya…

       Sangkot din ACT-CIS Party-list Cong. Jocelyn Tulfo? Asking lang Po.

                                                      ******** 

Ang magkapatid na Yap ay inaakusahang tumanggap ng P70 milyong kickback sa mag-asawang Discaya ‘thru an electronic transfer of money,” saad ni Remulla. 

      Walang lusot magkapatid na Yap. Huling-huli sa bibig 2 isda.

                                                      ********

Si Eric Yap, ay dating chairman ng House Committee on Appropriations noong siya pa ang kinatawan ng ACT-CIS nuong 2019 na ginawang caretaker ng Benguet ni Dating Pres. Digong Duterte at noong 2025 elections, tumakbo siya bilang kongresista ng Benguet sa ilalim ng Lakas-CMD. Si Yap din umano nag-insert ng Ph51B sa Davao 1st District ng kumpare niyang si Cong Pulong Duterte. Kaya pala…

      Sanggang-dikit sina Cong Yap at Cong Pulong.

                                                     ********

Sa mga Honarable Senators naman ay baka raw matapos na ang selebrasyon ng pagpasok ng 2026 posibleng maglabas ng warrant of arrests ang husgado para sa mga sangkot na Senadores ng Bayan dahil sa dumarami pang pumapasok na ebidensiya sa mga maraming mambabatas na tumanggap umano ng kickbacks sa mga kontratista ng flood control scam. Tsaka, dati, 5-6 lang daw Senador sangkot sa kickback, pero…

       Ngayon, lahat na raw ng Senador me ‘insertions’ sa pondo ng DPWH 2025 projects???

                                                      ********

Nauuna sa listahan ng mga Senador na pinakakasuhan ng ICI, DOJ sa Ombudsman sina Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Bong Revilla, Chiz Escudero, Nancy Binay, Grace Poe, Mark Villar, pero sa hawak na bagong listahan ni Batangas Cong. Leandro Leviste na bigay daw ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catarina Cabral ay…

       Lahat ng Senador sa 20th Congress ay meron ‘insertions’ sa 2025 budget.

                                                          ********

Inamin din ni Cong. Leviste na mayroon ding insertion ang kanyang ina na si Sen. Loren Legarda sa 2025 budget ng DPWH na Ph1Bilyon batay sa listahang nakuha nito sa yumaong resigned  DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

      Nakngdragon, Tol Reyfort! Kaya ba ni Cong. Leviste ipakulong Nanay Loren niya!?!                                                           

                                                           ********

Sina Senador Sonny Angara (now DepEd Sec) (105 projects @ Phl150M/proj); Chiz Escudero (34 proj), Joel Villanueva (28 proj.), Peter Cayetano (14 proj) at Imee Marcos (24 proj) ang nag-insert ng may pinaka-malalaking budget sa NEP sa 2025 National Budget. KUNG tutoo ang umano’y SOP 15-25% ‘commission’ para sa mga ‘proponents’ ng projects…

       Nakngdragon! Paldo-paldo mga kotongero sa Senado!!!

                                                          ********

Hindi sasantuhin ni PBBM si Cong. Martin Romualdez kapag napatunayang malakas ang ebidensiyang magtuturo na iligal ang naging pagyaman ng kaniyang pinsang-buo na mambabatas mula Leyte at kahit na si …

      Manang Imee ay ipakukulong ni PBBM KUNG guilty sa kurapsiyon.  Pramis.                                                          

                                                          *******                                                          

SHORT ORDER: Happiest birthday (December 26) to PANT Founder, Outstanding Filipino-Canadian, Montreal Olympic Boxing QF, Devoted Hubby to Wifey Cely & wonderful Dad to 3 beautiful children, Dependable Son & Familyman, Very Generous Friend & Colleague & Surrey Respected Community Leader Bro. Reynaldo ‘Reyfort’ Fortaleza. More Blessing Pareko!…. God Bless.  

                                                       – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

,