By Mon Datol
‘Anti-dynasty bill iprayoridad’ – PBBM; Marcoleta kinasuhan ng perjury sa Ombudsman; Sara Discaya sumuko na sa NBI; Bato di na makita, sumama na raw ke Darna; Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na; Atong Ang kinasuhan, Gretchen Barreto ligtas.
—————–
‘Inatasan’ na ni PBBM ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagtalakay at pagpasa sa apat na panukalang batas na nagsusulong ng transparency at accountability kasama na ang Anti-Dynasty bill na…
‘Papatay’ na sa ambisyon ng pami-pamilyang ganid sa pera at kapangyarihan.
*******
At dahil ‘priority bills’ ang 4 na panukalang batas na inihabilin ni PBBM sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Palasyo ng Malakanyang nuong Martes, ay paniguradong aapurbahan ng mga Kongresmeyn at Senador ang mga ito sa lalong madaling panahon na paniguradong…
Magpapaiyak ng todo-todo sa mga pamilyang ginawang negosyo ang pulitika sa Pinas.
*******
Karamihang tatamaan ng ‘Anti-dynasty bill’ pag naging batas ay ang mga pamilya sa probinsiya tulad halimbawa ng mga Duterte, Marcos, Aquino, Romualdez, Singson, Remulla, Barzaga, Recto, Garcia, Villar, Binay, Cayetano, Tulfo, Co, Yap, at napakarami pang angkan sa Luzon, Visayas at Mindanao na sa kasalukuyan ay may mga nakaupong mag-asawa/mag-kapatid/mag-ama/mag-ina/mag-pinsang-buo na…
Senador, Governor, ViceGov, Bokal, Congressman, Mayor, ViceM, Konsi, Kapitan, Kagawad, at pati nga Barangay-Tagay, err, Tanod pala.
*******
Babantayan natin ng todo ang gagawin at aksyon ng Kongreso hinggil sa 4 na ‘priority bills’ ni PBBM na kasama ng ‘Anti-Dynasty Bill’ ang ‘Independent People’s Commission Act; Partylist System Reform Act at Citizens Access and Disclosure Expenditures for National Accountability o CADENA Act.
Bilang na araw ng mga pamilyang pulitiko na palitan-pwesto lang ginagawa sa bansa.
*******
Oras na rin para isa-ayos ang Partylist System Reform Act na inabuso ng mga mayayamang negosyante na milyones ang ginagastos para lamang maging ‘Nominee’ ng isang Partylist at maupong kongresmeyn pag nanalo nga ang nasabing ‘marginalized‘ grupo ng mga Pinoy, tulad ng mga vendors na ginamit si ‘Pares-pares Queen’ Diwata.
Milyonario kontratista raw No. 1 Nominee ng Vendors Partylist nina Diwata, na No. 4 sa listahan. Buti talo VendorsPL.
*******
At saan ka pa, Tol Reyfort, paano nakalusot sa Comelec ang ‘Anting-Anting’ Partylist ng Revilla Family ng Cavite? Anong klaseng ‘marginalized group’ ito? Lahat ba ng members ng grupong ito ay mayruong ‘Agimat’ tulad ni Ramon Revilla, Sr. at Junior?
Nakngdragon! Bakit ako di member, eh, me agimat ako? Hehehe…Nanalo partylist ng isang Kong, na anak yata ni Bong.
*******
Hindi pa matatapos imbestigasyon sa ‘flood control scam’ na ginagawa ng ICI na nilikha ni PBBM 3 months ago dahil mas lalong palalakasin ng Pangulo ang komisyon dahil bibigyan na ito ng kapangyarihang magpa-contempt, magpa-aresto, magsampa ng kaso sa mga magnanakaw ng pera ng bayan, at ito ay tatawagin ng…
Independent People’s Commission, walang sasantuhin.
*******
Kinasuhan na ng reklamong perjury sa Office of the Ombudsman ng samahang Kontra Daya si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa pag-amin umano nito sa isang TV interview na nakatanggap siya ng P112 million donation para sa pangangampanya noong panahon ng eleksyon.
Delikading masibak sa Senado si Ka Dante. Kulong? Dehins.
*******
Maliban sa reklamong perjury, nagpasa din ng complaint-affidavit kaugnay sa Omnibus Election Code sa Comelec ang Kontra Daya laban rin sa senador noong Biyernes, December 5.
Umamin ka kase, mahirap lusutan ang SOCE Ka Dante.
*******
Personal na sumuko sa NBI ang tinatawag ng ‘flood control queen’ na si Sara Discaya matapos atasan ng Pangulong Marcos ang NBI, PNP at iba pang ahensiya na hanapin ang nasabing kontratista dahil lalabas na ang warrant of arrest nito kaaugnay ng P96.5 milyong “ghost” project umano sa Davao Occidental.
Mas safe daw si Sara sa custody ng NBI, sabi nya. Takrot lang si Sara ke PBBM.
*******
Mag-isang buwan na raw AWOL si Senator Bato dela Rosa sa Senado, pero, meron pa raw sweldo at allowances, ayon sa isang Senate mediaman na ka-text ko kamakalawa at balitang di pa alam kung nasaan ito at kung kelan sisipot sa Senado. ani pa katoto…
Baka raw sa takot sa ICC ay sumama na si Bato ke Darna!!!
*******
Wala namang matibay na katibayang mayruon ngang warrant of arrest ang ICC ke Sen. Bato, pero, hayun nga at biglang ‘nawala’ sa Senado ang ‘Bato’ ni DU30 ng…
‘Manakot’ si Ombudsman Boying na kita nya WoA ng ICC.
*******
Iya-apela umano ni Charlie “Atong” Ang ang isinampang kaso ng DOJ na kidnapping with homicide and/or kidnapping with serious illegal detention in connection with the abduction of several sabungeros or cockfight enthusiasts.
Ligtas sa kaso si actress Gretchen Barreto. Pramis.
*******
Hawak na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang P41 milyong pondo na inilaan dito para gamitin sa mga isinasagawang imbestigasyon sa flood control scam. At huwag daw mag-alala si Mayor Magalong dahil ire-refund daw yata yong nagastos na pera.
Me pondo talaga ICI, na-delay lang SARO ani USEC Claire Castro. Claro Sir Babes?
*******
Ipinahayag ni PBBM nitong Miyerkoles na kinansela na ang pasaporte ni dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co na nasasangkot sa iskandalo ng katiwalian sa flood control projects.
Babalik at uuwi ka rin sa Pinas Zaldy Co. Hinihintay ka na sa Oblo. Pramis.
*******
SHORT ORDER: Happy birthday to my niece/inaanak Mary Jane Datol-Lei (Dec. 1) eldest of sister Baby Datol-Lei & bayaw Vic Lei of Jaen, NE…. Happiest 17th bday to our Apo#4 Yumi Datol Tierra (December 6) youngest of 2 daugthers of our pretty youngest Yeng & Lenny Tierra…. Happy birthday (December 10) to colleague Engr. Toto Causing of Cotobato…. God Bless.
– 30 –











Leave a comment