Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: November 16-30


By Mon Datol PBBM ‘itinatwa si Imee’; 8 kulong na 7 pa hinahanap sa flood control scam; Roque, Ong, 3 iba pa kanselado na passports posible nang ma-deport; Alice Guo at 3 tauhan habambuhay hatol Tahasang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na ang babaeng nagsalita sa INC rally ay hindi ang…

By Mon Datol

PBBM ‘itinatwa si Imee’; 8 kulong na 7 pa hinahanap sa flood control scam; Roque, Ong, 3 iba pa kanselado na passports posible nang ma-deport; Alice Guo at 3 tauhan habambuhay hatol

Tahasang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na ang babaeng nagsalita sa INC rally ay hindi ang kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos dahil hindi ugali ng kanilang kadugo na maglaglag ng kapamilya sa publiko. Ani nga mga loyalista nakakausap natin ay grabe na ugali at itsura ng dating Ate ng bayan…

       Baka nasalinan ng ‘huli ispirit’ ng pulitika ni Bato si Manang.

                                                    ********

“That lady that you see talking on TV is not my sister,” sagot ni PBBM sa tanong ng mga reporter kung may masasabi ito sa pahayag ni Imee na matagal na siyang gumagamit ng ilegal na droga. “Hindi siya ‘yan,” diin pa ni PBBM. Nakngdragon, Tol Reyfort, di kaya…

        Magaling na albularyo na kailangang ‘gumamot‘ ke Manang? 

                                                     ********

Sagot naman ni Imee sa kanyang FB page: “Bongbong, ako ‘to, Kung ano-ano na kikita mo Ading!” “Patunayan mong mali ako – gusto kong mali ako,” sambit pa ng senadora. Ani naman  kaibigan kong dating PR man ni Imee…

       Peke na lahat ke Imee mula mukha hanggang salita. Argh!!!

                                                     ********

Iniulat ni PBBM na hawak na ng pamahalaan ang walong  indibidwal na sangkot sa maanomalya umanong flood control projects sa bansa at may dalawa pang nakahandang sumuko habang pitong iba pa, kabilang si dating kongresista Zaldy Co, ay pinaghahanap pa. Nakakulong na sa new QC jail nahuling opisyales ng DPWH. 

      ‘Big Fishes’ kasunod ng iyo-Oblo.

                                                     ********

Naniniwala si Senate Pro Tempore Panfilo Lacson na hindi bababa sa P1B ang dapat isauli ni ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo sa gobiyerno mula sa umano’y nakuhang kickback sa flood control scam at maaari pang lumaki ang halagang dapat ibalik sa oras na matapos ang pormal na kalkulasyon. At basehan ang restitution sa…

      Aplikasyon ni Bernardo sa Witness Protection Program ng DOJ. 

                                                     ********

Hindi naman daw dapat ibalik ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya ang malaking kinita sa nasabing flood control scam ani Sen. Rodante Marcoleta dahil…

       Wala raw sa batas ang restitution pag nag-apply sa WPP.

                                                     ********

Samantala, bagaman may mga kaso nang nasa Sandiganbayan kaugnay ng flood control scandal, nilinaw ni Sen. Lacson na magpapatuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee para sa mga rehiyong hindi saklaw ng mga kasong nasa korte, kabilang ang mga proyekto sa Region 8 at Davao Occidental. 

      Palapit na indulto ng oblo kina Cong. Pulong. Go, go, Sir Ping!

                                                     ********

Posible nang maibalik sa Pinas sina Harry Roque, Cassandra Ong, Ronelyn Baterna, Dennis Cunanan, at Mercides Macabasa mula sa bansang kanilang kinaroroonan matapos kanselahin ng Regional Trial Court Branch 157 ng Pasig ang kanilang mga pasaporte kaugnay ng kasong human trafficking.

      Ga-tungaw na lang laki ng mundo ni Dirty Harry.

                                                      ********

Habambuhay na pagkakabilanggo para sa kasong qualified trafficking ang hatol ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 at ang agarang paglipat kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City kasama tatlo sa 15 niyang kapwa akusado kaugnay ng ilegal na operasyon ng POGO hub sa kanyang bayan.

       Alice in Wonderland na, err, Bilibid nga pala. Ayos, Sen. Risa.

                                                        ********

Kabilang sa mga nahatulan sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz at Walter Wong Rong na kasama ni Guo sa trafficking operation sa loob ng Baofu compound sa Bamban. Pinagbabayad din sila ng tig-P2 milyon bilang multa at tig-P600,000 kada biktima para sa moral at exemplary damage. Kasama sa hatol ang pagbawi sa P6 bilyon na halaga ng Baofu compound pabor sa gobyerno.

      Gawing public school compound malawak na Baofu POGO.

                                                         ********

SHORT ORDER: Happy birthday to my simpatico pamangkin TonyBoy Esquivel (Nov. 23) hubby of ex-Cong. Megan Antonino of Jaen, NE…. Happiest birthday wishes to Sir Rafael Nebres (Nov. 25), GM Honda Scarborough, ON, Canada! MBtC Tiyo Paeng!!! God Bless.  

                                                       – 30 – 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

, , ,