By Mon Datol
‘Uwan’ pinahina ng Sierra Madre; Higit 1 milyong katao inilikas sa paghagupit ni ‘Uwan’; 17Milyon Pinoy apektado ng brownout; ‘Pinas 1 taon state of calamity
Umabot sa 224 ang bilang ng mga nasawi habang 109 pa ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong “Tino”, samantalang 25 ang naiulat na namatay sa bagyong si ‘Uwan’ na mas malakas pa keysa una at kalalabas pa lang sa Pinas ang nasabing super bagyo na…
Me balak pa raw bumalik, huwag na, awat na, sobra na pinsala.
********
Grabe raw talaga lakas ng hanging dala ni ‘Uwan’ ayon sa aming Ditseng Baby at Bayaw Vic Lei ng Jaen, Nueva Ecija ng finally ay maka-chat ko elder sister ko Lunes ng umaga (ET) dahil nawalan na sila ng kuryente Sabado ng gabi. Umaapaw pa rin ang ilog sa Jaen buti at di masyadong binaha ang bayan. Buhos ang aming bahay, tulad ng malaking haws ni Brgy. Sto. Tomas Capt. Abay Larry Baguisa sa Jaen at panlaban sa anumang bagyo, pero, Linggo ng gabi raw ay …
Sobrang takot nadama ng sister ko sa lakas ng hangin dala ni ‘Uwan.’
********
Binasag umano ng bundok Sierra Madre ang mata ni ‘Uwan’ bago lumanding sa lupa kayat humina ang lakas nito mula sa 200+kph sa 100+kph kayat isa lang ibig sabihin nito — mga illegal loggers at miners, tigilan na pagkalbo sa mga bundok at di-tamang pagmimina sa buong bansa at…
Respetuhin adbokasya ni nasirang Gina Lopez ng ABS-CBN na mahalin ang kalikasan.
********
Ang Sierra Madre na itinuturing na “backbone ng Luzon” dahil sa pagsalag nito sa mga bagyo bago pa man umabot sa kapatagan ang pinakamahabang bulubundukin sa buong Pilipinas na may habang 540 kilometro mula Cagayan sa Norte hanggang Quezon sa Timog na parte ng Luzon. Kayat nararapat ingatan at alagaan dahil bilang natural fortress, ang…
Sierra Madre ang first line of defense ng Luzon laban sa mga kalamidad.
********
Ka-tropa ng Sierra Madre ang Cordillera Range at Caraballo Mountain sa naging proteksiyon ng Luzon, kasama na Metro Manila, laban sa hagupit ng mga bagyo, tulad nga ng ‘Uwan’. Kayat dapat na protektahan at isalba ang mga kabundukang mula sa mga iligal na pagmimina at pagtotroso, kaya’t dapat na ibalik na agad…
Ang ‘death penalty’ para sa mga iligal na miners at loggers kasama mga mandarambong sa flood control scam!
********
Idineklara ni PBBM ang Proclamation No. 1077, ang state of national calamity sa loob ng isang taon para mapabilis ang rescue, relief, recovery at rehabilitation efforts kasunod ng malawakang pinsalang dulot ng Bagyong Tino. Tama lang dahil…
Sobrang ginulpi nina ‘Tinio’ at ‘Uwan’ ang halos buong bansa.
********
Layunin ng Proclamation No. 1077 na mapadali, mas mapabilis at mas maayos ang paghahatid ng humanitarian assistance ng gobyerno at pribadong sektor sa mga lugar na apektado ng bagyo, kasama na ang agarang pagpapatupad ng mandatory remedial measures, tulad ng pagpataw ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin; pagbibigay ng walang interes na pautang sa mga pinakaapektadong sektor; at sa problema ng overpricing, profiteering o pag-iimbak ng mga mahahalagang produkto, gamot at produktong petrolyo..
Tamang agarang aksiyon ni PBBM para sa bayang napinsala.
********
Nagpapahintulot din ang Proclamation No. 1077 sa national at local governments na gumamit ng naaangkop na mga pondo para sa rescue, relief, recovery at rehabilitation programs, kabilang na ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga displaced na indibidwal at komunidad.
Magagamit ng LGUs ang milyones nilang emergency funds. Pronto. Bibitayin mambubulsa ng emergency funds ng bayan.
********
Idedemanda na, sisingilin pa ni DPWH Sec. Vince Dizon ang Hi-Tone Construction na kontratista ng seawall o dike sa Navotas City na gumuho sa pananalasa ng Super Typhoon “Uwan” na nagdulot ng pagbaha sa mga barangay na malapit dito na kung saan lumikas sa kanilang mga tahanan ang mahigit 6,000 katao matapos tumaas ang tubig sa karagatan na sinabayan pa ng pagkawasak ng dike. Text nga sakin ng mga close relatives ko sa Navotas ay grabeng takot inabot nila sa paglikas dahil sa mabilis na pagbaha na umabot hanggang dibdib dahil sa pagkawasak ng dike, kaya dapat lang ikulong mga mangongotong sa flood control.
Kailangang mabalik sa bayan milyong ibinayad sa kontraktong.
********
Sa Cebu, mayruong 343 flood control projects sa lahat ng distrito ng Probinsiya, ayon sa DPWH na binigyan ng Ph28Bilyon. Pero sa kabila nang maraming proyekto, grabeng binaha ang Cebu sa pananalasa ng Bagyong Tino na ikinamatay ng 188 katao. Bukod sa Cebu, sinalanta rin ang Negros Occidental at Oriental at iba pang probinsiya sa Visayas Region.
Anyare sa P28Bilyong ibinigay ni DDU30 sa Cebu nuong 2019?
********
Pinagtawanan lang ni dating Congressman Mike Defensor ang inilabas na “insider list” ng kolumnistang si Ramon Tulfo, na naglalaman ng umano’y mga may planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon at binabantayan ng gobyerno, kasama siya, ilang dating Henaral ng military, at mga financiers daw, magkapatd na VP Sara at Cong Pulong kasama si Manong Chavit Singson.
Nakngdragon Tol Reyfort, grabeng papansin na talaga si Sir MonT ke PBBM, ah! Kakaumay na walang wentang wento niya!…God Bless.
– 30 –











Leave a comment