By Mon Datol
Erwin Tulfo pinatatangal sa Senado dahil sa citizenship; Tarlac Mayor Susan Yap-Sulit sisibakin ng Comelec dahil sa ‘residency’; Enrile abswelto sa PDF kaso; ICC ipaaresto na Bato
Hindi na nagulat si Senador Erwin Tulfo sa inihaing quo warranto petition ni Berteni Cataluna Causing sa Senate Electoral Tribunal (SET) dahil ito rin daw ang naghain ng disqualification case sa kanya nuong bago mag-eleksyon pa na naibasura na.
Haharapin daw niya kaso. Opkors, no choice si Erwin Tulfo.
********
Kaibigan ko at dating katoto sa sportswriting frat sa Pinas si Engr. cum Lawyer na si Bertini ‘Toto’ Causing wayback late 80s to late 90s at nabanggit niya sakin nuong mag-file siya ng COC niya nuong May 2025 election para tumakbong Senador nga, ay American citizen pa si Erwin Tulfo dahil gumamit pa raw ito ng US passport bago tumakbo ngang Senador under PBBM Team.
Kung magkano, err, paano umano nakalusot sa COMELEC citizenship isyu ni Tulfo, eh, walang makasagot.
********
Ayon pa kay Tulfo, paulit-ulit na umano na naghain ng DQ case laban sa kanya ang na-disbarred na abogadong si Causing at lahat naman daw ng ito ay naibasura na. Isa lang ibig sabihin nuon, Sen. Erwin…
Palaban si Pre Toto sa laban kontra Sen. Tulfo. Abangan natin.
********
Sisibakin naman ng umano ng Comelec itong si nanalong Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit dahil may isyu sa ‘residency’ sapagkat lumabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Chair George Garcia na …
Kulang sa 1-year residency requirement si Yorme Yap-Sulit.
********
Di lang yon, mga ka-tropang seniors, napag-alaman at nakita mismo ng mga nag-imbestiga na isang bodega lang pala ang idineklarang tirahan ni Yorme Susan sa lunsod.
‘Nakngdragon Abay Oiram Adurc, iskwater Yorme nyo? hehehe.
********
Si Susan Yap-Sulit ay anak ni dating Gov. Jose “Aping” Yap Sr., at nagsilbi rin siya mismo gobernadora ng Tarlac nang tatlong termino (2016–2025) bago tumakbo sa pagka-alkalde nitong nakarang Mayo, kayat…
Madaling nanalo dahil sa bigat ng apelyido Yap sa Tarlac.
********
Kung walang Temporary Restraining Order (TRO) naipagkaloob ang Korte Suprema para harangin ang desisyon, tuluyang mawawala sa pwesto si Susan Yap-Sulit at posibleng pag-upo ni Vice Mayor KT Angeles bilang bagong Alkalde ng kanilang lungsod. Ang tanong…
Makikialam ba at me pwersa pa ba Cojuangco sa Tarlac politics?
********
Pinawalang-sala ng Sandigangbayan si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa natitira niyang graft charges kaugnay ng P172.8 milyong public funds na nauugnay sa pork barrel scam kasama sina Janet Lim Napoles at ang dating chief of staff ni Enrile na si Jessica Lucila “Gigi” Reyes. Well, kasama ni Lolo Johnny sa PDAF scam na…
Acquited sina Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Bong Revilla.
********
Hindi bibigyan ni DLIG Sec. Jonvic Remulla ng ‘hospital arrest’ ang mga tiwaling opisyal ng DPWH, contractors na sabit sa ‘flood control scam’ na ikakalaboso sa bagong Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.
Kumpleto ‘medical personnel at needs’ ang ikukulong sa QC jail.
********
Ayon kay Remulla ang nasabing kulungan ay may kapasidad na 200 hanggang 1,000 inmates at ang naturang jail facility ay malapit sa Sandiganbayan at ayon sa Kalihim ay nakatugon ito sa kapasidad na itinatakda ng korte. Panigurado na raw na…
Mapupuno ng ‘kurakot ng flood control scam’ ang oblo sa Pasko.
********
Kinasuhan ng DPWH sa Office of the Ombudsman ang 22 opisyal at kontratista dahil sa umano’y mga maanomalyang proyekto sa La Union at Davao Occidental at kasama rito ilang District Engineers, Asst. DE, at St. Timothy Construction Corp., na kinatawan ni Ma. Roma Angeline Rimando, authorized managing officer, o si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya.
Di yata makakasama ni Ate Sara hubby nya na si Curlee Disacaya sa oblo? O’ susunod si Kuya sa oblo?
********
Maaari ng ipaaresto ng ICC si Senador Bato dela Rosa kapag hiniling ito ng prosekusyon habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kalusugan ni DD30 ayon kay ICC-accredited Assistant to Counsel Kristina Conti nitong Lunes.
Malapit ng magsama sa Oblo sa The Hague sina DU30 at Bato.
********
Pero aminado si Conti na hindi magiging madali ang pag-aresto kay Dela Rosa dahil isa itong incumbent senator at posibleng magdalawang-isip ang mga opisyal ng PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies sa pag-aresto sa senador. At tsaka di ba sinabi ni Bato na…
Magkakanlong siya sa Senado pag dadamputin ng ICC? Ang tapang yata ni Bato, hane Po? hehehe.
********
Ganap nang batas ang enrolled bill na nagbibigay ng libreng serbisyo sa pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino matapos na mag-lapse into law ang panukala kahit hindi pinirmahan ni PBBM ang panukala, naging ganap na batas ito sa Republic Act no. 12309 o ang Free Funeral Services Act, ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Sobrang tuwa ng mga poor sa programang ito ng gobiyerno.
********
Sa ilalim ng batas, sasagutin ng gobyerno ang serbisyo para sa pagpapalibing sa pamilya o miyembro ng pamilyang “in crisis situations”, kabilang na ang mga mahihirap na naapektuhan ng kalamidad o emergency situations batay sa pagtaya ng DSWD; at
sakop ng funeral services ang paghahanda sa mga dokumento para sa pagpapalibing, pag-embalsamo, cremation at i-nurment.
Kulong at multa ang manloloko sa gobiyero para makalibre sa funeral service.
********
Sa amin sa Nueva Ecija ay libre libing (libre kabaong, palamay) nuong kapanahunan ni dating Governor Eduardo Joson, Sr. circa 60s, 70s, 80s) kayat laking tulong nuon sa mga mahihirap sa amin probinsiya.
Wala na yatang libreng libing now samin. Anyare, Gob Oyie?
********
HAPPY HALOWEEN SA LAHAT NG ATING MGA KABABAYAN SA BUONG PILIPINAS!
********
SHORT ORDER: Happy birthday to our son-in-law Lenny Tierra (Oct. 20), hubby of our youngest doter Yeng & Dad of our beautiful grand doters iyam & Yumi, greetings from Mama, Tatits Mabelle, Totits Edgar, apo Nicole & Kyle and from Lenny’s Mom & Family in Chicago & Quezon Prov… Happiest birthday to our Apo #1 Nicole D. Bello (Nov. 1) from your Mom Mabelle, Dad Edgar, lil bro Kyle, Tatits Yeng, Totits Lenny, coz Iyam, Yumi, Mama & Papa and Bello Family in Davao City & Bulacan. …God Bless.











Leave a comment