Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: Oct 1-19


By Mon Datol ICC ibinasura paglaya ni Duterte kulong pa rin; P158-Milyon ibinigay ni PBBM sa Manay, Davao Oriental; Bato ipapahuli na ng ICC; Ombudsman Boying Remulla bubuksan SALN ni VP Sara Ibinasura ng ICC ang kahilingang interim release at mananatiling nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hauge dahil nananatili itong “flight risk”…

By Mon Datol

ICC ibinasura paglaya ni Duterte kulong pa rin; P158-Milyon ibinigay ni PBBM sa Manay, Davao Oriental; Bato ipapahuli na ng ICC; Ombudsman Boying Remulla bubuksan SALN ni VP Sara

Ibinasura ng ICC ang kahilingang interim release at mananatiling nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hauge dahil nananatili itong “flight risk” at potensyal na banta sa mga testigo bukod pa sa posibleng gawin muli nito ang mga krimen na ibinibintang sa kanya. Kahit anong apela pa gawin ng napaka-mahal na abogadong kinuha ni Sara…

          Wala ng pag-asang maka-uwi pa Pinas Tatay Digong nila.

                                                  ********

Ang mga alanganing public comments ni Sara ang ginamit na basehan ng ICC para i-ekis ang apela ni Atty. Kaufman para sa inihaing pansamantalang kalayaan ni DU30 tulad nuong Hulyo ng sabihin ni Inday Sara na…

        Itatakas ang ama dahil kinidnap ito kaya nadala sa The Hague.

                                                   ********

So, kulong pa rin si DU30 sa The Hauge habang hinihintay pa kung kailan ang umpisa ng trial nito, na pinospon nga dahil sa naratibo ng kampo ni Kaufman na ‘tinatamaan’ na ng pagkalimot o’…

       Meron ng ‘dimentia’ umano si Dingong nyo?!? Nakngdragon!!!

                                                   ********

Bagaman at nagsumite ng medical reports ang mga abogado ni Duterte na nagsasabing mahina na ito at hindi na maayos ang kalusugan, sinabi ng ICC na hindi napatunayan sa dokumento na hindi na ito “flight risk” dahil lang sa isyu ng kalusugan. Dahil kapag nakalabas sa ICC jail si DU30 ay paniguradong…

       Ililipad sa Davao ni Sara ang Ama, kahit sa walis sumakay!

                                                    ********

Mental issue ang tingin ko ang gagamitin ni Kaufman para di na matuloy ang trial ng ICC kontra DU30 dahil hindi na kinakasuhan yata ng ICC ang mga suspects na wala ng naaala sa nakaraan o’…

     Medically-proven na me ‘dimentia’ na, korek po ba Atty. Batas?  

                                                     ********

Kaya nga hindi natuloy ang September 23 initial trial ni DU30 dahil nga inihayag ni Kaufman na mahina na raw kliyente niya at di na maka-alala ng ilang dahilan kung bakit siya nasa ICC. Kaya nga dapat na…

      Patingnan ng ICC sa medical expert si DU30 kung ulyanin na to. 

                                                     ********

Maaaring ipaaresto na ng ICC si Senador Bato dela Rosa kapag hiniling ito ng prosekusyon habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kalusugan ni DD30 ayon kay ICC-accredited Assistant to Counsel Kristina Conti nitong Lunes.

      Malapit ng magsama sa Oblo sa The Hague sina DU30 at Bato.

                                                      ********

Pero aminado si Conti na hindi magiging madali ang pag-aresto kay Dela Rosa dahil isa itong incumbent senator at posibleng magdalawang-isip ang mga opisyal ng PNP, NBI at iba pang law enforcement agencies sa pag-aresto sa senador. At tsaka di ba sinabi ni Bato na…

      Magkakanlong siya sa Senado pag dadamputin ng ICC? Ang tapang yata ni Bato, hane Po? hehehe.

                                                       ********

Walo ang patay at mahigit 400 ang naiulat ng sugatan habang sinusulat ko ito ngayon Oktubre 12, 2025, at estimated damages ay aabot na umano ng Ph2-Bilyon dahil sa kambal na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental nuong Biyernes at…

       Apektado ang 125,283 pamilya o’ 491,258 na indibiduwal.

                                                       ********

Naglaan ang Office of the President ng P158 milyon para sa mga lugar na matinding nasalanta ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental at personal na binisita ng Pangulo Bongbong Marcos ang lalawigan at tiningnan ang sitwasyon at kondisyon ng mga mamamayang naapektuhan ng malakas na lindol noong Biyernes.

       Hayan, nagpunta si PBBM sa Davao, asan na nagbabanta sa kanya? 

                                                        ********

Kabilang sa nabigyan ng pondo ay ang Mati City, Banaybanay, Manay,  Lupon, Tarragona, Banganga, Boston, Cateel, Caraga, San Isidro at Governor Generoso. 

     Si VP Sara kaya, ano at magkano ibinigay tulong sa kababayan niya sa Davao? Asan ba si Inday Sara?

                                                         ********

Sa ginanap na situation briefing ay inianunsiyo ng Pangulo sa mga lokal na opisyal ang inilaang pondo ng Office of the President bilang tulong sa mga nasalantang lugar at sinabi ni PBBM na nasa mga lokal na pamahalaan na kung paano gagamitin ang pondo pero ang iba aniya ay pampuno sa ginagawa ng DSWD. 

      Huwag mamulitika o’ hindi sa bulsa, Ibigay pera sa biktima.  

                                                        ********

Namumutla na sa ‘takot’ mga kaalyado ni DU30 na namulsa ng milyones na pera ng bayan sa administration ni Digong Duterte dahil wala umanong sasantuhin ang bagong talagang Ombudsman na si Boying Remulla at…

    Unang-una iimbestigahan ang SALN  ni VP Sara. Abangan. 

                                                         ********

Sens. Chiz, Jinggoy, JoelV, Cong. Martin, Arjo Atayde, “PM” Vargas, Mayor Nancy Binay at iba pang mambabatas at DPWH officials na konektado sa anomalya ng flood control project kasama sa 29 inilagay ng ICI at DOJ sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO). 

     Wala munang lilipad hanggat iniimbistigahan mga pakpak.

                                                           ********

Ganap nang batas ang enrolled bill na nagbibigay ng libreng serbisyo sa pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino matapos na mag-lapse into law ang panukala kahit hindi pinirmahan ni PBBM ang panukala, naging ganap na batas ito sa Republic Act no. 12309 o ang Free Funeral Services Act, ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

      Sobrang tuwa ng mga poor sa programang ito ng gobiyerno.

                                                           ********

Sa ilalim ng batas, sasagutin ng gobyerno ang serbisyo para sa pagpapalibing sa pamilya o miyembro ng pamilyang “in crisis situations”, kabilang na ang mga mahihirap na naapektuhan ng kalamidad o emergency situations batay sa pagtaya ng DSWD; at

sakop ng funeral services ang paghahanda sa mga dokumento para sa pagpapalibing, pag-embalsamo, cremation at i-nurment.

      Kulong at multa ang manloloko sa gobiyero para makalibre sa funeral service.

                                                            ********

Sa amin sa Nueva Ecija ay libre libing (libre kabaong, palamay) nuong kapanahunan ni dating Governor Eduardo Joson, Sr. circa 60, 70, 80) kayat laking tulong nuon sa mga mahihirap sa amin probinsiya. 

      Wala na yatang libreng libing now samin. Anyare, Gob Oyie?

                                                            ********

SHORT ORDER:  Happy Thanksgiving (Oct 13, 2025) to all Kabayan here in Canada!!! …Happiest birthday to my pretty na gorgeous pang niece/inaanak Charm Lei-Corsino (Oct. 13) of UE-Manila & Jaen, NE, greetings from ur hubby, Mum & Dad, doter, brod , sister, whole Datol & Lei fam… Happy birthday to Jed Marquez of God is Alive of Cabanatuan City, RP… Bday greetings, too, to SAA 71 Batchmate Edna Garcia (Oct. 13) of Jaen, NE…God Bless.  

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

,