By Mon Datol
ICC Inilabas na Detalye ng Habla vs Duterte; Chavit Singson iimbistigahan sa inciting to sedition; 244 raliyista inaresto 93 Police injured sa September 21 protesta; Yorme Isko kilala masterminds sa gulo sa Manila; Jinggoy, Villanueva pakakasuhan sa ICI kung may ebidensya
Inilabas na ngayong Lunes ng International Criminal Court (ICC) ang public redacted version of the summary and details of criminal charges na inihatag kontra dating Philippine president Rodrigo Duterte.
Malapit ng umpisahan paglilitis ke DDU30. Abangan.
********
Ayon sa “Document Containing the Charges” na isinumite ng Office of the Prosecutor, the prosecution holds Duterte criminally liable for the following:
1. Murder as a crime against humanity in Davao City during the mayoral period between 2013 to 2016.
2. Murder as a crime against humanity of “high-value targets” in locations across the Philippines during the presidential period between 2016 to 2017.
3. Murder and attempted murder as crimes against humanity in barangay clearance operations in locations across the Philippines during the presidential period between 2016 to 2018.
NOTE: The prosecution cited 49 incidents to support its charges against Duterte, with a total of 78 victims: 19 victims for count 1, 14 victims for count 2, and 45 victims for count 3.
Magkaka-dementia nga si DU30 para di matuloy ICC trial niya.
********
Nanawagan si Palace Press Officer Claire Castro sa DOJ, DILG at PNP na imbestigahan ang naturang panghihikayat ni Singson sa mga estudyante, kabilang ang mga menor de edad, na tumindig para sa isang “rebolusyon laban sa korapsiyon.” Wala yan.
Chavit walang sabit dahil di rebolusyon sa gobiyerno yon.
********
Kahit si DILG Sec. Jonvic Remulla ay nagsabing hindi maituturing na inciting to sedition ang paghikayat ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa mga kabataan na lumahok sa rally laban sa korapsiyon a hindi naman ibagsak ang gobiyerno ni PBBM ang hamon ni Singson.
Korek ka dyan, Sec. Jonvic masama lang loob ni Manong ke PBBM.
********
Nasa 244 raliyista, kasama na ang 103 na minors, na nambato at nanunog ng trailer truck at nan-ransack sa isang hotel at nanira ng ilang negosyo sa Recto ang inaresto ng mga tauhan ng MPD habang nasa 93 pulis at isang mamamahayag ang naiulat na nasugatan matapos na sumiklab ang karahasan kahapon sa panulukan ng Ayala Bridge at Romualdez St., Recto at Mendiola sa Maynila. Dating politikong Fil-Chinese, abogado ang mga masterminds umano ng marahas na gulo ng…
‘Gangsters in Black’ na bayaran sabi Yorme Isko
********
Gusto ng Malacañang na malaman kung sino ang utak sa naganap na matinding karahasan at panggugulo nuong September 21 protest rallies na minonitor ng todo ni…
PBBM sobrang nagalit sa ginawa ng mga ‘Gangsters in Black.”
********
Hindi naniniwala si Castro na walang nag-utos sa grupo na lumusob sa Palasyo, manunog at manggulo sa malaking kilos-protesta, dahil,
bilang abogado, isang malaking kuwestiyon kung paano nagkita-kita ang grupo at lahat naka-maskara kaya malinaw na ang mga ito ay masasamang elemento at maaaring kasuhan ng sedition.
Dating Pulitiko Fil-Sino, Abogado raw masterminds sabi Isko.
********
Sino raw ba ‘yung sanay sa mga ganitong harassment? Sino raw ba ang gusto nilang iangat dito at sino raw ba ang gusto nilang pabagsakin? Sino raw ba ang mga milyonario o’ bilyonario na handang ….
Mamuhunan para ilagay manok nila sa Palasyo, ani Castro?
********
Ipinahiwatig din ni Castro na ang gumagawa ng krimen ay ang mga gustong magpabagsak sa Pangulo at gustong umangat sa puwesto, at, ang mga ito, mga nakamaskara, kung matapang sila, ilabas nila ang mukha nila, ani pa Usec Castro. Di na kailangan ilantad mga mukha ng mga ito, Atty. Grace dahil mga ngetpa mga ito, err….
Kilala na naman ni PBBM kalaban kahit naka-maskara pa, eh.
********
Hindi magda-dalawang isip ang Senate Blue Ribbon Committee na irekomenda ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada kung ang ebidensya na ipapakita ni dating Bulacan DE Brice Hernandez ay magpapatunay na ang dalawa ay nakinabang sa umano’y budget insertions, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson. Teka, nakalagay sa SOCE ni Villanueva na..
P20Milyon campaign fund nga tinanggap ni JoelV, dba?
********
KUNG may dapat isailalim sa Witness Protection Program (WPP) kaugnay ng pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects, yan ay walang kundi si Engr. Brice Hernandez kesa sa mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Bakit ikanyo? Dahil…
Sen. Ping Lacson says so. Say mo naman Sen. Dante Marcoleta?
********
“Kasi si Discaya kept on lying. Yung sa kanya talaga self-preservation eh. At namimili lang siya,” esplika ni Ping. Bukod dito, nabanggit din ni Sen. Lacson na nakakuha ang mga construction company ng mga Discaya ng kabuuang P207.25 billion halaga ng mga government projects mula 2016 hanggang 2025 at…
Kung sino lang gustong isabit ituturong kumi-kickback sa kanila.
********
Sabi pa ni Lacson, makikita ang kredibilidad ni Hernandez nang madiskubre nga sa budget books ang mga maanomalyang proyekto sa Bulacan na tinukoy nito sa House Infrastructure Committee hearing at umano’y may kaugnayan kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva, so….
Mas me K sa WPP si Brice Hernandez, say mo Tol Reyfort?
********
Nilinaw ni Senate blue ribbon committee chair Ping Lacson na hindi pa clear sina Sens. Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa mga isyu ng budget insertion kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Mali si Ka Dante, di pa ‘safe na safe ang Double J’ ng Senado.
********
SHORT ORDER: Happy birthday (Sept. 22) to colleague Miramon Nuevo of Indiana, USA from his Fam & friends… Happiest birthday wishes to Rachelle G. Romantiko-Aranas (Sept. 22) of Sydney, Australia & Jaen, NE… Smile, it’s your birthday (Sept. 22) Insang Sherlita Javate-Jumaquio of Jaen, NE, RP…Happy birthday to colleague Onim Xela (Sept. 20) of Surrey, BC from Family & Friends. God Bless.
– 30 –











Leave a comment