By E. Maestro (Posted by ReyFort Media)
Dear Aileen and Jon,
Congratulations to both of you on the wedding that only you could have made. Your small and elegant wedding captured your love and commitment, your joy and shared dreams. But it was not only between the two of you, it was also with your three lovely children who witnessed their parents say “I do” in church. Not many children could say that! Jaja was the coin bearer, JV the ring bearer, and JL the corsage girl.
Ang pamilyang Migrante BC ay kasama sa love story ninyong dalawa, sa paglaban sa karapatan ng mga caregiver, katulad mo na nilisan ang pamilya sa Negros para kumita sa Hong Kong at pagkatapos ay nakipagsapalaran sa Canada. Sa pag-oorganisa ng liga ng basketbol ng Migrante BC sa komunidad, na kung saan lalong nakilala ang Migrante BC dahil malinis at patas ang laro. Salamat sa tulong mo, Jon.
Kasama kayong dalawa sa mga martsa, rali at demo, sa pagdulog sa opisyal ng Canada at Pilipinas, sa mga parada at motorcade tuwing tag-init, sa mga know your rights workshop, sa mga piknik, pagsasalo-salo at palaro, sa pakikiramay sa ating mga dalamhati at problema, at sa pagyakap sa mga kaligayan na marami rin naman. Ito ang patunay at pagpapatibay na kahit na malayo tayong lahat sa Pilipinas, may pamilya tayo sa Canada na walang iba kundi ang Migrante Family. Laging may kaabot-kamay!
Nagbibiro lang ako ng nagwika kayo na gusto ninyon ikasal ng pormal sa simbahan at ang sagot ko, “Aileen, magtanan na lang kayo!” Ang sagot mo, “Mare, tatlo na ang anak ko.” Tatlo na nga naman ang Migrante Kids. Humanga rin ako sa inyo dahil ang desisyon na pormal na pag-iisang dibdib ay desisyon ninyong magpamilya. Ito ay matibay, matatag, at puno ng pagmamahal. Ano pa ba ang hihingin sa inyo?
Both of you entered the church to the song of Bon Jovi’s “Thank you for loving me”. Both of you left the church as newlyweds to Ed Sheeran’s “Perfect” which sums up that perfect Sunday wedding.
Sana ay mas lalong sumagana ang inyong pagsasama sa biyaya at kaligayahan. At lagi kayong magkahawak-kamay sa hirap at ginhawa.
Mahigpit na yakap sa inyong dalawa at sa mga bata,
Erie at Bert (ninang at ninong) at sa lahat sa Migrante BC













Leave a comment