Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: August 16-31


By Mon Datol PBBM Hindi aalis sa Malacañang hangga’t hindi naaayos problema sa flood control; Chiz at Joel V tumanggap milyones mula kontratista; Bulacan ‘most notorious’    Special News: President Ferdinand Marcos Jr. joined the chorus of people congratulating Filipina tennis star Alex Eala for her historic triumph in the US Open in New York.…

By Mon Datol

PBBM Hindi aalis sa Malacañang hangga’t hindi naaayos problema sa flood control; Chiz at Joel V tumanggap milyones mula kontratista; Bulacan ‘most notorious’   

Special News: President Ferdinand Marcos Jr. joined the chorus of people congratulating Filipina tennis star Alex Eala for her historic triumph in the US Open in New York.

The 20-year-old Eala became the first player from the Philippines to win a singles match in a Grand Slam after a thrilling 6-3, 2-6, 7-6 (13/11) victory over Danish 14th seed Clara Tauson on Sunday (early Monday in Manila) at the $90M 145th US Open at the USTA Billie Jean King National Tennis Center Grandstand Court.

Ang pambihirang panalo sa opening round ang nag-abante sa 20-anyos na Pinay at Globe Ambassador sa Round-of-64 kontra sa mananaig kina world No. 95 Cristina Bucsa ng Spain at world No. 371 American Claire Liu.

Nakasigurado na rin si Eala ng $154,000 (P8.7M) cash prize, at higit sa lahat nagbigay ng bagong kasaysayan sa ‘Pinas – siya ang naging unang Pilipino na nagwagi sa Women’s Tennis Association Grand Slam Open era, at tumapak sa women’s singles second round. 

Congrats Alex! P*Tangna!!! Hahaha! Mabuhay Ka, Kabayan!!!

Ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi siya aalis sa Malacañang hangga’t hindi natutuldukan ang mga problema sa flood control project sa bansa kasama na rito ang mababang kalidad ng mga imprastraktura. Hmmmm, baka 10 taon na… 

Nasa Palasyo pa rin si PBBM sa anomalya sa baha sa bansa.

Okay, ‘terryfying angry’ na raw siya, ani PBBM dahil sa bilyones na nawawala sa kaban ng bayan taon-taon na ibinayad sa maraming kontratista ng gobiyerno sa mga flood control project sa buong bansa, na 25% daw ay commission o’ share ng Senador at/o’ Congressman na influencer/inserter ng bilyones na pondo sa taunang General Appropriation o’ budget ng bansa.  Kaya nga…

Ang pulitika ang pinaka-mayamang negosyo sa Pinas ngayon.

Patuloy na nagsusulputan pa ang mga multo o’ guni-guning ‘flood control projects’ na ginastusan ng trilyon pisong pera ng bayan simula pa nuong 2019, pinaka-malala mula 2022 hanggang 2025 na kung saan 100-Bilyong piso umano ang nalustay ng DPWH sa Top 15 contractors na umano’y…

Me kasangkot na Senador at Congresmen?

Sumobra ang galit ni PBBM ng siyang nanguna sa ginawang biglaang inspeksiyon Agosto 19, Miyerkules ng umaga, at makita na isang “ghost project” ang P55 million riverwall project sa Barangay Piel, Baliuag, Bulacan. “Walang ginawa kahit isang araw, hindi nagtrabaho. Kahit puntahan n’yo, wala kayong makikita na kahit ano,” ani PBBM.

Nakngdragon, Tol Reyfort! Ito ang multong pinaga-agawan!

Ang latest namang ininspeksyon ng Pangulong Marcos nuong Sabado ay ang 152 metrong istruktura sa Kennon Road rock shed project sa Tuba, Benguet, na ginawa para protektahan ang mga motorista mula sa pagguho ng lupa, at nilaanan ng Ph260-Milyong pondo, pero… 

Alaws din, gumuho pa rin, guni-guni na namang project. 

Sa sobrang galit ni PBBM sa nakitang ‘multo’ sa Kennon ay nasabi na lang na “walang naging epekto” sa pagprotekta sa lugar. “Parang walang ginawa. Wala silang tinayo, wala silang nilagay na wall, wala silang nilagay na riprap, wala silang nilagay na slope protection.”

Ala lang. Parang tinapon lang pera sa tubig. Siyet na malagket. 

Huwag ng lumayo pa. Ang Maynila ay muling binaha nuong Biyernes kahit na may pinakamaraming flood control projects sa NCR na umaabot sa 215 proyekto na may kabuuang pondo naman na P14.46 bilyon. Kaya pala sobrang galit ni Yorme Isko sa ilang Congressmen ng Manila eh, dahil pag milyon-milyong flood control projects ng siyudad na sponsored ng kalabang Mambabatas ay…

Ekis ang opisina ni Yorme, Kanya-kanyang raket lang Po?

Nuong araw kahit di pa Martial Law, hangang administrasyon ni yumaong Manila Mayor Mel Lopez, Jr. ay ilang mabababang lugar lang sa lunsod ng Maynila ang binabaha, pero nuong 2016 ng maging Pangulo si DU30 at naging daang bilyones na pondo ng flood control projects kasama na ang Phl51-bilyon ni Cong. Pulong Duterte para sa Davao 1st District lang, ay halos lubog-baha na buong bansa, kasama na ang Manila at Davao City ni Pulong Duterte. Eh, Asan napunta bilyones na pondo ng flood control projects ng DPWH? Sa bulsikot ng Ulupong? Sa bodega ng Dugong? O…

Tinangay ng baha sa bulsa ng kontratista!?@#!? Nakngdragon! 

Sa 1,058 flood control projects na ibinuhos sa NCR sa ilalim ng Marcos administration na me pondong umaabot sa P52.66 bilyon, pinakamarami nga rito ang nasa Maynila na mayruong 215 proyekto at P14.46 bilyon pondo, kasunod ang Taguig (P5.69 Bilyon, 68 projects); Quezon City (P5.32 Bilyon, 141 projects); Paranaque (P3.98 Bilyon, 89 projects). 15 sa 17 siyudad sa NCR ay Biyones flood control bundget, pero…

Hanggang bewang baha, minsan, lampas-tao pa!

San Juan (P718.4Milyon) at Mandaluyong ang may pinaka-maliit nakuhang pondo para sa flood control sa NCR at na merong lang 2 projects na P70.73 Milyon pondo ang city ni Mayor Abalos. Kung Bilyones pondo ng NCR sa flood control, eh, bakit grabe ang baha sa Metro Manila?

Tuwing tag-ulan at me bagyo at habagat lang naman Po!

Tahasang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang lalawigan ng Bulacan ang pinaka-notorious pagdating sa mga maanomalyang flood control projects sa buong bansa, na mayruong kabuuang P44 Bilyon pondo, o’ 45% ng P98Bilyon Region 3 flood control pondo., at mayruon ding pinakamarami rin yatang …

Multo at guni-guning prodyekto??? Say mo, Senator Dila???

Sinabi ni Lacson ba Bulacan was the “most notorious” province claiming that a “well-organized syndicate” was behind the scheme. Idinugtong pa ni Lacson na 28 projects sa Bulacan are so-called distinct as they are all worth P77 million, na umanoy…

Kontrolado ng sindikato ng anak daw ng Jaws! Nakngdragon!

Apat na contractor na ang natuklasan ng Comelec ang nagbigay umano ng kontribusyon sa kampanya ng ilang senatorial bet noong 2022 elections kasama na sina Senate President Chiz Escudero at Senator Joel Villanueva, pero, subjectfor verifications pa raw kung talagang me kontrata ang mga ito sa pamahalaan, ani Comelec Chair George Garcia. 

Magkano, err, paano at kelan ma-verify ni Garcia ang tutoo? 

Tumanggap mula sa contractor sa kanilang election campaign sina Senators Chiz Escudero (P30-Milyon), Joel Villanueva (P20-Milyon), ilan pang Senador at ilang Congressmen, na pangangalanan na sa mga susunod na expose ni Sen. Ping Lacson, na ayon sa Omnibus Election Law ay pwedeng maKasuhan… 

Ma-kalaboso, matanggal at ma-ban sa serbisyo sa gobiyerno.

Economic sabotage ang posibleng ikakaso umano ni PBBM  sa mga kontratista ng mga maanomalyang flood control projects. Yon lang, Mr. President? Aba, magalit ka naman ng totoo Ginoong Pangulo! 

‘Gilitan’ ng ulo kontratista at kasabwat na  Senador at Diputado. 

SHORT ORDER: Happiest birthday to my nephew Jet Datol (August 25) of Angono, Rizal from the Family!… Happy birthday to Kabayan Myrna Javaluyas (August 25) of Jaen, Nueva Ecija…Happy birthday (August 25) to Tina Fabros of Camiling, Tarlac from your loving Family… Happy birthday to Ana Payawal (August 25) of San Juan City, MM… Greetings to Kumpadre Romy Patricio & Family of Surrey, BC… Likewise to Romeo Paas & Family, also of Surrey, BC… God Bless to the Fortaleza Family also of Surrey, BC!                                  

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

,