Discover more from ReyFort Media

Subscribe to get the latest exciting posts sent to your email. Read our Privacy Policy.

The Tall Order: Aug 1-15


By Mon Datol VP Sara ‘di pa absuwelto – PBBM; Nag-celebrate sa ginaraheng impeachment; Hindi pa tapos ang laban in-archive lang ng Senado ‘di inilibing Bagamat in-archive ng Senado ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte dahil sa ‘technicalities’, hindi pa rin masasabi kung ang anak ni Digong ay absuwelto o’ guilty sa kasong…

By Mon Datol

VP Sara ‘di pa absuwelto – PBBM; Nag-celebrate sa ginaraheng impeachment; Hindi pa tapos ang laban in-archive lang ng Senado ‘di inilibing

Bagamat in-archive ng Senado ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte dahil sa ‘technicalities’, hindi pa rin masasabi kung ang anak ni Digong ay absuwelto o’ guilty sa kasong corruption na isinampa laban sa kanya.

      Ke PBBM na galing ‘to, mga Seniors katropapeeps, ha! 

                                                ********

“There has been no trial. So the merits of the case have not been examined, tried, adjudicated, argued, discussed. So accountability just doesn’t come into it,” ayon pa kay PBBM sa interview ng media. Sino ngayon nagsasabing…

      Di nakiki-alam si PBBM sa impeachment ni Sara?

                                                ********

Dugtong pa ng Pangulong Marcos, Jr. ay kailangan din aniyang maunawaan ng taumbayan na ang desisyon ng Korte Suprema ay tumalakay lang sa mga usaping pormal o’ procedural sa Kamara ng mga kinatawan at hindi pinagdesisyunan kung tama o mali ang ginawa ng isang indibidwal, dahil ang pag-imbestiga at pagdinig sa kaso ng mga impeachable officials ay …

      Gawain lamang ng HoR at Senado, eclusively.

                                                ********

“I keep telling you, the executive has no role in this. The president has no role. I’m an impeachable officer,” ayon pa kay Marcos, na muling dumistansya sa proseso ng impeachment, at inamin na may ilang mambabatas na humingi ng kanyang opinyon, na…

      Hindi inaksiyunan ni PBBM hiling mga mambabatas.

                                                 ********

Sa tanong naman kung paano niya haharapin ang mga alegasyon ng korapsyon laban kay Duterte, sagot ng Pangulo, ipagpapatuloy lang ng CoA ang kanilang trabaho para masagot ang katotohanan tungkol sa… 

        Milyones na pera na nawawala sa kaban ng bayan. 

                                                 ********

Well, nagdaos umano ng thanksgiving celebration si VP Sara Duterte kasama ang kanyang legal team at ang mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa impeachment complaint nitong Huwebes Agosto 7, sa Davao City kasunod ng pag-archive ng Senado sa impeachment case laban sa kanya. Nagsisimba rin pala si Inday Sara pero nalimutan yata ng anak ni Digong na…

      Pwede pang mabuhay kahit nalibing na ang patay.

                                                 ********

At sabi nga ni Sen. Tito Slotto, sa interview ni Christian Esguerra, ay hindi pa patay impeachment kontra VP Sara at naka-garahe lang yon na pedeng bunutin muli kapag ini-reverse ng SC ang unang ruling nito na walang jurisdiction ang Senado sa Articles of Impeachment kontra Sara dahil nga raw labag sa Konstitusyon ang 4th complaint ng Kamara. Mayruon nga raw…

      Mali sa SC ruling kontra hurisdiksyon ng Senado at Kamara. 

                                                 ********

Binigyan ng 10 araw ng Korte Suprema si VP Duterte para sagutin o’ magbigay ng komento sa MR na isinumite ng Solicitor General para mabaliktad ang desisyon na unconstitutional ang articles of impeachment ng HoR kontra VP Sara, na ibig sabihin ay…

      Posibleng mabaliktad SC ruling at matuloy trial ni VP Sara.     

                                                  ********  

Dismayado naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa aniya’y minadaling desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment case ni VP Sara Duterte kahit hindi pa tapos ang usapin sa Supreme Court. “The House acted in good faith, why the rush,”kuwestiyon ni Romualdez.

       Oo nga naman, hano Tol Reyfort? Me lakad 19 Senators? 

                                                   ******** 

Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang impeachment na sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na “patay na” matapos ma-archive, ay hindi pa tapos dahil hindi pa nag-iisyu ng final ruling ang Korte Suprema sa kanilang Motion for Reconsideration.

      Oo nga naman, Sen Pete, naghihingalo pa lang, inilibing mo na.

                                                   ******** 

Magkakapatid talaga sina VP Sara, Cong Pulong at Acting Yorme Baste dahil pare-pares utak-gulo nasa ulo tulad ng kanilang Tatay Digong na …

       Di na presidente, pero, utak-pulbura pa rin nasa bungo nito.  

                                                    ******** 

Gusto ni Sara, ‘bloodbath’ sa trial ng impeachment niya, pero, ng nag-file na ng Articles of Impeahment ang Kamara sa Senado ay agarang inutusan daw mga abodago niya na kuwestiyunin sa SC ang constitutionality ng 4th Articles on Impeachment, so, agad-agad yari ang ruling pabor ke Inday…

       13-0 desisyon ng SC justices na 12 appointees ni Digong.

                                                   ******** 

Si Acting Yorme Baste, hinamon ng suntukan si PNP Chief General Torre, na tinanggap agad hamon at ipinahanda ang RMSC para sa isang charity boxing fight na lahat kikitain ay ibibigay sa mga sinalanta ng bagyo at habagat sa bansa. Libo dumating sa RMSC, bumili ng tickets, pero…

       Lumipad na pala pa-Singapore si Baste, na-duwag ke General!

                                                   ********  

At sa sobrang tapang ni Pulong, sinapak at sasaksakin pa sa isang Bar sa Davao ang isang pimp o’ bugaw na niya ng matagal na. Takot na takot yong tao. Marami pang nakapaligid na bodyguards ke Pulong ha?

       Ganuon katapang si Cong Ulupong, err, Pulong nga pala.

                                                   ********  

Anyways, hihintayin po natin ang SC desisyon sa MR na ginawa ng Kamara kung ‘papatayin‘ na talaga ng Korte Suprema ang impeachment ni Sara o’ babaliktarin ang kanilang ruling at bunutin sa archive at…

        Ituloy ng Senado ang ‘trial’ ni VP Sara, pronto! Abangan.

                                                     ********

Lalong dumami bashers ni Sen. Imee Marcos matapos magsalita ng mga kabastusan ke House Speaker Martin Romualdez sa pagboto niya ng Yes sa pag-archive ng impeachment kontra VP Sara, na tinawag na Bondying at Dambuhalang Baby ang Speaker of the House at pinapapalitan pang Leader ng HoR. Ang sagot ng mga supporters ni Speaker Martin at mga bashers…

      Sobrang bastos ang Sandok ng Senado.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

,