By Mon Datol
Moral victory sinungkit ni Pacquiao, who’s next?; Pasig court ekis piyansa ke Quiboloy at mga kasama; ‘Eat Bulaga’ itinama maling resulta ng ‘Da Clones’ contest
Tumiba ng todo-todo ang mga betting odds firms sa Las Vegas at marami pang bangka sa pustahan sa sugal/boxing sa naging ‘majority draw’ resulta sa naging laban nina Manny Pacquiao at Mario Barrios dahil l ang mga pumusta ke Barrios at Pacquiao ay…
Olat lahat at iilan lang ang tumiba na tabla ang tinaya.
Kung 80-85% ang naging traning ni Pacquiao, meaning, 3-4 months max ang paghahandang ginawa ng ating Pambansang Kamao simula Pinas, ay kaya sana niyang pabagsakin si Barrios sa early rounds at tumagal hanggang 12 rounds ang bilis ng kamay at lateral movements niya at…
Di sana nakahabol sa huling 3 rounds si Barrios. Say mo Tol Reyfort?
Moral victory ang ipinakita at ginawa ni Manny Pacquiao sa laban niya sa bata at matangkad na kampeon na si Mario Barrios na kung saan hindi naging sagabal ang edad na isang atleta at tagal ng pahinga para makabalik sa kanyang isport basta’t matindi ang…
Disiplina at pokus sa paghahanda sa pagsampa sa lona.
Naglabas ng sama ng loob si coach Buboy Fernandez ang pagkainis sa isang hindi pinangalanang vlogger dahil sa panghihila pababa kay Pacquiao, na kapag nagkita sila nito ay …
‘Sasampalin kita,”sabi ni Buboy. Huwag sasabunutan coach.
Sino raw kasunod haharapin ni Pacman? Si Mayweather? si Romero? si Tank Davis? o’ rematch ke Barrios? Pagpahingahin muna natin ang Pambansang Kamao at hayaang i-enjoy ang masayang mga araw na kasama buong pamilya sa Los Angeles na…
Di yata kasama si Mommy D?
Di naman mapupunta lahat ke Pacquiao ang sinasabing US$12-15Million na kikitain sa naging laban niya ke Barrios dahil unang-una ay aalisan kaagad yon ng TAXES, tapos share ng coaches, trainers at buong Team Pacquiao, kasama na ang mga miscellaneous expenses tulad ng mga allowances ng mga Pinoy sports journos na kumober ng laban at pinakamalaking share siyempre ang…
Pang-shopping ni Madam Jinkee. Opkors.
Saludo ko talaga ke Tito Sen sa ginawa ng TVJ na suriing mabuti ang naging desisyon ng 7 matitinik na judges sa ginawang pinale ng ‘Da Clones Women Finals’ nuong Sabado na kung saan ang nanalo ayon sa cue card na binasa ni Allan K ay ang gumaya ke Sharon Cuneta, 1st runner-up yong kaboses ni Dulce at 2nd runner-up ka-boses ni Claire dela Fuentes.Mali pala nabasa.
Nag-ala Steve Harvey si Allan K at si Dulce nagwagi!Kudos TVJ!
Sa Sabado na, July 25, ang pinale na EB ‘Da Clones’ at kasama sa finals ang kaboses ni Dulce na malakas na kontender para sa Ph300K na top purse, kasama kaboses ni Tom Jones, Neil Diamond at iba pang gaya-gayang Pinoy na manganganta.
Nasama ba si FPJ at YoyoyV at April Boy? Abangan.
Tinanggihan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang petisyon sa piyansa ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at mga kapwa akusado sa kasong qualified human trafficking.
No bail mga kaso mo. Diyan ka sa oblo PACQu.
Sa palagay ko ay mapapanatili ni Senate President Chiz Escudero ang pamumuno sa Senado dahil ang 20th Congress ay binubuo ng mga diehard Duterte fanatics tulad nina Senators Bato dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Mark Villar at sister Camille Villar, Alan Peter Cayetano na hayagang tumututol sa impeachment. Nakngdragon…
Mga Senadores ng Duterte, hindi ni Juan dela Cruz. Putragis.
Marami ang nabanas kay Escudero dahil sa pagbalam niya sa trial sa impeachment case ni VP Sara, pera, err, pero, hindi naman ang mga pumapabor sa impeachment ang magpapasya kung dapat manatili SP si Escudero Kung di…
Ang 13 Apostoles ni Chiz at Sara Duterte.
Si Tito Sen ang gusto ng maraming netizen, kasama nako at ng aming pamilya at mga kaibigan, na umupong bagong Senate President sa pagbubukas ng 20th Congress bago ang 4th SONA ni PBBM, subalit, hindi sapat ang mga boto nina Senators Ping Lacson, Loren Legarda, Pia Cayetano, Risa Hontiveros, Migz Zubiri, kaya’t…
Tiis keChiz, kung walang babaliktad.











Leave a comment