By Mon Datol
DFA pinapauwi na mga Pinoy sa Israel, Iran maatapos bombahin ng US ang Tehran; VP Sara iwas ‘contempt’ sinagot ‘summons’ ng Senado
Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 o voluntary repatriation sa Israel at Iran upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino at Lahat ng mga overseas Filipino sa Israel at Iran ay inaatasan na umuwi sa Pilipinas.
Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado na umabot na sa 253 Pilipino ang nais ma-repatriate mula sa Israel. Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola, inaasahang maiuuwi ang mga Pilipino sa Lunes o Martes sa susunod na linggo.
Para sa mga nagnanais na makabalik sa Pilipinas, pinapayuhan silang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Philippine Embassy:
- THE PHILIPPINE EMBASSY IN TEL AVIV, ISRAEL: 24/7 Hotline Emergency Number – +972 54 466 1188. Email address – telaviv.pe@dfa.gov.ph
- THE PHILIPPINE EMBASSY IN TEHRAN, IRAN: 24/7 Hotline Emergency Number – +989 12 213 6801. Email address – tehran.pe@dfa.gov.ph
********
Pormal na hiniling ngayong Lunes, Hunyo 23, ni Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court na ibasura ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya dahil ilegal umano ito at nilabag ang ‘one-year bar rule’ sa ilalim ng Saligang Batas. 5 araw naman ibinigay ng Senate impeachment court sa Mababang Kapulungan para sagutin na…
Naayon sa Konstitusyon ang impeachment ke VP Sara.
********
Hindi personal na nagtungo si Duterte sa Senado nitong Lunes subalit isang mensahero mula sa Fortun, Narvasa & Salazar Law firm ang dumating sa tanggapan ni Senate Secretary Renato Bantug, ganap na alas-5:49 ng hapon, para isumite ang ad cautelam.
Sakto sa oras ang sagot, so, iwas pusoy si Manang Inday.
********
Sa ipinadalang mahigit 300-pahinang tugon ‘ad cautelam [with caution]’ ng kampo ni VP Sara sa impeachment court, tinukoy nila ang probisyon sa Konstitusyon kung saan pinapayagan lamang maghain ng isang impeachment complaint laban sa isang impeachable official kada taon.
Isa-isa lang ang banat ani 16 abogado ni Manang Imee, err, Inday ng pala.
********
Sa tutoo lang, may inisyal ng tatlong impeachment complaint ang inihain ng iba’t ibang grupo at inendorso ng mga mambabatas laban ke VP Sara dahil sa betrayal of public trust bunsod ng diumano’y maling paggamit ng higit sa P612 milyong confidential funds, na pera ng bayan na nasa kalinga ng…
Opisina ng Bise Presidente at DepEd na nahurot ni Manay.
********
Pero, ang naturang tatlong reklamo ay hindi naman pala dinala ni House Secretary General Reginald Velasco sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez na isang requirement o kinakilangang gawin para maitakda sa deliberasyon sa House Committee on Justice.
O, kung di naisumite ke Speaker, e, di hindi balido, di ba Mareng Zendang?
********
At sa ikaapat na impeachment complaint ay inaakusahan si VP Sara Duterte ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at iba pang high crimes dahil sa diumano’y maling paggamit ng confidential funds at bantang pagpaslang kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Unang Ginang at kanyang asawang si Liza Araneta-Marcos at pinsan ng Pangulo na si House Speaker Martin Romualdez. At nuon ngang Pebrero 5, 2025, matapos beripikahin at pirmahan ng 215 House Members ang Articles of Impeachment laban sa kanya…
In-impeach ng Mababanag Kapulungan ng Kongreso si VP Sara Duterte.
********
Hanggang Hunyo 30 ang deadline ng Mababang Kapulungan para masagot naman ang ‘summons’ din ng Senate court at dahil huling araw na yon ng deliberayon ng 19th Congress at umpisa na ng 20th Congress kinabukasan ay makakasama na mga bagong-halal na Senador na magiging Huwes sa…
Trial ni VP Sara matapos ang SONA ni PBBM. Abangan ang bagong Teleserye sa Senado.
********
Nasa 10 pangalan ang “ikinanta” ni alyas “Totoy” na umano’y mga utak sa pagdukot at pagpatay sa 34 na nawawalang sabungero na kinabibilangan ng nag-utos, dumukot at pumatay sa mga biktima, ani Justice Secretary Crispin Remulla na tumanggi muna na magbigay ng kanilang pagkakakilanlan. Kahit papaano ay…
Nabuhay muli ang kaso ng nawawalang mga sabungero.
********
Sa ngayon ay inihahanda na ang paghahanap sa mga labi ng mga sabungero na sinasabing itinapon umano sa Taal Lake sa Batangas matapos umanong mandaya sa sabungan at ayon pa kay ‘Totoy’ ay hindi lang sabungero ang mga biktima, kundi maging mga drug lord ang nakalibing sa parehong lugar.
Nakngdragon! Lake of Death na pala Taal Lake ah!
********
Ano raw tingin ko sa laban ni Hall-of-Famer Manny Pacquiao kontra WBC welterweight champ Marrio Barriod sa July 19 sa Las Vegas?
Huwag lang bumigay tuhod, mananalo si Lodi Manny.
********
Kita naman natin kung paano nanalo si Nonito Donaire kahit na 42 na sya at technical victory panalo dahil nga sa malaking sugat sa kanang mata dahil sa accidental headbutt sa 9th round. Kaya ring manalo ni Pacman ng…
TKO basta 6-punch-combo nya tatama sa mukha at tagliran kalaban sa unang 6 rounds.
********
Naluklok na nga sa Boxing Hall of Fame si Manny Pacquiao. No question. Siya lang ang nai-isang boksingero sa buong planeta na nanalo ng world title sa 8-weight divisions – mula mini-flyweight na 108 pounds hanggang super-welterweight na 154 pounds at wala na rin posibleng makakagawa niyan sa boxing. Tunay ng…
Alamat ng Boksing ang ating nagi-isang Manny Pacquiao.
********
Pangatlong Pinoy boxer pa lang si Pacquiao na na-iluklok sa Boxing Hall of Fame after Flash Elorde nuong 1993 at Pancho Villa nung 1994. Ang ating world-renowned boxing promoter na si Papa Lope Sarreal ay inilagay sa boxing pantheon ang pangalan nung 2005. Me kasunod pa kaya?
Si 4-weight division champ Nonito Donaire ang susunod.
********
Congrats nga pala sa Oklahoma City Thunders sa pagkopo ng 2025 NBA championship Trophy kagabi, June 22! Regular Season at Finals MVP si Lodi 6-6 Canadian Shai Gilgeous-Alexander, SGA, ng OKC na taga Montreal! Lakers, Raptors at OKC follower to-its eh!
********
SHORT ORDER: Happiest birthday to our 2nd Angel apo Iyam D. Tierra (June 28) from Mama, Papa, Tatay Lenny, Inay Yeng, li’l sis Mimi, Tatits, Tito, Ate Nicole, coz Kyle & the whole Datol, Tierra Fam around the world!!!..Blessed birthday greetings to my Kumpadre cum ’92 Barcelona Olympics Bronze Medalist cum National Boxing Coach Roel Velasco (June 26) from PANT publisher & co-Olympian Reyfort Fortaleza, Fam & Friends.. Happy birthday to Anghel Ever Mae Bernabe (June 23) from ANT Family, & friends..Birthday greetings to Mae Bentia (June 22) from family & friends…Happy birthday to my FSDC buddy Jimmy Liwag (June 21)…. Happy birhday to my coleague cum Mayor/Cong Ray T. Roquero of Antique (June 24)… Birthday greetings to my kumpadre ex-PBA player Choy Estrada (June 25)…Happiest birthday greetings to Angel Ianezza Munoz Greely (June 25) from TOMz Radio, ANT, & Family & Friends…… God Bless.











Leave a comment